Chapter 3

20 0 0
                                    

BMEH CHAPTER 3

*****

Nag lalakad ako pa punta sa Room ko ng may tatlong babae ang humarang sa dinadaanan ko.

"Ikaw si Shaira Morano right? " naka cross arm na sabi ng babae na mukhang leader nila.

"So?" Tanong ko

Sumenyas sya sa dalawang kasama nya kaya lumapit ito sakin at hinawakan ang mag kabilang kamay ko

Lumapit sakin yung leader nila at sinampal ako. Shit ang sakit

"ANO BANG KASALANAN KO SAINYO!?" Inis na sabi ko

"Wala. Pero kay Chester meron!" Sabi nya at akmang sasampalin nya ulit ako ng nay biglang nag salita

"Bibitawan nyo sya o Ako mismo ang sasampal sainyo?"

Si Chester.....

"Che-Chester?" Utal na sabi nila

"Subukan nyo lang ulit syang saktan ako na ang mananakit sainyo" pag babanta nya

"Ginagantihan lang naman namin sya dahil sa sinabi nya sayo!" Sabi nung leader nila

"I don't care. Ako lang ang may karapatang manakit sakanya"

Wow ha as in wow. Sya lang daw ang may karapatang manakit sakin? Eh kung hampasin ko kaya sya!? Bwiset to.

"Get out." Malamig na sabi nya. Kumaripas naman ng takbo yung tatlong babae

"thanks" kahit labag sa loob kong mag pasalamat. Tssk!

"Anong thanks? May kapalit yun." Sabi nya at ngumiti na parang may binabalak

"Kapalit mo ulo mo!" Sigaw ko sabay tumakbo pa punta sa Room ko.

Ay shit. Classmate ko nga pala sya, dumating narin sya at tumabi sa upuan ko.

maya maya din ay dumating na ang teacher namin.hindi naman ako nakinig dahil wala ako sa mood para makinig. Ang sakit parin ng pisngi ko na sinampal nyung bruhang babae kanina. Bwiset! Wag na wag syang mag papakita sakin! 

*****

"ANO!? ANONG PANGALAN NUN GAGANTIHAN NATIN!"

"ABANGAN NATIN YUN!"

Sabi ni Chine at Jennifer. Ang OA noh? Mas galit pa sila sakin -_- nakwento ko kase yung nangyari kanina

"Huminahon nga kayo. Para kayong may sakit!" Sabi ko sakanila

"OA agad? Di ba pwedeng nadala lang ng Galit?" Sagot naman ni jennifer

"Nadali mo " sabi naman ni chine tapos nag apir silang dalawa. Tsk tsk tsk exotic nga.

"Haist parang mababaliw ako sainyong dalawa!" Sabi ko at napa hampas nalang sa noo ko

"Pero pernessss girl ah. Niligtas ka ni fafa Chester" sabi ni jennifer

"Oo alam ko. Pero may kapalit yun alam ko noh! Gagawa ba yun ng isang bagay na walang hinihiling na kapalit? Tsaka anong fafa Chester? Madiri ka nga sa sinasabi mo Jennifer!" Nandidiring sabi ko

Nakakadiri naman talaga ah. Tawagin ba namang fafa? Like duh

"Ayieeeeee pinagtanggol sya ni Chester Ayieeeeee ayieeeee " pang aasar ni chine at siniko siko yung tagiliran ko

"Leche! Tigilan nyo ko! Kadiri! " inis na sabi ko

"Chill puso mo girl! " natatawang sabi ni chine

Breaking My Ex HeartWhere stories live. Discover now