Scars of Cold Kisses - EPILOGUE

302 10 3
                                    

[ EPILOGUE ]

[ ROAN’S POV ]

“Have you seen it sweetie?” tanong ko habang patuloy pa rin sa paghahanap.

“It has to be here.” sabi nito habang naghahanap rin. 

“May I see the picture.” sabi ko para makita ang litrato ko noon. “Yep this is the right tree look at the picture sweetie.” 

“Look Babe its here.” 

“Do we really have to unlock it? I mean it is part of our story.” tanong ko. Nagdadalawang isip din ako kung tatanggalin namin. 

“It’s okay if you don’t want to. I think you’re right it’s part of our story.” pagsang-ayon nito.

Nagpunta kami ulit sa loob para bumili ng panibagong lock. Umupo muna kami sa silya at nagsulat ng panibago naming hiling at pangako.

“Why do you look so sad?” tanong ni James sa akin ng mapansin ako na nakatingin sa lock namin.

“I feel sorry for your lock you didn’t even bother to give justice to it. Look. Your handwriting is terrible. Poor lock.” sabi ko habang nakatingin sa lock na hawak niya.

“You silly.” biro nito saka ginulo ang buhok ko. 

Lumabas kami ulit para maghanap ng panibagong pwesto kung saan namin ilalagay ang lock. Naisipan namin na ilagay ito sa isang parte ng tila bakod na marami ng nakalagay. Pinagsama namin ang lock bago ito ikabit sa iba. Ito na ang pinangarap at ipinagdasal ko noon makasama humiling at mangako sa lugar na ito ang taong makakasama ko habang buhay. Marami man kaming napagdaan patunay lang ito na matatag ang relasyon at pag-iibigan namin. Nakita ko na pumikit si James habang hawak ang susi ng lock niya.  Ang tanging hiling ko lamang ngayon ay maging perfect ang kasal na pinaghandaan namin at magsama kami ng matagal. Pangako ko na magiging mabuting may bahay para sa kaniya at ilaw ng tahanan para sa magiging mga anak namin.  Pangako ko na araw araw mamahalin si James at gagawin ang lahat para sa pagmamahalan namin. Pagdilat ko ay nakatingin na si James sa akin at abot tenga ang ngiti nito. 

“You look beautiful here Babe.” sabi niya bago ipakita ang selfie niya na nasa background ako habang nakapikit at humihiling.

“Let’s take another selfie with our lock as background.” suhestyon ko. Agad naman na pumwesto ito at nagselfie kami kung selfie pa ba ‘yon kahit dalawa kami? Dapat siguro Doublie? Nagjojoke po ako. Tumawa kayo please.  

Humarap ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. “I love you Rose Anthea Delos Reyes. If I have to court, propose and marry you every day of my life I will do it. You’re my everything and my world.  I love you Babe.” 

“I love you Sweetie. If I will have to say Yes to you every day of my life I will do it. You’re the love of my life and my precious other self that I can’t live without.” sagot ko naman sa kaniya. 

Pagkatapos ng palitan ng matatamis na salita ay napagpasyahan na namin itapon ang susi ng mga locks namin sa malawak na bangin na nasa paligid lang ng tower. Ito kasi ang paniniwala na ang pinagsamang lock ang simbolo ng pagmamahalan at ang susi ay kailangan itapon upang kahit kailanman ay hindi na mapaghihiwalay pa. 

Scars of Cold Kisses [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon