Hi po ako po si Zero Montalban at taga Cebu po ako. Eto po Ang pinaka good vibes sa buhay ko. Elementary ako, Grade six ako nu'ng nakilala ko si Jean classmate ko Sya ako Ang transferry nun, Sabi ko sa sarili ko gusto ko syang makilala at nakilala ko Sya sa pamamagitan ng "introduce yourself" , Isa isa kaming tinawag ng t. Namin at nu'ng s'ya na ang tatawagin dali dali akong kumuha ng papel at ballpen at nagsalita na s'ya "ako po si Jean Leslie Vera" at sinulat ko yun pero hindi ko alam spelling kaya eto ang nasulat ko Jen Leslie Vera 😂 kaya nu'ng snack namin kinausap ko s'ya sabi ko "hi Jean" nakangiti ako nun at medyo nag blublush tapos sabi nu'ng best Friend n'ya "Hello, sorry snobber tong best Friend ko Ahh isipin mo nalang s'ya yung nag hello" tumawa ako nun tapos bigla s'yang tumingin sakin at ang pag sway ng buhok n'ya slomo at ang pagharap n'ya sakin slomo din😱 sabi ko "is this Love?" Tapos bigla s'yang nagsalita ng pa sungit na pag sabi "Hello!" Yung tipo n'ya ng pag sa salita ay palaging masungit at parang may problema s'ya palagi, at yun ang pangalawang nagustuhan ko sa kanya kasi kakaiba s'ya sa ibang babae, ang una ko namang nagustuhan sa kanya ay Maganda at hindi Malandi😂. Umalis na ako nun at sumama ako sa mga Classmate ko na Boys hindi ko pa sila tropa or some kind of barkada Classmate palang hanggang sa dumating ang August naging tropa ko na sila at ako ang leader 😂👆🏻😎. August 14,2005 habang naglalakad kami ng mga ka tropa ko tili ng tili ang mga babae hahaha at nu'ng malapit na kami kanila Jean dahan dahan akong lumapit at sinabing "Hi" 😅 nagsusulat s'ya noon so binubungo s'ya ng best Friends n'ya na mag Hello naman s'ya sakin, nagmukha akong tanga pero hindi ako susuko hangat hindi ko naririnig ang hello n'ya kaya naghintay ako.... At sa wakas nainis na s'ya sa Bffs n'ya kaya nag hello na s'ya, ang saya ko nun😄☺️ tapos ayun..... November na!!! Ang araw kung saan naging close kami ni Jean, month na napakasaya para sakin kasi group activity namin,s'ya ang ka group ko tapos sabi n'ya " eto ang gagawin mo ikaw ang kapartner ko sa sayaw tapos sila yen at greg sila naman ang nasagilid tapos sinasabuyan tayo ng confetie habang sumasayaw" sa kapartner pa lang kinilig na ko😂 sa sasayaw pa kaya😅 excited na ko at November 4,5,6 and 7 ang video namin na gagawin so habang ginagawa namin yung video nakita ko si Jean na nakangiti habang sumasayaw at napaslomo na naman itong utak ko😂😍 sabi ko pano kaya kung araw araw s'yang nakangiti? Mas lalo kaya s'yang gaganda? Kaya nu'ng natapos ang taping sinabi ko sa kanya " Jean palagi kang ngumiti kasi mas lalo kang gumaganda😊" sabi naman n'ya " Bolero!😂 pero thanks☺️" oo na masasabi ko nang crush ko s'ya pero hindi ehh parang alam mo yung gusto ko na s'ya! Yung tipong mahal ko na s'ya ibang iba kasi eh😄😂😍 I hate To say this but Graduation na namin😒😞 hindi ko na s'ya makikita!!😩😞 kaya pinaghandaan ko talaga nagdala ako ng gifts para sa kanya Rose,chocolate at syempre card... At ang nakasulat sa card na yun ay
DEAR JEAN
TAPOS NA SCHOOL YEAR MAMIMISS KITA BESTFRIEND MAMIMISS KO YANG NGITING MONG YAN NA BUMUBUO NG ARAW KO. THANK YOU SA LAHAT BESTFRIEND SA MGA ARAW NA NANJAAN KA THANK YOU RIN SA MASASAYANG ALA ALA NA NABUO NATIN SIMULA NOVEMBER THANK YOU SA PAG SNOB SAKIN DATI AT THANK YOU RIN KAY GOD DAHIL IPINAKILALA KA NYA SAKIN ALAM KO BES NA HINDI NA AKO SA PUBLIC MAG AARAL PERO IPAPANGAKO KO NA HINDI KA MAWAWALA SA PUSO AT ISIP KO, SA TOTOO LANG BESTFRIEND MAHAL NA MAHAL KITA HINDI AS A BESTFRIEND KUNG HINDI AS A CRUSH GUSTO KITA SANANG LIGAWAN PERO ITINATAK KO SA ISIP KO NA ARAL NGA PALA MUNA PARA SA GAYON EH MAKAMIT KO ANG AKING PANGARAP AT ANG IYONG PANGARAP SALAMAT SA LAHAT I LOVE YOU BESTFRIEND NAWA MAG KITA ULIT TAYO ❤️
-ZERO❤️At yun na nga nagpaalam sa isa't isa at sana talaga magkita ulit kame! Natupad ko na ang lahat ng pangarap ko meron na akong business at lovelife. Sana man lang text or tawagan n'ya ako Haha gusto ko lang malaman ni JEAN LESLIE VERA na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita muah muah😘😊
YOU ARE READING
GOOD VIBES
Short StorySimpleng mga Kwento Ng mga Tao Na PURO masasayang ala ala Ang nagawa halika at basahin natin