CHAPTER 02: He's asking for my name

4 0 0
                                    

*blaaaagg*

nabagsak ang cellphone ko nang dahil dito sa lalaking napaka-careless. "Ako na." inis niyang salita sa'kin sabay pulot sa phone ko. Aba, at siya pang may ganang magpakita ng inis e siya 'tong nagmamadali maglakad. Tsss. "Sa susunod kasi, do not text while walking on the hallway. Pa'no kung teacher pa nabunggo mo?" pagtatanong niya sa'kin. "So who cares kung mag-text ako habang naglalakad? Tsaka importante naman 'tong tine-text ko. Tsk, bwisit." hinatak ko na phone ko at aktong lalakad na 'ko pababa ng hagdan ng bigla niyang hinawakan braso ko. "Wait, diba classmate naman kita?" tanong niya sa'kin. "Oo, sana nga hindi nalang e." hinigit ko 'yung braso ko mula sa pagkakahawak niya sa'kin. "Wait, ito napaka-initin mo masyado. Cafeteria rin naman punta mo diba? Sabay na tayo, I'll treat you." habang hawak niya 'ko ulit sa braso. "No, thanks. I have my own money, kaya kong bumili ng kakainin ko." then I smiled sarcastically. "Ya I know, gusto ko lang makabawi. Tara na bilis." hinatak niya 'ko pababa ng hagdan at 'yun ang dahilan kaya hindi na 'ko nakapalag.

"Anong gusto mo?" pagtatanong niya sa'kin habang nasa counter kami. "Kahit ano." pinaghalong matamlay at inis kong sagot. Bigla ng lumapit sa'min 'yung taga kuha ng order. "Ate, meron po ba kayong meal dito na 'kahit ano' ang tawag?" seryoso niyang tanong sa order taker. "Sorry po, pero wala po kaming ganung meal e." sagot nung babae. "O, pano 'yan? Wala raw kahit ano e." tanong niya sa'kin. "Pwede na ba 'kong tumawa? Tsss. Bahala ka na, basta kung ano 'yung iyo, 'yun nalang din i-order mo sa'kin. Gets?" inis kong sagot.

"2 chicken burger and large sprite nalang po ate." um-order na siya.

"Ise-serve na lang po. Ano po name nila?" tanong nung order taker. "Klein po." then smiled.

"Ang cute ng name mo ha." andito na kami sa table para kumain. "Ah, hehe." nahihiya niyang sagot. "Ano whole name mo?" pagalit kong sagot. "Ganyan na ba magtanong ngayon ng pangalan?" pagsagot niya ng nagtataka pero natatawa. "Ah, e ganito talaga 'ko e. O, so ano nga?" pamimilit kong tanong. "Joshua Klein Gomez." matamlay niyang sagot. "Ah, ganda. Mala tatak lang ng underwear." natatawa kong sagot habang umiinom ng sprite.

"Mahilig ka sa underwear ha. E ikaw? Buong name mo?" tanong niya sa'kin habang nakapalumbaba. "Chebatyan Adyich Menteho." sagot ko habang  ngumunguya sa chicken burger. Bigla niyang pinitik ang noo ko. "Aray!" galit kong sabi. "Ang takaw mo kasi, ubusin mo mga muna 'yan tas sabihin mo na pangalan mo." natatawa niyang sabi. "E ba't ikaw 'di mo pa ginagalaw 'yang pagkain mo?" tanong ko sakanya. "May problema ba?" nagtanong ulit ako. Kaya bigla siyang napaupo ng maayos. "Ah, e. W-wala. Tara na." putol putol niyang salita. "Hindi pa ubos. Sayang naman." habang kumakagat sa chicken burger ko. "E! Tara na, lilibre ulit kita mamayang uwian. Promise!" sabay hatak sa'kin palabas ng Cafeteria.

"I am Mrs. Lizarette Mendoza, you can call me Ma'am Liza." nakoo, Values na namin, chitae! "First of all, I don't want to see any paper under your cha---." in-interrupt ko na si Ma'am. "Excuse me po Ma'am. Sorry we're late, andami po kasing tao sa cafete---." pinutol na rin niya pagsasalita ko. Sabay turo si Ma'am sa direksyon na puntahan muna namin. Geez, baka pagalitan kami. Papunta na sa direksyon namin si Ma'am. "Bakit late kayo sa klase ko?" marahang sabi ni Ma'am. "Sorry po Ma'am. Andami po kasing tao sa cafeteria e. Kumain pa po kami kaya napatagal kami. Sorry po talaga Ma'am." pagpapakiusap ko. "Sge, I'll forgive you this time. Next time na ma-late ulit kayo, you'll wait here sa labas hanggang sa matapos ang klase ko. Okay?" sagot ni Ma'am. "Opo Ma'am, sorry po ulit." malungkot kong sagot. "Sge, pumasok na kayo."

-

Lumipas ang ilan pang subject, uwian na namin. Palabas na 'ko ng pinto. "Pssst. Huy." lumingon ako para malaman ko kung sino, si Klein pala. "May pangalan kaya 'ko." inis kong sabi. "E ba't sinabi mo ba pangalan mo sa'kin?" natatawa niyang sabi. Natawa na rin ako na ewan. "Ay oo nga pala. Haha." parang napahiya tuloy ako onti. "O, ba't mo ba 'ko tinatawag?" pinutol ko na agad ang awkwardness ko sakanya. "I told you kanina diba na lilibre kita?" then smiled. "Ah, bukas nalang. Gusto ko na umuwi e." tanggi ko. "Nye, sayang. Sge, san ba daan mo?" tanong niya sa'kin. Bigla kong naalala, hindi nga pala ako masusundo ng driver namin ngayon. "Sa daanan." pamimilosopo ko. "Ah sge. Sabay na tayo. Daanan din ang dadaanan ko e." panloloko niyang sabi. "Sge na, tara na." hinatak ko na siya. Palabas na kami ng gate ng school. "Sa'n ka ba nakatira?" tanong niya. Nako, pipilosopohin ko ulit 'to. Haha. "Sa tirahan." sarap pag-trip-an ni Klein, haha. "Tsss, bahala ka nga." binitawan niya kamay ko at aktong tatawid na. Bigla kong hinawakan ang kamay niya. "Uy, joke lang. Sabay na tayo. Walking distance lang naman 'yung bahay namin magmula sa school." nag-work naman ang explanation ko.

"Ano ba kasi pangalan mo?" tanong ni Klein habang naglalakad na kami. Buti naman at tahimik 'tong dinadaanan namin, mahangin pa. "Ba't ba gustong gusto mo malaman?" tanong ko. "E alangan naman lagi kitang tawagin nalang ng 'huy'." pagdadahilan niya. "O sge. Mauna na 'ko." paliko na 'ko sa gate ng village. "Ge." matamlay niyang sagot. Naglalakad na siya palayo pero pinapanood ko lang muna siya. Ambagal maglakad, nakayuko pa. "Klein!" lumingon naman. "Sebastian Aldrich Montejo!" sinigaw ko na pangalan ko. Baka ikamatay pa niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Could This Be Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon