#4: Peligro

9 0 0
                                    

Nang makabalik ako sa may talon nakakita ako ng mga kagamitan sa ilalim ng isang puno. Nakakita ako ng mga pwede kong magamit habang nandito pa ako sa kagubatan. Hindi na rin na masama na nakita niya ako.

Bukas na bukas maglalakad na ako para makapunta sa isang bayan. Nang sumapit ang dilim ay napag pasyahan kong maligo sa talon mas madaling maligo nang ganitong oras. Kaysa sa araw. Nang mahubad ko na lahat ay sumulong na ako sa tubig. Ang sarap sa pakiramdam ng tubig. Hindi ito ganoon kalamig.

Nang nakaahon na ako ay nakarinig ako ng mga kaluskos sa di kalayuan kaya napag pasyahan kong magmadali at itago ang mga gamit ko para kung sakaling may dumating ay walang bakas na makakakita na may tao dito.

Pero sa aking paglingon di ko inaasahan ang aking makikita may isang malaking ahas "AAAHHHH" at di ko napigilan ang di sumigaw dahil sa takot. Nakatingin lang ako sa ahas na nasa harapan ko.

Unti-unti akong umaatras para makalayo pero parang walang plano yata yung ahas na hindi ako sundan. Nakarinig ako ng mga kaluskos na papalapit sa akin at paglingon ko ay nakakita ako ng mga liwanag.

"Aray" Bigla na lamang ako nakaramdam ng sakit sa paahan ko. Nang tingnan ko ay meron itong kagat ng ahas at dumudugo ito. Napatulala ako sa nakikita ko. At unti unting lumalabo na ang paningin ko.

Nang babagsak na ako sa sahig ay nakaramdam ako ng malambot ng may sumalo sa akin pero hindi ko na nakita kung sino. Nawalan na ako ng malay. "Binibini? Binibini! Binibini!" Ang huli ko na lamang narinig ay ang boses ng isang lalaki.

Third person POV:

"Prinsipe Hanson, maari po ba muna tayo mag pahinga may malapit na

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon