PROLOGO

501 186 91
                                    


My whole body is in pain. Hindi ko ito halos maigalaw. Kaunting kilos lang ay nakakaramdam ako ng kirot mula sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan. Ginising ko ang katabi ngunit kagaya nang iba ay wala din itong malay. Most of my classmates have serious injuries and bodies that were twisted in a disturbing position. Some of them were already dead.

We're on our way sa campsite nang bigla kaming bumangga sa papasalubong na truck. Sobrang lakas ng pagkakabangga tuloy nayupi yung kalahati ng bus at halos lahat ng mga kaklase ko na nasa harap ay nadurog ang mga katawan.

Pinilit ko ang sariling bumangon dahil gusto ko pang mabuhay ng matagal. Sinikap kong abutin yung cellphone mula sa aking bag upang makahingi ng tulong. Nanginginig ang aking kamay habang tinitipa ang mga numero hanggang sa hindi ko na mapigilang umiyak.

Habang hinihintay kong may sumagot sa kabilang linya ay bigla nalang may humawak sa kamay ko. "M-mamamatay ka. Mama..matay t-tayong l-lahat" wika ng kaklase kong naghihingalo.

Napatingin ako sa kaniyang likod. May isang malaking truck na paparating. Nakaposisyon sa gitna yung bus na sinasakyan namin kaya direkta itong tatama. Mukhang walang plano yung truck na huminto dahil mas lalo lang bumilis ang pagpapatakbo nito. Napasigaw ako sa takot. Gusto kong tumakbo ngunit hindi ko magawa dahil hindi ko na mailakad ang sariling mga paa. Napatingin ako sa sariling katawan. Huli na nang mapagtanto kong putol ang aking mga paa.

Ngayong papalapit na ang truck ay nakita ko ng mas maayos yung nagmamaneho. Nakasuot ito ng puting maskara.

Ipinikit ko ang mga mata and prepared myself for what's coming. Naramdaman ko ang pagikot ng paligid kasabay ng pagkatilapon ko sa kung saan. Huli kong narinig ang tunog ng marahas na pagtatama ng mga bakal at pagkakabasag ng salamin bago tuluyang mandilim ang aking paningin.



ALTHEA

Pinagpawisan ako nang magising mula sa pagkakaidlip. Napatingin agad ako sa labas. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang nasa school pa rin kami.

"Hey, you okay?" nagaalalang tanong ni Precia. She seems to notice my discomfort. Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. She look so alive, very different from what I saw.

Nakikita ko ang kamatayan ng isang tao bago pa man ito mangyari. Matagal na rin magmula noong huli akong nagkaroon ng ganito ngunit ito ang unang beses na nakita kong marami ang mamamatay kaya naman labis nalang ang takot ko.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang sariling mga gamit. Sinama ko na rin pati yung kaniya.

"We're leaving" sabi ko.

"What!?" aniya, halatang nabigla sa sinabi ko.

"We'll die if we don't leave now!" sabi ko almost pleading.

Narinig naman iyon ng mga kaklase ko kaya nakatuon na ang kanilang atensyon sa amin.

"Huwag kasing uminom ng ipinagbabawal na gamot, Althea" biro ni Raymart. Nagsitawanan naman yung iba.

"Maniwala kayo sakin! May masamng mangyayari kaya huwag na tayong tumuloy!" kumbinsi ko sa kanila.

"Umalis ka kung gusto mo! Wala namang pipigil sayo!" pagtaboy samin ni Andra.

Death EscapadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon