Scars of Cold Kisses [ ON GOING ]

653 17 1
                                    

“Look at me. I may seem fine but Cris I’m not. The nights we shared were the coldest nights of my life. Your kisses and your touch were cold as ice alam mo kung bakit kasi hindi ko maramdaman na may kasama ‘yon na pagmamahal. Your kisses and your touch impaled and wounded me like a sharp ice.”

© 2014 PINKKITTEN

A/N: (Author’s Note)

Plagiarism is a crime.

Any resemblance to actual events or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Happy reading.  Heart Heart.

[ PROLOGUE ]

Nagmahal ka na ba?

Nasaktan?

Umasa?

Iniwan?

Nagmahal ulit?

Kung OO kamusta ka naman? Matinong tao ka pa ba?

Kung HINDI man, nawa’y maging tulong ang isinulat kong ito kapag pumasok ka na sa isang relasyon.

Maaaring nagtaka ka kung bakit natanong ko kung matinong tao ka pa?

Kung AKO ang tatanungin OO ang lahat ng sagot ko sa tanong. Alam mo marami pa nga ‘yan e kaso baka abutin tayo ng Book 2 kapag sinama ko pa yung iba. (^__^)v

Masarap ang magmahal pero mas masarap sa pakiramdam ang mahalin. Sa relasyon may tampuhan, away o yung tinatawag natin na drama. Hindi pwedeng palaging masaya kailangan may sangkap din ng kaunting lungkot at pagsubok. Mahirap umasa lalo na ang maiwan.  Kapag nagmahal ka kailangan flexible ka sa bawat emosyon handa ka sa tinawag na “sobra-sobra” . Sobrang saya, sobrang lungkot, sobrang emosyon. Ngayon tatawa ka mayamaya iiyak ganyan ang pag-ibig nakakabaliw. Nakakasira ng ulo kapag hindi ka marunong mag-handle at makuntento.

Bago mo basahin ang istorya na ito inuulit ko “Matino ka pa ba?”

Scars of Cold Kisses [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon