Pinatay ko si bayaw

64 2 0
                                    

June 16, 2009 8am: Maaga akong nagising Dahil sa ingay sa sala.Malakas ang tinig na iyon,hindi ako nagkakamali tinig iyon ng aking kapatid.

”Hayyyy..Nagaaway nanaman” bulong sa sarili.

Hindi parin ako sanay sa away nila kahit na araw araw ko na itong nadidinig.Hindi na ako bumangon sa aking kinahihigaan bagkos kinakinggan nalang ang kanilang pagbabangayan.

“biyernes,sabado,lingo walang humpay ang inom.Imposibleng hindi ka gumagastos dun. Kelan ka ba nagsabi sakin ng totoo? Tapos kakapirasong tinininda ko sisilipin mo pa. Gusto mo ba akong bulukin dito? Mananakot ka pa.Edi wag kang umuwi dito alam ko naman yun na may uuwian kana?,alam ko naman yun eh edi dun ka. palagi mo nalang sinasabi na lalayasan mo ako edi lumayas ka.Alam ko namang mukha kang pera,nakahanap kana ng mapera? tatakutin mo pa ako hindi ako natatakot saiyo” Sigaw ng kapatid ko sa kanyang asawa.

sino? yung kasama mo alin? Yungkagabi? dagdag pa nito.Malakas na at may halong pag iyak na ang tinig na iyon.Napabalikwas ako at akmang palabas ng kwarto.

“Sino bang kasama ko kagabi, tumigil ka..put….” akmang susuntukin ni bayaw ang kapatid ko.

Lumabas akong bigla sa aking kwarto. Nakita ko sila sa may pintuan ng sala parehas nakakuyom ang mga kamay. Umiiyak ang kapatid ko…Natuonang aking mga mata sa dalawang pamangkin.

“pumasok kayo sa kwarto ko,sige dun maglaro kayo ng psp ko.” Anas ko sa mga bata.

Dali-dali naman akong sinunod ng aking mga pamangkin.Bago pa man ako lumabas ng aking kwarto sukbit ko na ang patalim na gawa ng aking bunsong kapatid na lalaki. Pang self defense ko daw ito. Inilagay ko ito sa aking tagiliran.Mukhang magagamit ko nga ito. Umupo ako sa kanilang likuran na walang imik ,nanonood at nakikinig lang sa patuloy na pagbabangayan nila.Inilayo ko na ang kapatid ko sa kanyang asawa para maiwasan ang kanilang pagsasakitan. Saglit pa at umupo si bayaw na patuloy parin sa pagsagot sa paratang ng nakababata kong kapatid.

“hindi man lang siya nahiya,nandito na ako sa harapan nila tuloy parin ang away,mga walang respeto.” anas ko sa sarili.

“walang kang alam, gago ka! Talagang lalayas ako hindi kana nasunod sa akin.Umagang umaga dakdak ka ng dakdak.” Bulyaw niya dito.

Hindi parin ako na imik. Hindi ba naiisip ng lalaking ito na napaka swerte na niya sa kapatid ko?. Halos naging katulong na ang tingin ko mula nung naging mag asawa sila?. Simula’t simula pa,hindi nahahawakan ng kapatid ko ang sweldo ng kanyang asawa. Kung ano lang ang kulang sa bahay yun lang ibinibigay na pera. Para siyang hari sa bahay na ito. Ang kapatid ko? Labandera, kusinera, yaya, at utusan lang. Aba’y minsan pa nga bumili lang ng tinapay ang kapatid ko ay pinagbintangan na niya itong nakikipag landian sa lalaking nakatitig sa kanya.Pinagbintangan agad na nanlalaki.gayong ang alam lang na lugar ng kapatid koy mga sulok ng kanilang bahay. Mabuti nga nakaisip ang kapatid ko na magtinda para may konting kita na pandagdag sa tuition ng anak . Minsan nang nabanggit ng kapatid ko ang panay reklamo ng asawa na pagod na pagod sa pag t-trabaho. Pambihira ang aking kapatid.Ni singkong duling hindi siya nakakahawak ng pera. Tsk! Tsk! Tsk!.Kung tutuusin maganda at matalino naman itong kapatid ko,Honor student pa nga siya nung elementary. Ewan ko ba kung bakit sa ganitong kababang isip siya napunta. Nakatitig ako kay bayaw.Napatulala.

11:15 am:Hinugot ko ang patalim sa akin tagiliran at lumakad papunta sa harapan ni bayaw.

“Bakit mo pinapaiyak ang kapatid ko? Bakit mo siya inaalila? Hindi mo ba alam na kahit kami’y hiwa-hiwalay kaming pamilya ay mahal ko yan? kapatid ko yan!.” Bumulalas ang aking bibig na walang humpay na pagtatanong.

Hindi pa man nakapagsasalita si bayaw inundayan ko na siya ng saksak sa lalamunan. Nilagyan ko ng ekis ang kanyang mukha para palatandaan na mali ang pagkakapili ng aking kapatid sa kanya. Hindi na nakapagsalita si bayaw.Bumulagta siya’t duguan.Walang buhay.

“Yan ang nararapat sa mga taong babaero,sakim at walang pagmamahal sa asawa”.sabay dura sa nakahandusay na katawan. Bumalik ako sa kaninang kinauupuan. Nakakapagod na. Muli’y nag isip.Paano na ang buhay ko ngayon?. Makukulong ako sa piitan na hindi ko kaylan man pinangarap? Pag gising ko bukas iba na ang panggising ko sa oras ng agahan.Hindi na sigawan at bangayan. Himig na ng silbato ng pulis ang aking madidinig sa oras ng agahan. Magkakaroon na ako ng mga katabi sa pagtulog na may kani-kaniya ding kwento sa buhay.ibat ibang uri ng tao.magnanakaw…mang gagantyo,at Kriminal na kagaya ko?

Ipinikit ko ang aking mga mata.muli’y idinilat.Tapos na ang aking pagkatulala.Eto na ang realidad. Pumasok na sa kanilang kwarto si bayaw at nahiga.ang kapatid ko na may humihikbi parin sa pag iyak habang nag sasaing.Lumabas naman sa kwarto ang aking mga pamangkin kipkip ang psp at tuwang tuwa na pinagmamayabang na nagsabi na natapos nila ang isang yugto sa WALL.E. Pumasok ako sa aking kwarto ibinaba ang kutsilyo,kumuha ng damit at dumiretso sa banyo. Malamig ang tubig sa banyo. Nakakabawas ng init ng ulo.Nagbihis at aalis.Ito ang araw na lalabas akong gutom at bitbit ang problemang pang pamilya na hanggang ngayon nasaaking isipan pa. Aalis muna ako ng bahay para pagisipan pa ng mas mabuti kung ano ang nararapat na gawin kay bayaw. Paghahandaan kong muli ito.Iniwanan ko ng isang daan ang aking kapatid. Kung mapagiisipan niyang iwanan si bayaw mayroon siyang pamasahe papunta sa aking ate.Alam kong wala naman siyang pera kaya mabuti nang meron siya nito. Nagpaalam ako sa kanya at umalis na sa bahay. Hindi ko na bitbit ang patalim na gawa ng aking nakakababatang kapatid na lalaki, Ang tanging dala ko nalang ay hinanakit at mga katanungan. Napangisi ako. Mamayang gabi pag lasing na si bayaw may karugtong ang away na ito. Hinugot ko sa aking tagiliran ang aking dalang celphone at nag txt sa aking kapatid.HINDI MUNA AKO UUWI NG BAHAY NGAYON.

Pinatay ko si bayawWhere stories live. Discover now