Kasalukuyan akong naglalakad sa ikalawang palapag ng aming gusali papunta sa aking silid aralan.
Katatapos lang ng sembreak kaya madami na akong nasaksihang nagdadal dalang mga estudyante na aking nadadaanan. Tss! As usual, hindi nanaman sila nauubusan ng ni-isang salita para sila'y manahimik.
"hello Bree"
"nice to see you again Bree"
"witwew mas gumanda ka Bree! "
"hi babes Bree"Ilan lang yan sa mga naririnig kong bumabati sakin habang papasok ako sa room namin. Pero kahit isa wala akong pinansin. Sanay na naman sila sa ugali kong di namamansin, pero patuloy pa rin nila akong pinapansin at ginugulo.
Nang tuluyan na akong makapasok mabilis akong sumalampak sa aking upuan at naglagay ng earphones habang nakatingin lang sa bintana.
Ilang sandali, mula sa aking pwesto natatanaw ko na si Mrs. Dimaano kaya umayos na ako ng upo at tinanggal na din ang earphone.
Habang nilalagay ko sa bag ko ang earphone ko, nahagip ng aking mga mata ang katabi kong natutulog.Tch! Problema neto? Umagang umaga tulog?
Eh ano bang paki ko? Aaaiiissh!Dumating na si Mrs. Dimaano. Hawak hawak niya ang lesson plan at ang list of attendance.
"Good morning class, how's your two weeks vacation? " tanong niya."Boring Ma'am"
"Extend paaaaa! "
"Masaya Ma'am, madami kaming pinasyalang mga sikat na lugar"
"Sobrang lungkot po yung feeling na di mo makita si crush huhuhu"Sari-saring sagot ng mga kaklase ko. Di nalang ako sumagot dahil di naman makipagdaldalan ang ipinunta ko dito. Kundi ang mag-aral kahit nakakabagot. Yun yung feeling na nakakatamad pumasok pero gusto mong makapagtapos.
"I see. Okay lets proceed to our lesson. We are now in the third quarter, and oww- before i forgot you have a new classmate" turo ni Ma'am si tabi kong silya.
Sinulyapan ko naman siya ngunit sa kasamaang palad tulog pa rin ang qaqu. Gaya ko, sinulyapan din siya ng aking mga kaklase at kinalabit siya ng isa kong kaklase na si Kemi. Kemi the malandi. Di nagtagal nagising siya at dahan dahang iniaangat ang ulo nya, and to my surprise
Hmmm may itsura be! Natawa nalang ako sa sarili kong kuro kuro kahit di halata sa mukha ko.
"Come here Mr. Intruduce yourself infront of your classmate so they can recognize you" ani ni Ma'am
Naglakad naman siya papunta sa harap ng naiirita with kamot ulo effect dahil siguro sa panggigising sa kanya ni Kemi. Tch! Parang model pa kung maglakad. Yabang niya men!
"Hello *_* Daryl Vrix Donovan here but you can call me Vrix if you want. I hope we can be all friends" abot ngising pagpapakilala niya sa sarili niya. Mataas self confidence tch!
"Thank you Mr. Donovan enjoy your stay here" pagpapasalamat naman ni Ma'am sa kanya.
Nagtungo si Vrix sa upuan niya at nagdiscuss na rin si Ma'am.
Habang nagpapasulat si Ma'am sa aming notes biglang may nangalabit sakin.
"Woooooy! " pagtatawag ng katabi ko pero dedma lang ako.
"Pssst! Woooy" tuloy pa rin siya sa pagkalabit sakin.
"uyyy ano baaaa?! " tawag niya ulit pero this time hinarap ko na siya"Ano bang problema mo? " kalmadong sabi ko dahil kung lalakasan ko boses ko baka mahuli kami ni Ma'am.
"Ba't di moko ginising kanina? " tanong niya habang kinakagat kagat ballpen niya.
"Wala kang paki! Di kita close kaya wag ka ngang makipag usap sakin! " sagot ko ng pabalang habang nakatingin sa board at sabay sulyap ulit sa notes ko upang magsulat.
"Eeeeh? Ang sungit mo naman "
"Wala ka ulit paki! "
"Ano palang pangalan mo? " tanong niya ulit."Still, wala ka paring paki"
"Nagtatanong lang eh" salita pa din siya ng salita nakakairita na.
"ANO BANG PROBLEMA MO DUN?! MAY GUMISING NAMAN SAYO DIBA? BA'T KAILANGANG AKO PA? ANG DAMI MONG ALAM! "
Di ko na napigilan sarili ko kaya sinigawan ko na siya at narinig ng lahat ng kaklase ko pati ng teacher. Tch! Kainis! Mapapalabas ako nyan eh. Kasalan mo'to Donovan ka! Leche!"Anong sinisigaw sigaw mo Ms. Nirva? Do you have any problem or what? You'd better get out para hindi ka makaistorbo sa klase ko"
'kala mo talaga mabait na teacher pero kung magalit tch! If i know nagagandahan lang yan sakin kaya ganyan umasta you know na, insecurities!
Tinahak ko na ang daan palabas ng room namin ng walang kahit anong sinabi at walang imik na kinuha lang ang bag paalis.
Tambay muna siguro ako sa mini park nitong school, nakakabeastmode! Pero bago ako pumunta dun. Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng makakain.
Pagkatapos kong bumili pumunta na ako sa mini park at umupo sa may bermuda grass habang naka earphone na kumakain habang papikit pikit mata effect pa para dama! hahahahah kapag mag isa ko talaga dito ko lang nailalabas yung isa kong side na masiyahin. Lagi nalang kasi akong nakasimangot kapag may nakakapansin sakin o kaya naman may kumakausap. Ewan ko kung bakit. Dati silang dalawa
lang pinapakitaan ko ng ugali kong gan'to yung palatawa pero ngayon tch! Wala na.Ng maubos ko yung kinakain ko, naisipan ko munang umidlip dahil may 30 minutes pa bago ang susunod na subject ko.
Ipinikit ko na ang aking mga mata ng ilang sandali lang..
"Andito ka lang pala! Hehe"
Boses ng lalaking kinaiisisan ko kahit kanina ko lang narinig boses niya parang pamilyar na agad. Ganyan ba talaga katalas memorya ko? Tch! Hindi naman dati ah. Ah baka nagkataon lang. Oo nagkataon lang.Di ko siya pinansin pero naramdaman kong umupo siya malapit sa tabi ko.
"Sorry kanina Bree dahil sakin napalabas ka pa tuloy" paano niya nalaman pangalan ko? Tch! Tsismoso din pala 'tong mokong na'to
Nakapikit pa din mata ko pero alam niya sigurong gising ako.
"uyy pansinin mo naman ako Glyza! "
O_O huwaaat? Pati yung isa ko pang pangalan alam din niya? At oo ako si Glyza Bree Nirva."oh? " sagot ko dahil wala naman akong masabi eh
"alam mo ang sungit mo talaga, kaya walang kang kaibigan eh"
Kaya wala kang kaibigan eh
Kaya wala kang kaibigan eh
Kaya wala kang kaibigan eh
Kaibigan? Sa tuwing naaalala ko mga nangyari nung nakaraan ko mas lalo akong naaawa sa sarili ko..
YOU ARE READING
Chasing Destiny
Teen Fiction~Tadhana? Tch! Isa ako sa taong hindi naniniwala sa lecheng tadhanang 'yan. Dahil para sakin tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran.