Nagmamadaling sumilong ang mga tao dahil sa lakas ng ulan sa labas pero hindi iyon alintana sa akin.Pansamantalang sumilong ako sa isang waiting shed kung saan ay marami ring kumpol ng tao ang sumisilong dito.
Bahagyang lumakas ang ulan kaya't naisipan kong ilabas ang palad na siya namang natamaan ng ulang mala-butil ng kanin bahagyang nakaramdam ako ng lamig sa buong katawan pero kahit ganoon ay patuloy ko pa rin itong pinapakiramdaman,ang lamig na dulot ng ulan.Hindi ko maiwasang makinig sa usapan ng ibang tao.
"Siguro hindi na hihinto ang ulan." sabi ng katabi ko hindi ko siya mamukhaan pero alam ko sa kanyang boses na isa siyang lalaki.
"Siguro nga..." napabugtong hininga ang kanyang kasamang babae.
Tiningnan ko ang aking orasan at nalamang alas otso na ng umaga.Napatalon ako sa aking kinatatayuan.Late na ako.Wala akong choice kundi lumusob sa ulan kahit alam kong mababasa ako.
Masakit ang bawat pagtama ng ulan sa aking pisngi wala kasi akong payong.Malayo ang aming klassroom at isa pa wala rin naman akong choice dahil nasa kabilang building pa ang aming klassroom kumbaga lalakarin ko pa ito habang basang basa sa ulan.Bago ako makarating sa aking klassroom ay dadaanan ko muna ang parking lot dito sa east wing ng building.
Nang ako'y nasa parking lot ay nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib kaya tumigil ako at nagpahinga ng pandalian.Basang basa na ako.Sobra.
Natanaw ko ang unahan kahit mahamog na ito dahil sa lakas ng ulan.Ba't ba kasi ang layo-layo ng aming klassroom.Malapit ako sa pulang matingkad na sasakyan nagpahinga,bukas ang bintana nito kaya naaninag ko ang babaeng nakatungtong sa lalaki.
Naghahalikan silang dalawa at halos wala na silang saplot. Tinanggal ng lalaki ang hook ng bra ng babae.Hindi parin ako nila nakita.Ang susunod na pangyayari ay natabunan na ng nakalugay na buhok ng babae.Nanlabo ang mata ko sa ulan at baka hindi iyon totoo kaya kumurap-kurap muna ako bago ko nalaman na may ginagawa silang kababalaghan.Nanlaki ang mata ko nang malaman hindi nanlalabo ang aking mata at pawang katotohan lahat ng nakita ko.My eyes,my innocent eyes.
Umatras ako at akmang tatakbo pero nasagi ko ang sasakyang nasa likuran ko at tumunog ito.Napakagat ako ng labi.Bakit ngayon pa,ang malas talaga.
Napalingon ang dalawa sa sasakyan at nakita nila ako.Masakit ang titig sa akin ng lalaki parang sa titig niya pa lang ay tatayo ang iyong balahibo.
"Hoy!" sigaw ng lalaki sa akin habang nahihiyang nagtago sa likod nito ang babae.
Napalunok ako ng laway sa aking tuyong lalamunan.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan!" dugtong niya sa pagkakataong iyon ay tumakbo na ako ng matulin.
Pagkarating ko nang west wing ng building ay napasapupo ako ng aking dibdib sa kaba habang tulutulo ang tubig sa aking mukha at damit.
His gaze,'yung tipong malulusaw ka at magiging abo.
"Pavia?" napatalon ako sa aking kinatatayuan nang may nagsalita sa aking lukuran.
"Kuya,ikaw lang pala akala ko kung sino na." napasapupo ako sa takot,bakit nga ba takot ako?
"Basang basa ka,baka magkasakit ka niyan."alalang sabi nito sa akin habang tunuturo ang basa kong katawan.
Nanlaki ang kanyang mata habang kinikilatis ako kanina pero ngayo'y inalis niya ang kanyang titig.
Napatingin naman ako sa aking sarili at nakita ang mali.
Shete,Otso,Nyebe.Kitang kita ang kulay neon pink kong bra kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ni kuya.Napayakap ako sa aking sarili,itinatago ang bagay na dapat itago.
Pinalitan ko ang aking damit dito sa cubicle ng babae.Mabuti alerta si Mama dahil pinadalhan niya ako ng damit sa aking kuya.Pagkatapos ay lumabas ako at nakita ang kuya kong nakasandal sa pader habang kausap si ate Intice.May pagtingin si ate Intice kay kuya Alec pero may ibang mahal si kuya.
BINABASA MO ANG
Love And Gravity(ongoing\slow Updates)
RomanceLoving you is the easy part, leaving you is a choice.Losing you is not a choice that I've been chosen but a matter of life:a consequence of my wrong decisions.