Love me Harder ll #JFanfic

7K 66 5
                                    

Hinihingal ako nang makarating sa kwarto kung saan na-confine ang asawa ko. Nasa bahay kasi ako nang tumawag si Rose ko para papuntahin sa hospital. Hindi ko alam kung bakit pero nataranta nalang ako dahil umiiyak ito.

There she is, katabi si Kia na kausap ang isang lalaking nakasuot ng puting blah blah blah. What do you call that? Shit. Wala pa naman si pabebest para blah blah blah. Damn!

Speaking of my pabebest, nasa tabi lang ito ng hospital bed at nakatulala. Bakit nakatitig siya sa pasyente? Diba ang Pektong ko nakahiga doon.

Napansin ko rin ang iba pang myembro ng Montenegro clan. Tulad ng matikas na lalaking nakatayo sa paanan ng pasyente. Mapuputi na mga buhok nito, pero bakas parin ang kakisigan nung kabataan.

Lander Montenegro.

Nilapitan ko si Ruby. Nadaanan ko pa si Aviona sa isang tabi. Kandong nito ang apo nila. Matanda na ito pero maganda parin.

Che! Maganda pa ako sa kanya.

Nag flip ako nga hair at nag roll eyes kaya nabangga ako sa paa ng bed at nataplak sa sahig. Aray! Ang tuhod ko!

Wala namang pumansin sa akin maliban kay Quiro at tinulungan naman akong makatayo.

Hanep tong journey to Ruby.

Napatigil ako at napatda nang masino ang nakahiga ron. Akala ko ba si Pektong ang na-ospital? Bakit si... OMP!

Niyakap ko si pabebest para aluin ito."Pabebest, wag kang mag-alala, magiging okay rin ang lahat. Sa dami ba naman ng pinagdaanan ninyo eh, kaya niyo ito. Wag kang masyadong mag-iiyak ha, baka hikain ka na naman. Saka God bless, sana kaawaan ka ng diyos." Habang hinahagod ang kanyang likuran.

"Chie-chie.." Nahihirapang sabi nito. Parang hindi makahinga.

"Ano yun pabebest, inatake ka ba ng hika mo...?"

"H-hindi. Lumayo ka sa akin para makahinga ako ng maayos. Baho ng hininga mo. Petmalu!"

Agad naman akong lumayo sa kanya. "Ikaw talaga pabebest, your so blah blah blah! What do you call that?"

"Honest?"

Ang talino niya talaga. Kaya kami bespren eh!

"Yun! Na dali mo. Your so honest talaga."  Inirapan ko siya.

"Over acted ka rin. Kung makaalo ka dyan akala mo mamamatay na si Kyo!"

"Sorry na. Pero pasasaan ba't mamamatay-... Aray!" Kinutungan niya ako. Sinamaan niya ako ng tingin saka hindi na pinansin. Hmp!

Yun nga, si Kyo pala ang na confine. Marami umanong sakit ang dumapo rito. Ayun sa doctor ay dala na ng pagtanda.

Lumilinga-linga ako kung may maitutulong ba ako dito, mukhang wala naman. Saka andito naman anak kong si Rose, okay lang siguro na umuwi na ako baka kasi hinahanap na ako ni Pektong. Napatingin ako kay Ruby, mukhang okay na naman siya."Oh siya, uuwi na ako, mukha namang maayos na ang lahat. Saka may schedule pa kasi kami ni Pektong ngayon. Hihi alam mo na."

Marahan lang itong tumango.

--
Ruby's pov

Gusto ko pa sana pigilan si Chie-chie. Higit sa lahat, isang tunay na kaibigan ang kailangan ko ngayon. Sa sitwasyon ng aking asawa, sa mahahalagang tao sa buhay ang dapat nasa tabi ko.

My parents are already dead. Hanggang ngayon, naglukluksa parin ako sa pagkawala nila. Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit kinukoha ng mas maaga ang mabubuting tao, bakit hindi nalang ang masasama, mga halang ang bituka at wala nang pag-asang magbago. Hanggang ngayon, isang palaisipan ito.

Love Me Harder ll #JFanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon