Reporter Kim Sanchez: My Secret Girlfriend

3 1 0
                                    

Congratulations Miss Kim Sanchez, you're now part of the NISHI broadcasting team. Please went to our office for the signing of contract. Welcome to the NISHI Entertainment Family!

Yan lang lang ang nakalagay sa text na nakuha ko mula sa NISHI entertainment na inap-layan ko. Ang pangarap kong trabaho ay nakuha ko na tas ngaun naman ay ang pangarap kong entertainment industry kung saan ako magta trabaho ay sinabing parte nako ng pamilya nila.

"Waah!! Pwedeng nako mamatay! Unbelievable!" Sigaw ko saka ako nagtatalon-talon sa kama ng biglang kumalabog yung pintuan at iniluwa nun si Teri, short for Teriyaki este Teresita.

"Anong meron?! May rapist ba?!" Habang nagpalinga-linga siya sa buong kwarto ko with matching spatula sa kaliwang kamay niyo.
"Wala pero gosh!! Teri tanggap nako sa NISHI broadcasting team! Yung pangarap kong work place ay natupad na!!" Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit.
"Ah talaga? Edi congrats. Sige baba nako, baka masunog pa yung niluluto e" biglang nag- ease yung mukha niya ng sabihin ko yun, sabay baba sa hagdan para bumalik sa kusina at sinundan ko narin siya.

Nakita kong nagluluto pala siya ng porkchop. Pang tanghalian siguro namin. Matagal ko ng kaibigan si Teri. Simula grade 1 ay magkaibigan na kami at hanggang ngayon ay magkaibigan parin. Minsan nga naiisip ko, bakit bako nagkaroon ng ganitong kaibagan. Parang perpekto na. Maganda, matangkad, matalino, talented, magaling magluto, crush ng bayan, may love life, yun nga lang luka-luka. Palaklakin mo na ng lambanog yan pero wag na wag mong pakakantahin kung mahal mo ang eardrums mo. Kaya ayun, parang perpek na.

"Di kaba natutuwa manlang Teri? Isipin mo yun, tinanggap ako nung pangarap kong network. Isang tulad ko, natanggap sa isa sa mga bigating showbiz industry!! Diba nakakapagtaka yun?"
"Yun na nga babe, literal na unbelievable. Di naman sa minamaliit kita pero nagsasabi lang ako ng posibilidad, malay mo no choice sila o kaya naman ay namali ng resume na ia-accept o kaya naman ay nilipad yung resume mo at napasama sa mga ia-accept"
"Wow Teri, ang positibo ng sinabi mo a! Laking tulong. Salamat! Pwede naman sabihing congrats nalang" grabe talaga sakin kong si Tere, napaka harsh sakin. Parang wala akong damdamin ah.

Dibdib oo wala ako nun, kasi siya yung pinagpala.

"Edi congrats. Lam mo naman babes, mas maganda ng mag-isip ng pang realidad kaya umasa"
"Oo na! Tama na. Pinasakit mo lang puso ko. Magluto ka nalang dyan at ilalabas ko tong sama ng loob sa dibdib ko" sabay walk out at pumunta sa pinto pero narinig ko pa yung sigaw niya na

"Babes! Wala kang dibdib remember? Sa likod mo nalang ilabas, tutal dalawa naman!!"

"Siraulo!!" Sigaw ko pabalik.

Pasamalat siya at mahal ko siya, kundi nako nagka black eye na sakin yun. Tanggap ko naman na pinagpala siya at ako yung mukhang pala. Minsan narin tumakbo sa isip ko na ano bang nagustuhan ni Accel kay Tere ay jinowa yun. Di kaya may sayad din yun o kaya nagayuma. Ay bahala na yung dalawang abno. Poproblemahin ko paba yung lovelife nila kung ako mismo ay wala.

As in, NBSB ako. Siguro tatanda akong matandang dalaga. Ni walang nagtatangkang lumapit at ligawan ako, kaya buong buhay ko wala akong natanggap na chocolate o bulaklak tuwing valentines tas nung prom namin, wala ring may balak na isayaw ako, kung hindi lang din dahil kay Tere.

Kaya sa pagbabasa ko nalang idinadaan ang pagiging hopeless romantic ko. Nagi-imagine na ako yung bidang babae tas may gwapong lalaki na siyang magiging boyfriend ko. Kaso hanggang imagination nalang ata ako. Sisimulan ko ng sanayin ang sarili ko na mag-isa at paplanuhin ko na ang future ko.

Madalas ko tuloy isipin na siguro kaya walang nagtatangkang manligaw sakin ay dahil sa hindi ako yung tipo ng babae na mala-ideal girl, unlike kay Tere, swak na swak ang salitang "ideal girl" na parang name tag na nakasabit lagi sa leeg niya, samantalang ako isang bonggang-bongga "hopeless romantic"

Sana naman Lord, ibigay niyo na sakin si Mr. Half heart ko para naman di nako maging NBSB at mawala na sakin ang korona ng pagiging isang dakilang HOPELESS ROMANTIC. Hindi naman sa minamadali ko kayo Lord, pero sa buong pagkasilang sakin ng inay ko hanggang ngayon, for the past 24 years of my existence, sana naman magkajowa nako, at ma-experience ang mga bagay-bagay para hindi narin ako laging inaasar ni Tere.

Naisipan ko ng bumalik sa bahay namin ni Tere ng mailabas ko na yung sama ng loob ko. Siguro naman pag nagsimula nakong magtrabaho ay makikilala ko narin yung Mr. Half heart ko.

Sana lang... Sana lang talaga dumating na siya.

Reporter Kim Sanchez: My secret girlfriend Donde viven las historias. Descúbrelo ahora