Ailee Nathalia Davis

4 0 0
                                    

∞ ∞ ∞

A I L E E

"Lumayas ka dito! Ang dami mo ng utang! Hindi ka naman na lang ba nahihiya!? Ang lakas pa ng loob mong harapin ako. 6 months ka ng hindi nakakabayad ng renta mo dito. Lumayas ka na! Wala ka namang kwenta! Layas!" sigaw ni Nanang Rosie. Habang ang mga gamit ko naman ay tinapon ng mga anak niya.

Kinuha ko ang mga gamit ko at naglakad na papayo mula sa apartment ni Nanang Rosie. Hindi ko na alam kung saan ako titira ngayon.

Ang mga nag-ampon sa akin, patay na. Ang mga tunay kong mga magulang, hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo hahanapin at kung paano ko sila mahahanap.

*Beep* *Beep*

Nagising ako sa realidad ng may narinig akong busina sa likuran ko.

"Do you want to die by walking in the middle of the road miss?" tanong ng isang lalaking bumaba mula sa driver's seat ng sasakyan.

"Hindi po" sagot ko at yumuko.

May lumabas namang babae sa likuran niya na siguro ay nasa 40's na. Pero maganda pa rin siya.

"Wala ka na bang ibang mapupuntahang bahay, iha? Mukha ka kasing napalayas dahil diyan sa bitbit mong gamit. Hindi ba yan mabigat? Nardo, kunin mo ang mga gamit niya at ilagay mo sa compartment" sabi niya at ginawa naman nung lalaking sumigaw sa akin ang utos niya.

"Ay. Wag na po. Nakakahuya naman po. Maghahanap na lang po ako ng ibang matutuluyan" sabi ko at aangal pa sana ng magsalita siya.

"May bayad naman ito eh. You'll pretend na ikaw yung anak kong si Nathalia. 15 thousand ang magiging sweldo mo at bibigyan kita ng sarili mong condo unit habang hindi ko pa nahahanap si Nathalia" sabi niya na ikinatango ko. Sumakay na kami sa kotse at dinala niya ako sa condo ko na sinasabi niya.

"Your work will start tomorrow. I'll introduce you to the press. Good night sweetie" sabi niya sabay halik sa noo ko. Umalis na siya at para pa din akong estatwa na nakatingin sa kabuohan ng condo unit na ibinigay sa akin.

Ang ganda! Sobrang ganda. Malaki ang pagkakaiba ng bahay sa probinsya at sa apartment dito sa condo na ito. Maraming modernong gamit ang nakalagay dito sa loob ng condo. Nakakapanibago. Pero nagpapasalamat din ako dahil nakilala ko siya. Yung babae. Hindi ko nga pala siya kilala. Hindi ko natanong ang pangalan ni Ma'am.

Nahiga na ako sa bago at malambot kong kama. Nakakalungkot lang gusto kong hanapin ang mga magulang ko pero hindi ko alam kung paano. Naaalala ko pa yung kwintas na binigay daw ng tunay kong mama sa akin. May nakatatak doon na 'NAD'. Initials daw iyon ng tunay kong pangalan pero pinalitan nila nanay ang pangalan ko pero iniwan nila at hindi ginalaw ang apelyido kong 'Davis'. Kaya naging Ailee Nathalia Davis ang pangalan ko.

Ako si Ailee Nathalia Davis...

∞ ∞ ∞

Ailee Nathalia Davis: The Playboy's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon