Crystelle's POV
At last! After I guess 8 years nakauwi narin ako nang Pinas. Home sweetie home.
Modeling life sucks,kapagod. Buti nga may 3 months break ako. Dumiretso ako sa condo ko na pinamanage ko sa friend kong si Nicole dahil wala naman akong pamilyang uuwian for the fact that they all hate me.
Sa condo.
Nagbihis ako habang nag ready naman si Nicole ng makakain.
"Wala ka ba talagang planong magpakita muna sa pamilya mo?." She asked.
"What for? Tinakwil na nila ako remember? And I don't give a shit about close minded people." Nagsimula na kaming kumain.
"They're still your family Crys. Malay mo,napatawad ka na pala nila."
"As if that would happen haha. Well, there might be a chance lalo na pag nalaman nilang lalaki na ulit yung kinakasama ko."
"Speaking of boylet,san na si Rafael, LQ na naman ba?."
"Yup,as always. Kaya nga ako nandito diba,para magpalamig ng ulo,at saka break narin sa modeling."
"By the way, next week is our reunion. Are you coming?."
"Highschool reunion?. Well I don't know, I bet that doesn't sound good."
That reminds me of one particular person. And it breaks my heart to even mention that person's name.
"Come on, it would be fun. At saka, wala naman akong naaalaang may naka issue ka dati nung highschool tayo ah."
Yan ang akala mo. Pero mas mabuti naring hindi mo alam.
"You know what, just nevermind. I'll come."
"Good, I'd be looking forward to that. Don't be paasa."
"Whatever."
..
Jelai's POV
"Ate Maaaat!." Tawag ko sa kapatid ko.
"O! Ano namang ginawa ko?!." Sigaw niya mula sa kusina.
"Nakita mo yung schedbook ko? Nilagay ko lang yun rito sa table eeeh." Sabi ko tila natataranta na habang hinahanap ito.
"Ah, oo nilagay ko dyan sa lumang aparador sa kwarto mo. Baka kasi paglaruan ng mga bata (anak Niya). Basta hanapin mo nalang diyan. Greg,Ken! Dahan dahan naman mga anak, sa labas nga muna kayo maglaro."
Kaya hinanap ko na. Nakita ko naman agad,paghila ko sa schedbook ay may nahulog namang maliit na notebook.
Umiba yung timpla ng mukha ko. Hindi ko pa to nakakalimutan. Dahilan na alam kong muli na naman akong masasaktan.
Diary ko kasi to nung highschool. Hinipan ko muna ang alikabok na nakabalot rito. Tinabi ko din yung schedule book ko.
I checked the time, 6:30 pm na.
YOU ARE READING
Worth the Sin (gxg)
Teen FictionThis is based on a true story, pero yung mga tao dito ay Hindi mismo yung mga totoong character. So this is about a girl who got confused of her own identity because of her girl classmate. What's the actual problem here is that they're both religiou...