Simula.

9 0 0
                                    

Sukli

"Ayoko na nga rito! Naloloka na talaga ako sa mga subject natin huh, di naman ganito ini expect ko eh akala ko madali lang 'to.." Reklamo ni eina habang suko na sa pag susulat

Kakasimula palang nag rereklamo na kaagad sa mga subject huh'

"Ayan sunod pa samin sige.." Sabi ni carol habang tumatawa kaya nadamay na rin kami ni desme

Kahit noon pa man ay alam na namin kung ano kukuhanin na strand samantalang si eina naman ay sumunod lang

"Eh kesa naman mag stem ako? Paano kayo??" Painosenteng sabi niya kaya pinukol ko sa kanya yung kanina kong nilukot na papel

"gaga.. anong paano kayo? ina ka ba namin at ubligasyon mo kami.." Sabi ko habang tumatawa mamaya mapipitik ko na talaga 'to sa noo para matauhan "pangarap mo yon di mo manlang pinursigi mas pinili mong mag abm kahit di mo naman gusto..." Sabi ko habang tinataasan siya ng kilay

"ayaw ninyo ba ako makasama at bakit palagi ninyo akong tinataboy.." Madramang sabi niya napatawa nalang ako at umiling

"Haynako eina naloloka na ako sayo, punta nalang tayo don sa may gym balita ko marami ngayon na nagkalat na pogi dahil stem month daw ngayon.." masiglang sabi ni desma nagsitanguan sila samantalang ako ay nakakunot lang yung noo

napatingin sila sa akin "Wag mong sabihin na ayaw mo?" Sabi ni carol na nakataas ang kilay

"Ayoko, may klase tayo mamaya baka karayin niyo ako na wag na pumasok...." habang inaayos ko yung mga gamit ko na nagkalat, napatingin ako sa cellphone ni eina na may picture ng mga lalaki sinilip ko iyo ng bahagya

"Kj naman nito! Papasok tayo kung yan yung inaalala mo.." napatingin ako kay desme na ngayon ay naka irap na sa akin ang aarte ng mga kaibigan ko ngumiwi ako dahil ganyan na ganyan yung palagi nilang sinasabi

"Nakakapangit maging kj, kaya ako di ako kj!!" Sabi ni carol

"Goshhh!! Tara na desme sa gym! may nakita na ako sa ig ko na mga stem! Nakaupo na ron sa bench, Dali nandon na ata yung crush koo." Masiglang sabi ni eina na ngayon ay nakatayo na at handang handa ng sumibat

"Tara na kasi jade!! Please bihira nalang  naman tayo maglibot sa campus eh tinatamad ka pa.."

"Ayoko pumunta ron, stem mapanakit.." Sabi ko habang tumatawa

"Malanding 'to kala mo  sinaktan na ng stem.." Sabi ni carol na umiiling iling

"Gaga sikat sa facebook yon, 'di pede ishare sa inyo?" Natatawang sabi ko

"Ayy ewan ko!! Nakakaloka yang kalandian mo na yan.." Sabi ni desme habang hinila na ako papunta sa gym

***

Habang naglalakad kami ay reklamo lang ako ng reklamo dahil ala talaga akong balak lumayas sa building namin

Mag tatlong buwan na kami rito pero 'di ko pa rin nalilibot ang buong school. Siguro posible akong maligaw rito kapag ako nalang mag isa

"Sabi ko sa inyo boring lang dito.." Sabi ko na tumatanaw sa orasan ko

"Shhh. Manahimik ka muna jade jan!" Irap ni desme na ngayon eh tumitingin sa paligid

Nandito na kami sa gym at may tinitingnan lang naman sila di magsiupo kung uupo dami pang kaekekan

"Ayon! Nakita ko sila! don tayo tumabi sa kanila.." Sabi ni eina at ngayon naman ay hinatak na nila ako

Papunta na kami ron at may nakita akong lalaki na tahimik lang na ngumingiti ngiti sa mga kaklase siguro eto yung mga grupo ng crush ni eina

Napatingin ako sa mga mata bakit ganon di ko mapigilan na di tumingin don kahit na naka upo na ako di ko mapigilan na iwasan mapatitig sa gawi nila

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Senior High LoveWhere stories live. Discover now