MISS, MAGANDA KA.
“Ang ganda talaga ni Dianne no?”
“Ang ganda niya, ang sexy pa.”
“Grabe sana kasing puti niya rin ako.”
Comment niya sa mga babaeng dumadaan sa harap namin. Lahat nalang ata ng dumaan kinommentan niya ng ganyan, minsan napapaisip ako baka babae din trip neto eh. Pero joke lang, alam ko namang ganito lang talaga sya eh, parati niyang dinadown yung sarili niya. Parati niyang sinasabihan yung iba na maganda, pero yung sarili niyang kagandahan di niya makita.
Ewan ko din nga sa mga babae ngayon, madalas iniisip nila na tinitgnan lang naming mga lalake sakanila e yung physical, yung katawan. Siguro oo, yung iba ganon, pero pano naman yung mga lalakeng hindi lang yun ang hanap? Unfair diba.
”Maganda ka rin naman ah?” Tinignan ko siya pagkakasabi ko nun, syempre ang nakuha ko eh “Anong pinagsasabi mo” face. Naalala ko tuloy yung ipapakilala ko na siya sa barkada ko, sobrang tanggi niya nun dahil andun yung ex ko, kabarkada ko din kasi yung ex ko eh.
“Pano kung hindi nila ako magustuhan? Ayoko, baka sabihin pa ng ex mo. Ang pangit ng ipinalit mo sakanya.” Malungkot niyang sabi sakin.
“Ano ka ba? Kaya nga kita ipapakilala sakanila kasi proud ako sayo, kasi maganda ka.” At hinalikan siya sa noo.
….
“Alam mo, ikaw ang pinakamagandang babae para sakin.” Inakbayan ko siya pagkasabi ko nun, sumiksik lang naman siya sakin at ngumiti.
“Pano mo naman nasabi yan? Eh di naman ako maputi? Payatot ako. Hindi ako yung nililingon. Hi—“ Hinalikan ko siya sa labi ng mabilis para tumigil na sya.
“Maganda ka. Sa iba siguro hindi, pero para sakin oo.” Tinignan lang naman niya ko na parang hindi parin sya naniniwala sa sinasabi ko. “Ang ganda kaya ng mata mo, color brown, yung iba kailangan pa magcontacts para lang magkaroon ng kulay mata nila. Ang simple mo, yung maganda ka kahit walang make-up. Yung kutis mo, pinay na pinay. Bagay tayo gatas at mocha.” Natawa naman siya pagkasabi ko nun. “At hindi lang looks meron ka. Ang bait mo pa, ang sarap mo kasama. Alam mo sa sobrang dami hindi ko na maenumerate kung bakit ka maganda.” Hinawakan ko yung mukha niya at tinignan siya ng seryoso para maramdaman niyang seryoso naman talaga ko sa sinasabi ko. “Pero siguro, kaya ako andito… Para ipaalam at iparamdam sayong maganda ka kahit hindi yun nakikita ng iba. Saka mas okay na yun noh! Di ka aagawin ng iba sakin kasi ako lang nakakakita ng tunay mong ganda.” Ngumiti naman siya at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.
….
“Hi miss, nasaan ka? Puntahan kita. :D” Text ko dapat sakanya pero nakita ko na syang naglalakad sa gawi ko.
“Hi miss na pinakamaganda sa paningin ko.” Harang ko ng nakangiti.
“Bolero talaga!” Ngumiti din naman siya pabalik.
“Di ah. Maganda ka po talaga mahal ko.” Humalik ako sa noo niya at nagsimula na kaming maglakad nang nakaholding hands.
Hindi lahat ng lalake kailangan ng maganda, meron parin dyang mga lalaki na mas hinahanap yung tunay na kagandahan ng kalooban, bonus nalang siguro yung kagandahan diba? Kaya kung iniisip mo pangit ka, marami kang pimples, healthy masyado yung katawan mo, hindi ka head turner. Wag parin mawala yung confidence mo sa sarili mo dahil may isa paring tao jan na mamahalin ka at ipaparamdam sayo kung gaano ka kaganda.
***
One shot inspired sa Miss Maganda ni @erindizon. Haha wala lang, sinubukan ko lang. Tulad nga ng sinabi ni Erin sa one shot nya gusto ko rin iremind na maganda kayo. Maaaring may mas maganda sainyo pero may isang tao paring magmamahal sainyo at sasabihing kayo ang pinakamaganda sa paningin niya. :)
Hayaan niyo yung mapanglait, hindi naman nila alam kung gaano ka kaganda.
At para sa mahal ko, hello. Wag ka na mastress ha? Smile ka na kasi maganda ka. :* Thank you sa paggawa nung cover. Hahaha