Dear Mama,

269 23 21
                                    

Dear Mama,

Hi Ma! Magandang araw. Teka, maganda nga ba? O nabadtrip ka na naman sa aming magkakapatid?

Mama sorry ah. Sorry sa pagiging pasaway ko sayo. Sorry kung lagi naming pinapasakit ang ulo mo. Sorry kung dahil samin nagkakawrinkles ka at tinitigyawat. Ma, ang dami kong kasalanan sayo no? Sorry kung 12 na ng tanghali tulog pa rin ako. Sorry kung minsan o madalas di mo ako maasahan sa gawaing bahay. Sorry kung nagdadabog ako at sinasagot kita pag pinapagalitan mo ako. Sorry kung kumukupit ako ng barya. Sorry kung minsan di ko nagagawa assignments ko. Sorry kung napakatigas ng ulo ko. Sorry din Ma kung napakakalat ng kwarto ko. Sorry kung madalas kitang madisappoint.

Mama, sorry nga pala sa nangyari noong isang araw. Yung tinola na lasang isda? Mama sorry po talaga. Hindi ko naman po kasi alam na fish cubes pala yun. Nasa box kasi sya ng chicken cubes eh. Mama sorry din noong last month ah. Yung sobrang kapal ng usok sa bahay dahil napabayaan ko ung nakasalang sa stove. Mama, sorry kung minsan hilaw ang kanin na isinaing ko ah? Sorry din kung minsan sunog. Tsaka mo nung ginamit ko ung sapatos mo tas d ko na naisauli, sorry ulit ma ah? Alam ko Ma, umay ka na sa sorry ko. Marami pa yan Ma e, sobrang dami.

Ma, salamat ah? Salamat sa pag-aalaga, pagmamahal, pagbibigay ng baon, pagpapasensya (ng sobrang haba). Salamat sa pag-intindi mo sa amin, sa paglinis ng kwarto, pagbibigay inspirasyon, paglalaba ng damit namin, pagluluto ng makakain at sa pagpaplantsa ng damit ko pangschool. Salamat sa pagiging supportive.

Ma, alam nating di naman kailangang maging perpekto ng isang tao para may magmahal sa kanya. Kaya Ma kahit bungangera ka minsan (Peace.) at madalas kaming pagalitan at utusan, mahal na mahal na mahal na mahal kita. Lagi mong tandaan yan ah. Sana Ma lagi tayong magkakasama. Kaso di naman puwede eh. Kaya susulitin ko na lahat ng oras na kasama kita, kasi malay mo bukas di na ito maulit pa. Ma, Happy Mother's Day. Maybe your not the perfect mother but for me your the best. I love you.

Love,

Stacey

~~~~~~

Maraming Salamat sa pagbabasa. :) Sana nagustuhan nyo. Vote and Comment pls. Be a fan.

Happy Mother's day to all mother's out there.

PimiRookie15

Dear Mama,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon