Salamat sa mga nagbabasa! <3
Chapter 4: A Day in the Academy
"Ballpen, notebook, paper..? Check." Sabi ko habang tinitingnan ang mga gamit ko. "Bag? Check."Monday na ngayon! Kung maeexplain ko lang kung gaano ako kinakabahan ngayon, parang mababaliw ako! Hindi ko naman ineexpect na mag-aaral ako para maging 'decoy' ni Hunter.
Wala akong idea kung paano ba ginagawa sa school. Nag-aaral tapos makikipagkaibigan? I smiled at the thought. Kahit wala akong maalala kung nakapag-aral na ba ako dati o kahit ano man, parang bata ako na first time susubukan na pumasok sa isang eskwelahan.
The fact that I'll go to a school makes me so excited. Finally, Fleur Spencer! At least I'll make some new memories as the new me, as Hunter's vassal at ito rin ang una kong mission.
"Uniform? Check." Dagdag ko pa habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Mukhang bagay naman sa akin yung kulay maroon namin na blouse at pleated skirt! "Shoes? Check!"
I smiled while watching myself at the mirror. Sa sobrang kaba ko, kanina ko pa iniisip kung may nakalimutan ba ako o kung ano man. Ayaw ko rin naman maging pabigat sa kanila kapag nasa academy na kami.
"Hmmm.. Bakit parang may kulang?" Bulong ko habang pinagmamasdan ang kwarto ko. Parang may nakalimutan ako pero hindi ko talaga maalala.
Oh yung kwintas pala!
"Miss Fleur? Are you ready?" Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Elli sa labas ng kwarto ko. Lumapit agad ako sa pinto para buksan ito. "Hello Elli!" Binati ko agad siya at nginitian.
"You look so excited miss Fleur." Sabi nito sa akin at tumango-tango ako. "Sobra, Elli!" Sagot ko naman. "Wait nakalimutan ko yung kwintas! Kunin ko lang tapos okay na."
"Sure miss Fleur. Hintayin nalang kita dito sa labas ng kwarto mo." Sagot niya at tumango nalang ako.
Pagkapunta ko sa study table ko, binukas ko ang isa mga drawer, kinuha at sinuot ang kwintas na teardrop ang hugis ng pendant. It was the necklace given by Hunter.
BINABASA MO ANG
Bloodlust+ (ONGOING)
VampireHow long can you survive the devil's bloodlust? Humans. Vampires. Two different worlds into one. © 2017 || Shatterheart06 (10/12/2017) Edit: (11/13/17) Renamed this story to Bloodlust+