Let's define BOYFRIEND:
A boyfriend is a regular male companion in a romantic and or sexual relationship, [1] although normally not in long-term committed (e.g. marital) relationships, where other titles (e.g. husband, partner) are more commonly used. A boyfriend can also be called an admirer, beau, fiancé, suitor and soul mate.[2]
Oo, nagkaroon na ako ng ganyan. Actually, marami pa nga eh. Pero madalas, hindi sila lahat tumatagal sa akin at ako pa ang nakikipag-break sa kanila because I can't take their attitudes, because all i want is a PERFECT BOYFRIEND na nagtataglay ng mga katangiang ito:
✔ Hinahabol ka niya pag nag-walk out ka
✔ Kahit gusto mong ikaw na magbayad ng binili mo, siya pa rin ang magbabayad
✔ Lagi kang napapatawa. Kahit gaano pa siya ka-korni, napapangiti ka pa rin
✔ Yayakapin ka kahit maraming tao sa paligid
✔ Hahawakan niya ang kamay mo kahit pasmado
✔ Magsosorry sayo kapag ramdam niyang may problema kahit wala siyang kasalanan
✔Active sa classroom kasi ikaw ang inspirasyon niya
✔ Aakbayan ka niya para lang sabihing sa kamay niya, di ka mapapahamak
✔ Sobrang worried pag di ka nagsasalita
✔ Titignan ka sa mata tapos ngingiti
✔ Kapag inaamoy niya ang buhok mo tapos sasabihin niyang mabango ka
✔ Naiisip na niya kung anong future niyong dalawa
✔ Sasabihin niyang pakakasalan ka niya kahit hindi pa ngayon
✔ Takot na takot siyang mawala ka
✔ Ihahatid ka niya pauwi o sa sakayan man lang para siguradong safe ka
✔ Sasabihin niyang “magtext ka kapag nakauwi ka na”
✔ Hahalikan ka sa pisngi para sabihing “Ingat ka, mahal na mahal kita, kita na lang tayo bukas”
✔ Kaya kang ipaglaban sa pamilya niya
AT HIGIT SA LAHAT ..
✔ Yung tatawag siya sayo kahit regularload lang ang gamit niya para lang sabihin sayong nakauwi na siya at mahal na mahal ka niya.
Maybe you're thinking na nababaliw na ako, alam ko naman na bihira lang ang lalaking ganyan eh. Baka pa nga wala pa eh. Pero naniniwala kasi ako na "HABANG MAY BUHAY, MAY PAG-ASA!"
Kaya nga nagpa-kalat na ako ng mga poster na may nakalagay,
WANTED: PERFECT BOYFRIEND
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------