Unang karandoman: Walang title. Random nga e.

115 5 17
                                    

Okay, so dahil bored na bored ako, dito ko ilalabas ang pagiging frustrated writer ko. Kung ayaw mong basahin, hutangena ba't nandito ka pa? Layas.

♥ U N A N G K A R A N D O M A N ♥

*wala pa ding title*

Walang kwentang isinulat ni: Malamang, ang dyosang si Hayoung. Kita mo naman sa title di ba? /hutangena tama na, sobrang corny na/

---------------------------------------------------------------------------------------------------

ZEL'S POV

"Zel, mahal kit--"

*kriiiiiiiiing*

(Walang pondo ang dyosa para sa SFX. Hala sige at magtyaga ka sa pipitsuging SFX. Aarte ka? Layas.)

Hutangina ano ba naman yan! Isang letra na nga lang, di pa pinalampas."HOY ZEL! GUMISING KA NA!" Rinig kong sigaw ng nanay ko mula sa labas, alangan namang mula sa loob ng kwarto ko di ba?"Opo! Saglit lang!" Sigaw ko din pabalik. Subukan mo kayang bumulong, sa tingin mo ba maririnig ka ng taong kausap mo na nasa labas?

Nakakabanas talaga, isang letra na nga lang at kumpleto na ang mahiwagang salitang 'mahal kita', hindi pa pinalampas. Kamusta naman yun di ba? Ang saya na e, kaso gaya ng dati, na-udlot na naman ulit ang pagsasabi sa akin ni Ash ng salitang pinaka-aasam kong sabihin niya. Ang salitang 'mahal kita'.

Pwe, tama na nga. Ang drama masyado nito."Zel!" At narinig ko na naman ang mala-megaphone sa lakas na sigaw ni Mama."Opo! Bababa na!"sigaw ko at patakbong pumunta sa banyo at naligo. Syempre nagtoothbrush ako, pupunta akong eskuwelahan at makikita ko si Ash, ang taong gusto ko. Always ready ako 'no, malay mo bigla niya akong kausapin. Para naman hindi nakakahiya sa kanya.

Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako. Teka, syempre nagbihis ako. Magiging tanga muna ako bago ako bumaba nang hubo't hubad, si Ash lang ang pwedeng makakita nun.

(Punyeta. Ang landi, sobrang landi.)

"Ikaw bata ka, late ka na naman!" Sermon sa akin ni Mama."Os'ya kumain ka na nga, kailangan ko nang umalis." Pagpapaalam niya sa akin at bigla na lang lumabas ng bahay namin. Kamusta naman daw yun di ba? Ni hindi pa binabanggit ang salitang 'bye' umalis na kaagad. Tsk.

Pagkatapos kong kumain, inilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko at hinugasan 'yon. Baka mapatay ako ni Mama pag may nadatnan siyang mga nagpaparty na mga ipis mamaya pagka-uwi niya. Hindi pa ako ready madedo 'no! Pakakasalan ko muna si Ash.

------

Pagkarating ko ng eskuwelahan, bumungad sa akin ang halos walang tao na quadrangle. Di ba nga late ako?

"Miss, bawal po kayo pumasok." Sabi sa akin ng guard at hinarang ako. Punyeta, anong problema ni Manong?"Kuya, nakikita niyo naman po di ba? May i.d ako. Ito o---" Hindi ko pa na-itataas ang i.d ko, natigilan na ako. Hutangena, ano namang itataas ko? E wala nga akong i.d.

Teka, wala akong i.d?

Kinapa-kapa ko pa ang suot kong uniporme para i-check kung totoo ngang wala akong i.d. At anak nga naman ng babang tinubuan ng mukha, wala nga akong suot na i.d.

"Miss bawal po kayo pumasok, wala po kayong i.d." Sabi sa akin ni Manong guard."Hutangina naman Manong o! Alam ko yun! Wag mo nang ulitin! Stressed na stressed na nga ang beauty ko dito sa ka-iisip kung anong gagawin ko!" Sigaw ko kay Manong guard.

Hinalukay ko naman ang bag ko at nagbabaka-sakaling makita ang i.d ko. Habang kinakapa-kapa ko ang mga bulsa ng bag ko, nakaramdam ako ng tuwa nang may makapa akong lace.

Hinila ko yung lace na nakapa ko at itinaas upang makita ng mga lumuluwang mata ni Manong guard na may i.d ako."Manong guard! Ito na po ang i.d ko!" Masaya kong sinabi sa kanya."Hija, pinaglo-loloko mo ba ako? Hindi naman yan iyo e." Halos malukot ang mukha ko nang sabihin iyon ni Manong guard.

"Gago! Ini-insulto mo ba ang mukha ko, ha Manong?!" Bulyaw ko sa kanya."Mas tanga ka Hija, lalaki ang nasa i.d na hawak mo, sa tingin mo ba maniniwala ako?" Sabi sa akin ni Manong guard.

Halos malugi ang mukha ko nang nilingon ko ang litrato sa i.d, oo nga, hindi nga akin ito. Pero may biglang pumasok sa isip ko.

Shet, si Ash ba tong nasa i.d?

Ibinaba ko ang tingin ko papunta sa pangalan ng may-ari ng i.d.

ASH LAUREN RODRIGUEZ

Mula sa mukhang parang nalugi, bigla akong napatili,"AAAAAAAH! NASA AKIN NG I.D NIYAAAAAA!"

Si Manong guard naman, kaunti na lang malalaglag na ang mga mata niya nang marinig niya akong tumili."Hija, umalis ka na dito, hindi ka din naman makakapasok dahil wala kang i.d." Sabi niya sa akin. Hindi ko iyon pinansin at pinagpatuloy lang ang pagsasaya ko dahil nasa akin ang i.d ni Ash, at ang advantage nun? May tsansa akong maka-usap siya ng kahit saglit na saglit lang! O di ba? Jackpot ako!

Pero oo nga pala, si Ash kaya nakapasok na? Kasi kung oo, paano siya nakapasok kung wala siyang i.d?

Punyeta naman Zel, ang problemahin mo ay kung nasaang lupalop ang i.d mo ngayon. At ang sagot? Hindi ko alam. Hindi ko naman siguro yun naiwan sa gym kahapon habang pinapanood ko si Ash na maglaro ng Basketball--

Natigilan ako nang biglang may pumaradang itim na kotse sa tapat ng gate, at ang plate number ay PWE 169. Shet! Alam ko tong plate number na ito! Ito ang kotse nila Ash!

Halos lumundag na ang puso ko nang makita ko siyang lumabas mula sa kotse. Fak ang gwapo-gwapo talaga niya!

Para akong tinakasan ng hininga nang bigla siyang maglakad papunta sa gate kung saan ako nakatayo at papasok na sana nang pigilan din siya ni Manong guard."Hijo, hindi ka pupuwedeng pumasok." Sabi ni Manong guard sa kanya.

"Bakit naman po?" Tanong ni Ash kay Manong guard. And take note, ang gwapo ng boses niya! Shet talaga, buti pa si Manong guard nakakagawa ng conversation kasama siya, e ako nga kahit 'hi' o 'hello' lang di ko siya masabihan.

"Hijo, iba yung nasa i.d mo." Napatingin ako sa i.d na suot ni Ash nang dahil sa sinabi ni Manong guard. oh my goshhhh! Pigilan niyo ako, mahihimatay na ako dito dahil sa kilig!

"Ay miss, iyo ba ito? Napulot ko pala kahapon sa gym." Sabi niya sa akin. Halos hindi na ako makapagsalita, grabe napipi na yata ako."Ha? Ah e, a-akin nga yan. I-Ito pala yung i.d mo o." Sabi ko at manginig-nginig ang mga kamay ko nang i-abot ko sa kanya ang i.d niya.

"Ah, tara sabay na tayo?" Alok niya sa akin. Pwede na ba akong mamatay? Shet talaga! Kinikilig ako ng sobra!

"Oo naman! Tar--"

*kriiing*

PUNYETA PANAGINIP LANG PALA. HINDI PA PINALAMPAS ANG HULING LETRA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Randomness ni Hayoung the dyosa ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon