Phoebe Margaux
Unang hakbang palang papasok ng gate ay ramdam ko na ang mga tingin na nakakatakot na animoy isa kang kriminal
Mga matang nangingilatis at mga matang nagtatanong
Itinuloy ko ang paglalakad ko at ramdam ko ang pagsunod ng kanilang mga nakakainis na tingin
Ganyan talaga kapag isa kang transferee
Sa bawat hakbang ko ng aking mga paa'y ramdam ko ang mabibigat nilang mga tingin
Tanging tunog ng mga takong ko ang maririnig
Naiirita na ako ha ? Ano bang meron at sobrang tahimik
Para dadaan lang ehTumigil ako at tumingin sa grupo ng mga babaeng nasa harapan ko
"What are you looking at?" Mataray na tanong ko
"A-ahh Nothing" sagot ng babaeng nasa gitna
"Oh! Eh wala naman pala, ano pang inihaharang harang niyo jan. Pwedeng makiraan?" mataray paring sagot ko
"A-ah sorry" sabi niya at naglakad paalis at para namang tangang sumunod sa kanya yung mga kasama niya
Tch.
Tumingin naman ako sa likuran ko
"Kayo! Anong tinitingin tingin niyo? Ngayon lang kayo nakakita ng transferee?" Sigaw ko
Parang nagising naman sila at kusang nagsilakaran kung saan man sila pupunta
Tch
"Phoebe!" sigaw ng isang pamilyar na boses
nilingon ko ito at nakita ko ang bestfriend kong si Hiro
"Hiro!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya
"Long time no see! Welcome back nga pala dito sa Pilipinas haha namiss din kitang babae ka, kwento ka naman ng Adventures mo haha" mahabang sabi niya habang naka akbay sakin
"Namiss din kita! Haha grabe lalo kang pumogi ah. Marami ka sigurong chics dito noh!" Natatawang sabi ko sa kanya
Natigilan siya saglit bago nagsalita
"A-ah ikaw lalo kang gumanda laki ng pinagbago mo, dami mo sigurong manliligaw dun haha " nginitian ko lang siya
"Ano ba yan mamaya na tayo magkamustahan. Haha kailangan ko munang kausapin ang Dean at hanapin yung room ko" sabi ko at sinimulang maglakad
"Osige samahan na kita para mapabilis ang paghahanap mo kasi malapit nang mahstart ang classes" sabi niya hang sumusunod sakin
"Astig ng entrada mo kanina ah haha, akalain mo yun nagmukha kang artista. Nastarstruck sila sayo" natatawang sabi niya
"Tch! Hindi kaya! Kung tignan nga nila ako kanina eh akala mo kung ngayon lang nakakita ng transferee. Big deal lang teh!" Sumbat ko sa kanya