One Step To The Reality

6 0 0
                                    

SayonaraKaze





Nash POV

"Oo, Erin malapit na ako" sabi ko sa kabilang linya

"Hay nako! Faster Nash, iaabot ko lng naman yung cake eh! Katagal mong babae ka!" Sagot niya ssa kabilang linya

"Yep! Nandyan na nga oh! Nag papark lang, bye na nga!" Sabi ko at binaba ko na ang telepono

Pinatay ko muna ang makina ng sasakyan ko at pumasok na sa loob ng bakeshop, pano nagpagawa kasi ako kay Erin ng cake, cake para sa anniversary namin ni Isaiah!

Oo ngayon ang 4th year anniversary namin ni Isaiah.. Ang tagal na pala namin and ngayon ko lang siya su-surpresahin

"Omg! Nash kahit kelan ang tagal mo talaga!.. oh! Btw happy 4th year anniversary sainyo ni Isaiah!" Sabi niya habang iniirapan ako at ibinigay na ang gawa niyang cake

Dahil sa pag irap na ginawa niya tinawanan ko lang siya.

"Salamat, dito Erin.. bye na at pupuntahan ko pa siya sa condo niya" sabi ko habang nag w-wave ng hand pa alis...

Ngayon ay pupunta ako sa condo ni Seya para surpresahin siya! Ang sabi ko kasi ngayon ay busy ako kaya ang alam niya sa susunod na araw pa kami mag celebrate ng anniversary namin..

Hopefully masurpresa ko siya.

.

.

.
Pinatay ko na ang makina ng sasakyan ko, tapos kinuha ang cake.

Naglalakad ako sa parking lot ng may napansin akong pamilyar na sasakyan, sasakyan ni Kaloy.

Kaloy is my bestfriend. He's the ideal bestfriend, kuya, tatay of everyone..

He's the one who help me when im in trouble..

He's my Savior, my Knight in shining armor

He's my bestfriend, nah! Scratch that.. my super best friend

He's my buddy! My best buddy, partner in crime

Natawa ako sa naalala​ ko tungkol kay Kaloy,Kaloy was so generous to me and Kal--- "Good Evening Ma'am" bati ng security guard bigla akong natauhan dahil doon.

'ting'

Senyales na bukas na ang elevator.

Pagkasakay na pagkasakay ko sa elevator agad kong pinindot ang 12th floor, kung saan si Isaiah.

Pero may humabol na lalaki bago sumara ang pinto ng elevator

"Woah! Muntik na yun ah"
Sabi pa niya habang inaayos ang suot niyang polo.

9th, 10th, 11th, 12th! Floor
'shocks! Salamat, sawakas' sabi ko sa isip ko

'Ting'
Bumukas na ang elevator kasabay ng pagtapak ko papalabas ko...
.
.
.
.
.
Nandito na ako sa labas ng condo ni Isaiah, excited na ako same time kinakabahan

Habang pinipindot ko ang password ni Seya, mas lalo akong kinabahan...

Grabe iba ang kaba ko ngayon...

I open the door slowly, the lights are off and walang kaingay ingay.

Sa isip isip ko 'ah! Tulog lang si Seya kasi siguro pagod siya' haha nakoo kung ano ano kasi iniisip ko eh! First kala ko nandito si Kaloy cause nakapark yung car niya sa baba, then ito naman si Seya ang pinag hihinalaan ko..

Ipapatong ko sana ang dala kong cake sa table ng may marinig akong parang ungol? The fuck! Bakit may ungol?

Dali dali kong pinatong ang cake at pinakinggan ko kung san nanggagaling ang ungol...

One Step To The Reality (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon