Unexpected Heartache (ONE SHOT)

24 0 0
                                    

Akala mo minsan tapos na, wala na, naghilom na, pero mali ka pala. Kasi sa tuwing tatangkain mong balikan lahat nandoon parin yung sakit, yung pait, at yung mga ala-alang pinilit mo ng ibaon sa limot.

­­­­­­­­­­­­

Unang araw noon ng pasukan, lahat masayang nakikipagkwentuhan at nagtatawanan habang ako nasa sulok lang, nakaupo, tulala at mugto ang mata. Sino ba naman ang matutuwa pag bigla kang inilipat sa section na wala kang kaibigan o kakilala man lang di ba? Pero alam mo kung anong magandang nangyari ng araw na yon? May isang batang lalaking nakangiti at parang baliw na kumakaway sakin habang nakatulala ako. Nakakahawa yung ngiti niya, kaya naman sumilay ang ngiti sa labi ko. Simula ng araw na yon hindi na ko nag-isa kasi kasama ko na ang unang lalaking bestfriend ko, si John Joseph.

Ambilis ng panahon, nasa 3rd year high school na kami. Parang kailan lang nung Grade 3 palang kami ni JJ , 6 years na pala kaming mag bestfriend. Akalain mo yun!

“Janine tawag ka ni Joseph!” sigaw ng isang classmate ko.

“Pakisabi lalabas na ko” inaayos ko palang yung gamit ko ng may biglang sumilip sa pinto ng classroom namin, halatado ang irita sa mukha niya.

JJ! Ano ba ang tagal mo naman ee! Mag recess na tayo!”

“OO NA JJ! lalabas na! nag-a-apura? may lakad, may lakad?” sarkastiko kong sagot. Umismid nalang siya at hinintay ako sa labas.

Sa 6 na taon naming magkasama, JJ ang naging tawagan namin kasi daw parehong J ang simula ng mga pangalan namin. Ewan ko ba pero para sa mga kaibigan namin ang ibig sabihin ng JJ ay  ”Janine ni Joseph” o di kaya “Joseph ni Janine”. Akala nila Kami dahil lagi kaming magkasama, kung nasan ang isang J nandoon din yung isa, di mapaghiwalay. Pero mali sila, kasi sa kwento nina JJ may ibat-ibang letra pang kasali.

4th yr High school na kami ng nagka girlfriend si JJ, si Cara. Saksi ako kung pano nabago ni Cara ang mga masasamang ugali ni JJ. Mula sa pag Do-dota, sa pag cutting classess at iba pa. Ako yung naging “chaperone” nila. Sa meryenda, sa lunch, sa paghatid at pag sundo, sa mga dates nila, nandoon ako. Masaya naman ako para sakanila, pero naisip ko kelan naman kaya darating yung para sakin? Yung tipong hindi na ako yung sabit sa kwento, yung ako naman ang bida sa kwentong isusulat ko?

Maraming nainis, at nagalit sa JC love team, sinira daw nila ang JJ. Pero sa pananaw ko, walang nasira. Buo parin naman ang pagkakaibigang JJ. Yun nga lang may konti ng nagbago. Hindi na “Kung nasan si J, nandoon si J.” kasi lumayo na ko, kasi aaminin ko nagselos ako, kasi parang naagaw yung best friend ko.

Akala ko noon sasaya na talaga si JJ at Cara pag lumayo ako, pero hindi. Naglaho ng parang bula si Cara, di nagpa-alam, biglaan. Lahat nagulat, lalo na siya. Nakita ko kung pano siya bumalik sa malakong ugali niya, napabayaan niya pag-aaral niya, sinarado niya ang puso niya sa kahit sino, kahit ako.

OO, alam ko nasaktan siya. Pero bakit kailangan niyang itulak palayo lahat ng taong lalapit sa kanya? Bakit pati ako na bestriend niya tinanggal niya sa sistema niya? Masakit. Masakit yung itrato kang parang hangin ng taong pinapahalagahan mo. Pero wala tayong magagagawa ee. Kailangan nalang nating tanggapin na sa buhay walang permanente.

Lumipas ang mga araw, kolehiyo na ako. Ambilis no? dumaan na ang graduation at lahat-lahat, di pa rin kami nag-uusap. Nabalitaan ko rin na pareho kami ng kurso. Nakikita ko siya lagi sa building namin, mag-isa at malungkot. Gusto ko siyang lapitan, pero pinipigilan ako ng pride ko. Pero laking gulat ko ng isang araw lumapit siya sakin habang nasa kiosk ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Heartache (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon