31

13 1 0
                                    

[Short Narration]
Yuta

"Bro kain tayo sa canteen" yaya saakin ng tropa ko na si Johnny.

"Sige" pag kasabi ko non napatingin ako nang may nakita akong nag lalakad ng hallway

"Bro mamaya nalang" ngiting sabi ko kay Johnny bago lapitan si Summer.

"Summer!" sigaw ko

"Hi Yuta" ngiti niya sakin pero mapapansin mong may pagkatamlay siya ngayon.

Akmang mag sasalita ulit ako nang maoutbalance siya agad ko naman siyang sinalo

"okay ka lang?"

"oo medyo nahihilo ako pero I can manage-" bago niya pa matapos ang sasabihin niya nawalan nanaman siya ng balanse. Tutulungan ko palang siyang makatayo pero bigla na lang siya nawalan ng malay kaya agad kong binuhat siya at idinala sa clinic

"Mr. Nakamoto? ano nangyari?"

"Bigla nalang siyang nahimatay Ms. Ko." Sabi ko agad agad niyang inasikaso si Summer

"Ms. Ko anong nangyare? Bakit siya nahimatay?"

"Nahimatay siya dahil sa gutom at stress. Okay na siya dito wag ka nang mag alala. Pag gising niya papakainin na namin siya. Pwede kanang bumalik sa klase mo"

"Paki alagaan nalang po siya ng mabuti. Balikan ko nalang po siya mamaya."

Body Wave | TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon