Chapter 8
Francine
Nung nakarating na ako sa bahay umakyat na ako kaagad sa kwarto para di mapansin ni mama na
malungkot ako.Pagkaakyat ko ni lock ko yung pinto.Binuksan ko na lang yung t.v. Para
mabawasan stress.Biglang may kumatok sabi ko "sino yan?" "Si mama 'to nak buksan mo ang
pinto" tapos binuksan ko na "o, anak napansin ko parang malungkot ka yata ano ba masakit? May
sakit ka ba? O may nang bubully sayo sa school?" "Ma" tapos napaiyak ako "yung mahal ko may
mahal ng iba" "nak marami namang lalaki jan bakit di ka na lang magmahal ng iba" "ma alam ko
na siya ang makakasama ko habang buhay may kutob ako na yun nga ang mangyayari" "alamin
mo muna kung ano ka ba talaga sa buhay niya" "tama ka ma" "sige na nak maiwan na kita at
marami pa akong gagawin taha na anak wag ka ng umiyak ha" ngumiti na lang ako habang
tumutulo luha ko ngumiti na lang din siya tapos lumabas na si mama sa kwarto ko.Naisip ko ulit
yung sinabi ko sa kanya kanina mukang nasaktan ko siya nakokonsiyensia tuloy ako ang lakas ng
loob kong mag walk out sa harap niya nakakatawa nga eh akala mo may relasyon kayo kung
makapag react ka.Haaaay buhay nga naman minsan may feeler mode access ka pang nalalaman.
makatulog na nga at bukas magiimpake na ako papuntang Paris! Pinunasan ko na lang yung luha
ko doon ko na lang kakalimutan ang lahat kaso...kasama siya pero okay lang! magpapakasaya na
lang ako tutal yun rin naman yung pinunta ko dun eh para magpaka saya.
Bryan
Grabe di ako makatulog kakaisip nung nangyari kanina basta sa Paris aaminin ko na ang lahat.
Pagkagising ko pumunta na ako sa school nakita ko si Andre sa my gate "dre may ikwekwento ako
sayo" tapos kwinento ko sa kanya yung nangyari kahapon tska yung plano ko sa Paris."Dre
naiinlove ka na jan kay Francine ah" "oo nga dre eh di ko na nga alam kung anong gagawin ko eh
may girlfriend pa ako" "dapat kasi di mo muna niligawan si Jerela kung may nagugustuhan ka na
palang ibang babae" "oo nga eh" "o anjan na pala yung crush mo" pagkakita ko nandito na pala si
Francine gusto ko siyang kausapin para mag sorry pero bukas na lang "dre ano pang hinihintay
mo?" "Bukas ko na lang sasabihin sa kanya".Nung nag time na lumilingon ako sa likod para
tingnan si Francine pero di talaga siya tumitingin sa akin talagang galit nga todo selos ah parang
kami na talaga.Nung break time na nakita ko ulit si Jerela hinihintay ako."Hi babe" sabi niya
ngumiti na lang ako "bukas di muna kita masasamahan, pupunta kaming Paris bukas lahat
ng kaklase namin kasama" "pwede ba akong sumama?" "Hindi yata eh bawal taga ibang section"
"edi next time na lang.Mag vacation tayo sa Italy" "sige".Nung uwian na dumeretso na ako sa
bahay para mag impake para bukas.Ok ready na!
BINABASA MO ANG
Will I be with the Heartthrob?
RomanceFrancine Dela Cruz is just an ordinary school girl but she finds herself in love with the most popular heartthrob at their school Bryan Legaspi but she's just an ordinary girl.How can a heartthrob be in love with her but when he finally realizes wha...