Chapter 1

9 0 2
                                        

Antagal ko bago nakasagot sa binatong salita sakin ni Vrix. 

"Mahirap makahanap ng totoong kaibigan" sagot ko ng walang ka emo emosyong mukha

"Eh pero bakit wala man lang kahit isa sa mga kaklase natin ang kaibigan mo? Gusto ka naman nila kasama ah. Tsaka wala namang hindi maganda sa ugali ng mga kaklase natin" bakit kaya curious na curious to? Ayoko sa lahat yung mga nangingialam sakin eh.

Bumuntong hininga ako at malalim na nag isip ng isasagot sa sinabi niyang 'yon.

"Teka nga! Eh bakit ba kasi curious na curious ka? "

"ah.. Eh.. Wala lang hehe" sabay kamut niya sa ulo niya.  Tch! Ano yun mannarism niya?! Mukha siyang tanga.

Hindi na lang ulit ako umimik at hinayaan nalang siyang parang tangang nasa tabi ko.

Maya maya nagtanong ulit siya
"Bakit nga ba kasi antahiiiiiimik mo? "
"Ewan. "

Should i trust him?  Or should i tell him the reason behind this attitude of mine? Eh sino ba kasi siya? Tanging pangalan lang ang alam ko sa kanya. Okay na din siguro yun, matagal ko ng kinimkim to ng mag isa.  Di ko naman siya kilala kaya siguro pwede ko namang sabihin na.  Tsaka this is the moment para ilabas ko lahat ng hinanakit ko.

"M-meron akong matalik na kaibigan last year.. Sa sobrang c-close namin pati na pagtulog sa gabi magkatabi kami sa bahay namin.. S-sya lang yung lagi kong kasama k-kahit saan man ako magpunta. Tsaka lagi nalang kasi bussiness matters mga pinagkakaabalahan ng pamilya ko.. "

Bumuntong hininga ako dahil nagsisimula ng mangilid ang nga luha sa aking mga mata.

"T-that time,  may boyfriend ako. S-sa sobrang saya sa acompany ng bestfriend ko,  m-minsan nakakalimutan ko na yung dapat na priority ko. Minsan na kaming nagsama samang tatlo, ako,  bestfriend ko at boyfriend ko. P-pakiramdam ko dati buo na ako. S-sobrang saya ko dahil kahit di ko n-n-naranasan ang kalinga ng mga magulang ko,  may dalawang tao pa ding nagpapahalaga sakin."

Tuluyan ng tumulo ang luha kong matagal ko na dapat nilabas sa mahabang panahon.

"p-p-pero nagkamali pala ako.. Sa sobrang saya ko dahil lagi kaming magkakasama.  Hindi ko na napansin na may namumuo na palang something sa pagitan ng bestfriend at boyfriend ko. S-s-sobrang nasaktan ako, sobrang sakit a-a-ang sakit s-sakit"

Sabay pahid ko ulit ng luha ko.  Nilingon ko si Vrix ngunit tutuk na tutuk sa sa kwento ko habang wala man lang makitang emosyon sa mukha niya.  Parang nawala yung masiyahin niyang aura.

"n-nalaman kong sila na pala h-h-habang kami pa.. Ang tanga tanga ko lang d-dahil di ko man lang napansin 'yon. Kaya pala kapag inaaya ko yung ex ko dati gustong gusto niyang makisama samin ng bestfriend ko. "

Tuloy tuloy lang na tumutulo mga luha ko.  Sinulyapan ko ulit si Vrix ngunit nakatingin naman siya ngayon sa kawalan parang malayo yung isip niya.

"and guess what?  Sabi ng ex ko m-m-masyado daw akong maingay at clingy k-kaya nagsawa na daw siya sakin. Y-yung bestfriend ko naman sorry ng sorry p-pero di ko na pinansin yung mga dahilan nya.  Na kesyo raw 'di daw nya napigilan nararamdaman niya' at 'di daw niya sinasadya' tanginang yan! Mula nung nalaman ko yung mga yon,  hindi ako umiyak. Oo hindi ako umiyak.  L-lagi lang akong tulala at kusa nalang nabago 'tong ugali ko"

Napaisip tuloy ako eh bakit ba kasi ako nagbago?  Tch!  Para saan?  Sa kanila? Malalandi sila.

"aaah kaya pala" sagot niya habang nakatingin pa din sa malayo.

"hmm"
sabay tango ko naman habang pahid sa luha ko pang natira.
Yung history na nangyari sa pagitan namin ng bestfriend at boyfriend ko,  alam na din pati sa buong campus  dahil sikat ang ulol kong ex na varsity sa basketball.  At ako naman?  Sikat din bilang pagiging maganda!  Haha pagbigyan na. Nasaktan eh.

Akala ko wala na siyang sasabihin dahil wala naman talagang kasagot sagot sa pagtango ko ngunit ..

"eh mga gago pala sila eh! Sarap nila ipalapa sa tigre"

"wala na tayong magagawa, nangyari na eh. "

"oo nga,  eh teka! Maganda ba yung bestfriend mo? " tanong niya na nagpagulo sa utak ko.

"oo"

"ah kaya pala HAHAHAHAHAHAHAHAHAH" nang asar pa ang gago.

"tch! "

"hehe joke lang naman peace tayo bruh! " sabi niya habang nakahawak pa din sa tyan niya dahil sa sakit na siguro kakatawa.

Hindi na ulit ako nagsalita.

"pero seriously,  wag ka ng malungkot. Di mo sya deserve Bree. Tsaka di mo kasalanang maging tanga dahil siguro uhaw ka lang sa pagmamahal kaya ganon. Sa ngayon siguro,  hindi mo pa nararanasan ang tunay na pagmamahal.  Yung pagmamahal na gusto niya lahat sayo. Na she likes you, all of your flaws,  imperfections, at tsaka mga pagkukulang mo ay pupunan niya dahil yung ang tunay na pagmamahal Bree. "

Hindi ko inaasahan sa lalabas sa mismong bibig niya ang mga salitang 'yon na tumatak sa utak ko.

Siguro nga Vrix hindi sya ang para sakin.

"salamat sa advice"
Pilit na ngiti ang iginanti ko sakanya at kahit papaano naman ay nabawasan ang bigat ng kalooban ko.

"anong salamat ka dyan?  May bayad Bree! " natatawang sabi niya.

"aba'y peste ka! 'kala ko tch!  Nebermaynd" nagbalik nanaman ugali ko dahil sa mga pang aasar niya. Kanina pa sya ah.

"anong akala mo Bree? Ayiiieeeh! " ngisi ngisi niyang pang aasar.

Nang aasar nga pero nakakabwesit naman.

"balakangajan! May susunod na tayong subject mauna nako tch! "
Tumayo na ako at naglakad.. Pero di pa man ako nakakalayo..

"subject lang Bree walang TAYO! hahahahahah " sigaw niya habang nakahaqak ulit sa tyan niyang sumasakit dahil sa kakatawa.

Ginatihan ko lang siya ng nakakamatay na tingin at nagtungo na sa aming classroom.  Naupo na ako ako nahintay na ng susunod na teacher.

Habang nakaupo ako at tahimik lang,  bigalang may pumasok sa room na napakaingay. Yung tipong talaga maiirita ka sa ingay niya.

"PAANO BA ANG MAGMAHAAAAL..PALAGI BANG NASASAKTAAAAAN UMIIYAK NALANG PALAGI GUSTO KO NG LUMISAN! "
Tanginang Vrix!  Ang lakas ng loob kumanta at talaga ngisi ngisi pa siyang nakatingin sakin ng nang aasar-look.

And i found myself na nagsisisi dahil sa kanya ko pa sinabi 'yon.  Sa dinami dami ba naman ng pagsasabihan ko siya pa?  Tch!

Ang bobo mo Bree!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing DestinyWhere stories live. Discover now