A/N: Do play "Una't Huling Pag-ibig" by Yeng Constantino while you're reading this, folks. Maraming salamat! Je t'aime~ Ich liebe dich~ Te amo~ Mahal ko kayo~ I love you~
-
[ 3rd Person's Point of View ]
"Alam kong dadalhin mo sarili mong bangko pero 'di ko pipigilan sarili ko sabihin sa'yo na bagay na bagay sa'yo gown mo ngayon." Sabi ni One kay Carmela na ngayon ay pababa na sa hagdan nila. Nakasuot ito ng laced turtle-neck na gown na 'sing pula ng mga rosas sa hardin ng Museo Montecarlos. Prom sa paaralan nila One at Carmela. At dahil matalik na magkaibigan ang dalawa mula pa pagkabata, kahit baga para silang aso't pusa, pagdating sa panahong kailangan ng kapartner ng isa, silang dalawa agad ang magkasama.
Nagkakilala si One at Carmela sa Museo Montecarlos noong mga bata pa lamang sila. Matapos ng ilang taong paninirahan sa Italy ng pamilya ni One ay nagdesisyon ang magulang nito na pagbigyan na ang kahilingan ng anak nilang ito manirahan sa San Alfonso dahil tila may nag-uudyok daw dito para doon na tumira. Sa murang gulang noon ni One ay bilib ang kaniyang magulang sa kalaliman mag-isip ng bata. Oo't naroon man ang kaasalan nitong pambata pa rin, iba ito sa mga batang kaedaran niya rin. Kumpara kay Carmela na mula't mula pa pagkabata ay napakaligalig na. Ngunit sa kabila ng pagkapilya nito, nakuha naman niya sa kaniyang Lola Carmela, kung saan nagmula ang kaniyang ngalan din, ang pagkahilig nito pag-aralan ang kasaysayan ng Pilipinas at ang pag-aralan ang mga yaman at sining ng bansa.
Medyo namula lalo ang pisngi ni Carmela nang 'di oras dahil sa sinabi ng binata habang inaabot din nito kamay niya sa dalaga. Mabuti na lamang at naka-make up siya kung hindi, siya ang aasarin nang malala ni One at 'di naman siya makakapalag o makakahataw dito dahil naka-pormal na kasuotan ito at ayaw naman niya masira ang gown niya nang dahil lang sa tinatago niyang kilig sa kaniya.
Labing-isang taong gulang noon si One nang lumipat sila sa bayan ng San Alfonso. Sa bahay ng Lolo Juanito niya sila nanirahan ng kaniyang pamilya na sa tulong ng Lola Carmela ni Carmela ay naipaayos ang sira-sira na mansion na ito. Mula noon ay lagi na ring napunta si One sa Museo Montecarlos upang samahan at tulungan si Carmela aliwin ang mga turistang nagpupunta sa lugar na iyon.
Sa paglipas ng panahon ay tumibay ngang tuluyan ang pagkakaibigan ng dalawa. Hatid-sundo ang bawat isa pagpunta't pag-uwi galing paaralan nila, sabay nilang paggawa ng takdang aralin, laging pagsurpresa sa tuwing kaarawan ng isa, pagpunta sa mga fiesta at pagtulong sa mga nangangailangan sa Home for the Aged at bahay-ampunan. Lagi silang magkasama. Sa lahat ng mga kaganapang ito sa buhay nila mula noon, unti-unti nang tumitibok ang puso ng dalaga sa binata ngunit para maiwasan ang sakit na maaari nitong makuha sa baka sakaling pagsabi ng nadarama nito, pinilit niyang itago sa sarili niya ang tunay na nararamdaman.
"Ewan ko sa'yo." Sagot pataray ni Carmela para 'di mahalata ni One ang tensyong nangyayari sa loob ng babae. Inabot ni Carmela ang kamay niya sa nakaabang na kamay ni One sa baba ng hagdan saka ito tumuloy bumaba.
"Mag-iingat kayo, Carmela." Sambit ng Lola Emily ni Carmela pagkalabas nito ng kusina na may dala-dalang palayok ng Kaldereta ala Montecarlos. Nilapag ni Lola Emily ang palayok sa gitna ng hapag-kainan tsaka pinagpag ang kamay nito saka abot sa kamay ng dalaga paglapit sa kanila. Binitawan naman ni One ang kamay ni Carmela nang mahawakan ng lola nito ang kamay ng apo niya.
BINABASA MO ANG
Carmela at Juanito (One-Shot)
Short StoryCarmela at Juanito (One-Shot) An Inspired Composition of Binibining Mia's "I Love You Since 1892"