kipup fan-gal

9 2 4
                                    

2NE1 is the first kpop group that I stan. Ako yung tipong kpop fan na halos hindi lahat ng groups ay pinapansin ko. Oo, nakikinig ako ng kanta at pinapanood ang videos nila katulad ng Girl's Generation, BIGBANG etc. pero yun nga 2NE1 lang talaga ang natitipuhan ng sobra, dati. Ilang taon na ang nagdaan, 2NE1 pa rin. Di ko masasabi na die-hard-fan nila ako o active pero 2NE1 lang talaga ang dahilan kung bakit nananatili akong kpop fan, dati.
Year 2015, may ibang grupo na naka-akit sa puso ko, ang grupong BTS. sinabi ko sa sarili ko dati na hinding-hindi na ako magii-stan ng ibang kpop group maliban talaga sa 2NE1 pero kinain ko rin ang mga sinabi ko sarili ko. Ang totoo talaga kilala ko na sila noong 2013 hindi ko lang sila pinansin kasi nga diba... mabilis ko silang nakilala. first bias ko nga si V eh. pero syempre dahil taksil ako, pinagpalit ko siya kay Suga hehehe. nang dahil sa nakafocus ako sa pagii-stan sa BTS hindi ko na namalayan ang 2ne1 :(
year 2016, Laking gulat ko na aalis pala si Minzy sa grupo. Hindi ko alam kung bakit siya aalis, hindi naman din ako nagalit sa kanya. pero mas malaki ang gulat ko nung binalita madi-disband na din ang 2NE1. sobrang nagsisi ako kung bakit hindi ako nanging die-hard-fan o naging active man lang sa kanila. para tuloy akong walang kwentang fan. Sorry talaga 2NE1. malaki ang part ng 2ne1 sa puso ko at hinding-hindi ko kayo kakalimutan. Salamat dahil kayo ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa mundo ng kpop.
Maraming salamat din sa BTS, sila din ang dahilan kung bakit nandidito pa ako sa mundo ng kpop. sabi ko nga sa sarili ko dati na "siguro kung wala ang BTS, hindi na ako kpop fan kasi ano pang silbi ko sa pagiging kpop fan kung wala na ang 2NE1?". salamat. salamat. Proud akong sabihin na isa akong ARMY.
Nagpatuloy akong maging kpop fan. Year 2016, may dumating nanaman na kpop group. bagong girl group galing sa YG. ent. na ang pangalan ng grupo ay BLACKPINK. nung una nahihirapan akong iistan sila. kasi nga may BTS na akong iniistan kasi nga loyal ako sa BTS, dati. pero nung time na nagcomeback nanaman ang blackpink na ang title ng bagong kanta nila ay 'Playing with Fire' nag-decide na akong iistan sila. pero hindi ko masasabi na isa akong BLINK. Gusto ko ang Blackpink pero hindi pa ako blink.
At nagpapatuloy pa rin akong maging kpop fan. ngayong taon (2017) may isa akong kaklase na kpop fan rin, ininvite nila akong pumunta ng isang event, kpop event. (papaiksiin ko lang) ayun nga pinayagan akong pumunta. July 31, first time kong pumunta ng kpop event. so ayun masaya, sobrang saya pero may isang kanta talagang tumatak sa utak ko, yung kantang "울고 싶지 않아~~". paulit-ulit yun tumutugtog sa utak ko, ang ganda kasi nung kanta kaya ilang araw ang nagdaan, sinearch ko ang kantang iyon. Nalaman kong grupong SEVENTEEN pala ang kumanta nun. Kilala ko ang grupong Seventeen sadyang ugali ko talaga na hindi talaga pansinin ang ibang group. Nakilala ko ang seventeen nang dahil sa kanta nilang 'Mansae' pero dahil nga ako si Clarissa, hindi ko talaga sila pinansin. pero nang dahil sa dance practice ng 'Don't Wanna Cry', na-amaze ako sa kanila. nagandahan ako sa kanta at sa sayaw. Tapos may isa sa grupo nila naka-capture ng puso ko, wala nang iba kundi si S.coups- ang lakas ng tama niya sakin. Na-attract kasi ako masyado sa mata niya, so nang dahil din sa kanya nagdecide na rin akong isearch ang Seventeen at hindi naman ako na-disappint sa kanila. ang totoo, lalo akong namangha sa kanila... so ayun pinapapagtuloy kong isearch sila kaya on the way pa lang ang pagiging isang 'Carat' ko. ang kina-kainis ko lang sa sarili ko medyo nawalan ako ng oras sa BTS. ㅠㅠㅠㅠ pero BTS pa rin ang MGA legal asawa's ko /sorry Seungcheol, Sunyoung at Wonwoo/.
So far, so good. Nagcomeback BTS /yeheyyyy/ natuon ko ulit sa BTS ang attention ko kahit papano hehez. Si Yoongi pa rin UB ko. Ang nagiging kahati kasi ng pagiging kpop fan ko ay ang WATTPAD(jusko) pati narin pagaaral kaya hindi ako masyadong updated sa BTS pero mahal ko pa rin sila. Namiss ko BTS. Namiss ko ang mga asawas ko. Basta BTS, walang teyteybag. At nag comeback din ng SVT /double dead/. So ayun nga, kahit hindi pa nagcomeback yung svt nakaraan*malamang* inakit ako ni Hoshi *huhuhu* Nanonood kasi ako ng funny moments niya, so siya na boyfriend ko sa SVT at ex ko na si scoups *sarreh* kapag pinapanood ko siya, lalo akong naiinlab *^* kyut niya kasi tapos maganda boses magaling pa sumayaw tapos maingay pa. pero ngayon busy ako sa pagwa-wattpad at pag-aaral syempre.
At ipapagtuloy ko pa rin ang pagiging kpop fangirl ko. BTS at SVT 사랑해 *-*

박수 짝짝짝짝!
탕진잼 탕진잼 탕진잼

Me being a fangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon