[Travis]
"Oh ayan"
Pagka-abot na pagka-abot ko pa lamang ng Siopao sa harapan niya ay agad niya itong kinuha, kinagat at inumpisahang kainin. Pinagmasdan ko siya. Kumpara sa matalim niyang mga tingin kanina at ang pag-agos ng luha niya, ibang iba ang ikinikilos niya. Halatang gutom na gutom siya at sa nipis ng katawan niya, halatang ilang araw siyang hindi kumain ng mabuti. Ilang sagit pa ay naubos na niya ang Siopao at saka niya pinapak ang sauce nito.
Teka, pinapak ang niya ang sauce? Hindi niya ipinalaman sa Siopao?
"Pff"
At ipinamalas na naman niya ang matalim niyang tingin.
"Bakit?" aniya.
"Wala. Ang weird mo kumain ng Siopao"
"Wala ka bang panulak diyan?"
Ah grabe. Pati panulak, sagot ko pa?
"Teka, sumusobra ka naman yata--"
"Ako na pipili ah"
Tumayo siya para kumuha ng maiinom niya. Kumuha siya ng limang bote ng Tanduay Ice at agad na pumunta sa counter para ipabukas ang bote. Bumalik siya sa lamesa, inilapag niya ang mga bote at sumigaw.
"Siya ang magbabayad nito ha!"
"Tsk. Kainis"
Sa huli ay lumapit na ako sa counter at binayaran ang mga kinuha niya. Tumingin ako sa wallet ko at nakita kong 100 pesos na lang ang pera ko kasama ang sukli kong limang piso mula sa binayaran ko.
Hindi yata makatarungan na malaagas ang pera ko dahil sa suicidal na babae na 'to.
"Umiinom ka ba?" tanong niya.
"Oo, ikaw?"
Tumango siya sabay inom sa bote niya. Tila ginawa niyang tubig ang alak sa harapan niya. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya pero ang ganda niyang babae pero ang lakas ng bahay alak niya na akala mo'y parang hindi babae. Ibang klase.
"Ba't ganiyan ka makatingin?" tanong niya.
Kanina ko pa ba siya tinititigan? Agad akong napa-ubo at dahil na rin sa uhaw ay napainom ako at umiwass ng tingin sa kaniya.
"Naisip ko lang, baka kulang ka sa bitamina sa katawan o kaya sa pagkain kaya ka pumunta sa tulay" biro ko "Gutom na gutom ka kasi"
"Hindi nakakatawa" tinarayan niya ako.
"Eh hindi rin naman nakakatawa yung mga ginawa mong kalokohan kanina eh" sagot ko
"Hindi rin naman nakakatawa yang pagnanasa mo sa akin" sabat niya "Akala mo ba eh nakalimutan ko na?"
BINABASA MO ANG
Defying Death
Teen Fiction[Taglish - Fantasy ; Teen Fic] She wanted to end her life, to jump off the bridge to forget her problems and be gone forever, but some annoying jerk-slash-pervert stopped her from doing so. For her it was the end of her life. For him it was a start...