Chapter XI - Please

13 0 0
                                    

"Ano yon?? Anong babe babe yon??" sigaw ni Kari sa tenga ko.

"Sampalin mo daw ako feeling ko nananaginip ako e" sagot ko naman at umamba nga sya na sasampalin ako pero pabiro lang

"Sasampigahin nga talaga kita! bakit may babe? Meron ba kaming hindi alam??"

"Hahahaha! Ang OA nyo mag react.. Hahaha!"

Tumigil ako sa paglalakad at inilapit yung mukha ko sa kanila. Tila namagnet ko naman yung mga mukha nila dahil kusa ding lumapit yung mga mukha nila mukha ko.

"Kami na. Hihi" sabi ko sa mahingang paraan. Nanlaki ang mga mata nila at ilang segundo parang hindi huminga sa sinabi ko.

"Kayo na ---!" tinakpan ko agad ang bunganga ni Kari bago pa nya maituloy ang sasabihin nya

"Sssshhhh!! Wag kang maingay.. One day lang naman! Hehe" parang mas nagulat sila sa sinabi ko

"Anong one day??" kunot noong tanong ni sam

"Basta! One day.. Bukas break na kami. Hehe"

"Keira, baliw ka ba? Di kita magets!"

"Basta Sam! Hehe. Kwento ko sa inyo later but for now, tara na kasi mag ti-time na!"

Habang naglalakad kami, pinagtitinginan ako nang mga babae lalo na ang ibang ka batch namin. Para akong may nagawang kasalanan sa tingin nila sa akin.

"Echosera, di naman maganda!" dinig kong sabi ni Karen na isa sa mga patay na patay kay lance..

"Inggitera, di din naman maganda. Hahaha" bulong ni misty. Natawa naman kami at pinalo ko sya ng mahina.

"Huy! Papatulan pa e!" suway ko sa kanya

"Sabihin mo na kasi. Paano??"

"Anong paano??" natatawa kong tanong

"Paanong.. Uhm.. Ano.. Alam mo na, kayo.. Ni lance?"

"Sabihin mo muna sa amin yung sa inyo ni Kevin? Hehe"

"Wala akong nililihim sa inyo. Hmp!"

"Talaga ba Misty? Ano yung narinig ko kay Gab at kevin?"

"Ano yon?" tatawa-tawang sagot nya "wag mong ibahin yung usapan keira, ikaw yung topic! Aist!"

"Sabihin mo muna yung sa inyo Lance, sasabihin ko yung akin.. Hehe"

"No misty mauna ka. Hehe"

"Sige na Misty, sabihin mo na kung ano man yon at lahat naman tayo mas windang dito kay keira!" pagpupumilit ni kari. Mukhang hindi na makapaghintay haha!

"Ok fine! Nililigawan na nya ako! Happy? Haha!" tuwang-tuwa ang loka. Tsk

"Kailan pa??" tanong ni Sam

"Kahapon lang sya nagconfess sa akin. Papakipot pa ba ako? Hehe" ang saya nya. Ano kayang feeling ng maligawan. Nahiya tuloy ako, para namang napaka aggressive ko sa ginawa ko. Tsk. Wala na ako magagawa, anjan na e..

Hindi ako tinantanan nung tatlo hangang sa makarating kami sa room. Pero hindi pa rin ako nagkwekwento. Bahala sila. Hahaha.

Natapos na ang first subject at naghahanda na kami para sa quiz ng second subject. Walang nagiimikan sa amin, bakit? Dahil nnagbabasa kami ng lesson para sa quiz. Terror kasi si Ms.Cruzabra, pag below 80% ang score nagbibigay ng another quiz.

"Guys! Good news! Wala si Ms. Cruzabra! woohh!" Sigaw ng president namin na si Ezra. "But wait there's mooorreee! Wala na rin tayo klase sa next two subjects dahil manunuod tayo ng tune up game! Ihhhh!!" tuwang-tuwa ang bakla sa announcement nya! Haha

After kasi ni ms.cruzabra ay P.E. kay Mr.Nañez na assistant coach ng basketball kaya hindi na sya makakapag klase. Tuwang-tuwa ang lahat dahil makikita nanaman nila pati ang mga players ng ibang school.

