17

3 0 0
                                    

Iniarrange ng teacher namin ang mga upuan namin sa science dahil magtetest kami,  napasimangot ako dahil di pa man din ako nakakareview.

And oh gosh,  katabi ko si Kurt at sa katabi niya ay si Ruby na patay na patay sakanya. Ako nalang ang magaadjust para sakanila, nakakahiya naman. Syempre hahayaan kong landiin ni Ruby si Kurt kesa naman ako ang gagawa hahahaha,  di naman kami close eh.

"Makie magpakopya ka ha"

Napanganga ako nang bigla niya akong kausapin!  First time in 3 months na nagkatabi kami ng ganito kalapit at kinausap niya ako which reminds me of Jerimy.

"baliw ikaw nga dapat,  wala kong nareview"

Habang nagtetest,  pasimple akong tumitingin sa papel niya at nagtatanong. Pucha ang talino niya,  blangko ang papel ko,  samantalang siya ay puno na. Kaiyak lang.

"kurt pakita dali"

Nahihirapan akong basahin ang sulat niya dahil sa maliliit. Nakakaiyak baka mazero ako huhuhu,  nakakahiya kasi ang baba ng makukuha ko. Pero infairness kahit di kami close ay pinapakopyahan niya ako.

"Makie,   kanino ka ba talaga nakatingin?  Sa papel ni kurt o kay Kurt?"

Biglang nabuhayan ang klase nang makita si Maam na nakatingin saakin at biglang naghiyawan ang mga kaklase namin. Pinipigilan kong kiligin kaya umiling-iling na lang ako at napayuko.

Pero deep inside ko tangina, pwede bang kiligin? Ang gwapo ng katabi ko. Pero habang tumatagal ba't pakiramdam kong may mga matang nagmamanman saakin?  Weird.

T1CAT3B: EUENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon