Lumipas ang ilang araw na ganon lagi ang situation namin. We greet each other on the morning and stayed til our prof. came. Masaya na ako dun pero hindi pala parating ganon.
Lunes.
It was a regular day for me but that's what I thought. Dahil ito na pala ang simula ng kalbaryo ko. Chos lang! :-)
"Good morning class. We have a returnee." Masayang pahayag ni Ms. Garcia.
Napatingin ako sa harap. May magandang babae, mukha syang prinsesa. Lumilingon lingon yung babae hanggang sa mapatingin sa lugar namin ni Sean.
"Hi classmate!" Sabay ngiti nya. The classroom become wild. Lahat nagsisigawan. Yung iba binabati sya. Yung iba naman nagtatanong. kung kumusta na sya, lalo syang gumanda. Babalikan mo na ba si Sean? Medyo nagulantang ako dun sa part na yun.
Medyo malalim yata yung iniisip ng mapansin ko nalang na nasa harapan na nami sya. "Hi Sean, Kumusta ka na?" Yan agad ang bungad nya. "Ayos lang" Sagot naman ni Sean.
"That's Good! So how about lets go out?" Sabi ni ateng girl. "But of course with the barkadas" Dagdag pa nya.
"Busy ako eh. May gagawin pa kaming project ni Lianne, right Lianne?" Sabi Sean sa akin sabay lingon sa akin. Aba nandadamay pa to. Haha. "Meron ba?" sagot ko naman kay Sean. Tiningnan nya ako ng masama yung tipong nakakamatay. Hahaha. "Ayy Oo nga pala, Meron kaming gagawing project sa.... sa... sa ano ahm Science! Tama sa Science! hehe" Ano ba yan napaisip pa tuloy ako. Hayyyy! Lagot ka sakin mamaya Sean!!! Grrr.
"Oh! O-okay" Sagot ni Ate girl sabay ngiti sa akin. Ngayon lang yata nya ako napansin. :( :(
Lumingon lingon siya sa paligid tapos naglakad na papalayo sa amin. "Pssst! May project ba tayo? Wala naman akong maalala ah?" Kalabit at tanong ko kay Sean. Tiningnan nya lang ako ng Masama. Mukhang Bad Mood si Loko. Hayaan na nga lang muna.
Lunch Break!
Lalabas na sana ako ng Room ng may biglang humila sa akin. Pag lingon ko si Sean lang pala "Bakit?" Tanong ko. "Sumama ka lang sa akin" sabi nya sabay hila sa akin papalayo sa Classroom. "Sandali lang! Dahan Dahan sa paghila baka matanggal yung braso ko" Hahaha. At nagawa ko pa pong magbiro. "Sumunod ka nalang sa akin" Sagot naman nya.
"Sandali lang kasi!" Sabay piglas ko. "Sasama naman ako kaya di mo naman kailangan na kaladkarin pa ako. Huhuhu Yung braso ko" Sabi ko sabay himas sa braso ko na hawak nya kanina.
"So-sorry, Di ko sinasadya" Sabay lapit sa akin at tiningnan din ang braso ko na medyo nag kulay pula. Bumilis tibok ng puso ko habang papalapit sya kaya nag isip ako agad ng paraan para makaiwas sa kanya.
"Okay lang, Tara Saan ba tayo pupunta?" Pambabalewa ko sa sitwasyon. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. "Di ko din alam, gusto ko lang umalis muna dito" Sabi nya habang nakasunod sa akin. Tumigil ako sa paglalakad sabay harap sa kanya. "Whaaat? Tapos maka'kaladkad ka sa akin parang may emergency!"
"Sorry na nga! Wag ka ng magalit. Tara kain tayo sa labas" Sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Shemay! Bakit? Bakit bigla bigla nalang bumibilis tibok ng puso ko pag malapit sya? Hinayaan ko nalang syang kaladkarin ako. Somehow gusto ko rin yung nararamdaman ko eh. Ewan ang Gulo ko rin eh.
Mall
Nandito na kami sa mall kumakain. Buti naman at napagod talaga ako sa kakalakad namin.
While eating our food I ask him kung sino yung girl kanina. "Ex ko" Simple nyang sagot. Parang may kumurot sa puso ko kasi medyo sumakit eh. "Ahhh kaya pala" sagot ko nalang. "Kaya pala ano?" Tanong nya sa akin. "Ah wala. Wala lang yun." Sagot ko sabay ngiti.
After namin kumain naglibot libot pa kami sa Mall hanggang sa mapadpad kami sa 5th floor which is Last floor na ng Mall. Lumabas kami at namangha talaga ako sa lugar na yun. Parang may mini park sa lugar na yun.
"Wow! Ang ganda dito!" Sabi ko habang nakangiti sa kanya. Nakatingin din pala sya sa akin. Nanginit tuloy yung mukha ko. "Oo maganda talaga dito." Sabi nya. "Tara punta tayo dun" Turo ko sabay lakad na papunta sa tinuro ko. Naglibot libot lang kami after nung awkward moments na yun.