"So Keira, spill it!" excited na sabi ni Kari pero nagkunwari akong walang narinig at nagtext

To: Lance Ethan
Good Luck! :)

"Ano ba mamaya ka na magtext!" akmang hahablutin ni kari ang phone ko pero naitago ko agad. Hehe

"Ano na??" sabi ni misty

"Eto na nga! Excited??"

Ikinuwento ko sa kanila yung nangyari kanina mula sa pagkausap ko kay Louise hangang sa pakikipag deal ko kay Lance. Tawang-tawa sila kasi para daw akong mauunahan kay lance. Daig ko pa daw ang lalaki.

"So ngayon pinagtatawanan nyo ako??"

"Hindi naman sa ganon friend. Hahaha. Astig ka! Hahaha!" Tawang-tawa si sam parang isang malaking joke yung sinabi ko.

"Kakainis kayo! Hmp!"

"Hahaha! Pano yon break na talaga kayo bukas?? Hahaha!" ano ba tong si misty parang baliw kung makahalakhak

"Makatawa ka naman! Haay.. Hindi ko nga alam.. Magbbreak kami pero di manlang ako nakaranas ligawan. Huhu" pag-iinarte ko at bigla sila nagtawanan nanaman. Minsan hindi ko alam kung may sayad ba itong mga kaibigan ko e..

"Tol, pa-experience mo nga naman kasi kay babe mo ang ligawan ng isang Lance Ethan! Hahahaha!"

oh my goodness!! Napatayo ako sa kinauupuan ko matapos kong marinig ang malakas na boses ni Jake. Mabuti na lang at maingay sa room hindi masyado narinig nang iba. Sana... Para akong maiihi sa kahihiyan at kaba! Jusko!!

"Oh my god! Kanina pa kayo jan??" grabe nanlalamig ang kamay ko sa hiya. Baka narinig nya! Huhu

"Hindi naman. Hehe" sagot ni kevin

"Bakit naman di nyo sinasabi??" gigil pero mahina kong sabi dun sa tatlo

"Sabi ni Lance.. Ssshhh daw e" habang nakalagay ang hintuturo ni sam sa labi nya. Sign na wag maingay.. Kaya pala pasulyap sulyap sa likod ko. Mga traydor! Huhu

"M-may n-narinig ba kayo-o?" Kabado kong tanong

"Wala naman.." nakangiting sabi ni lance. Nakakaihi yung smile nya. hahahaha

"A-aah.. Mabu--"

"Just the ligaw issue" biglang banat ni sandrino na ikinahagalpak ng tawa ng lahat. At ayon, napaihi na nga ako sa kahihiyan. Joke! Hahaha.

"Alis na kami, nagbreak lang kami 20mins." sabi ni Gab

"Guys! Manuod kayo ha?!" sigaw ni Louise sa buong klase at umalis na.

Napaupo ako sa upuan ko at tiningnan ng masama yung tatlo. Nag peace sign naman sila sa akin parang nang-aasar pa. Bigla naman tumunog ang phone ko at inilabas ko galing sa bag. Pero hindi ko pa nabubuksan ay nakuha na ito ni Sam sabay inabot kay Kari. Wala na akong nagawa dahil kinapitan ako ni misty at sam sa kamay!

"From lance ethan!"

Sigaw ni kari sabay ngiti nya at pinandilatan ko ng mata pero hindi sya nagpatinag at itinuloy ang pagbabasa..

"Manuod ka ha? See you later, babe!" At nag iritan silang tatlo pati na rin ang mga bakla at babae sa room!

"Grabe kayo! Grrrr!!" sabay abot sa akin ng phone ko

"Sweet! Sana ganan din si Kevin! Hahaha" sobrang init ng mukha ko sa hiya kasama na ang kilig. Hahaha

Habang inaasar nila ako tumunog nanaman ang phone ko. Pero hindi na nila kinuha dahil itinaas ko ang kamao ko pagbibiro sa susuntukin ko sila. Haha

From: Lance Ethan
And.. Dun ka malapit sa akin, please..

To be Continued..

First LoveWhere stories live. Discover now