"Ang taong walang
kadena sa kamay at paa
nakakalipad ng malaya.
Pero sa kanyang
pinagdadaanan ang salitang
'laya' ay katulad ng mga
tala (mahirap makuha).Walang piring ang kanyang mata, malaya ang kamay niya't paa, subalit hindi siya makalipad
sapagkat 'nakakahon' ang
kanyang pakpak.Lagi niyang tinatanong........
"Bakit ganon? Nakakaya niya
akong tignan na hindi
nasasaktan? Nakakaya niyang
humakbang na may naiiwan?""Deanne, anong ginawa mo sa akin? Bakit ako nagkaganito? Bakit ako nalulungkot kapag naaalala ko ang 'tayo'? Sanay naman akong mag-isa dati, bakit ngayon hindi ko na kayang ngumiti? Ganoon ba talaga ako nagtiwala sayo na pati ang dating ako, (hindi nasasaktan, hindi naapektuhan ) nakalimutan ko?"
Gusto niyang isigaw ang mga ito sa taong nagbigay nito. Pero hindi niya magawa dahil patunay lamang iyon na siya ang mahina, na siya ang uwiang lumuluha, na sa kanilang dalawa, siya ang kaawa-awa.
Kahit masakit sa paningin na may kasama na itong iba, na may bago na itong mahal at 'hindi siya'. Kahit pinalitan na siya ni Deanne nang ganon-ganon lang, hindi parin nawala ang kanyang nadarama, kahit na ang ibig sabihin nito ay 'TANGA'.
'Tanga' ayaw niya ng ganitong titulo, kaya pinatibay niya ang dahilan upang ito'y kamuhian. Pinarami niya ang mga rason upang ang nakaraan nila'y kanya nang matapon. Sinasampal ang sarili upang gumising na sa katotohanan na ang maganda nilang ala-ala ay kinalimutan na ni Deanne at ito'y bahagi na lamang ng nakaraan.
Lahat ginawa na niya upang makabangon sa kahapon at makahakbang na sa ngayon. Lahat ginawa na niya pero, hindi niya kaya. Hinahataksiya pabalik
ng mga ala-ala.Ala-ala na nagpapaalala sa kanya noong siya pa ay masaya. Ala-ala na nagpapaalala sa kanya na sila pang dalawa.
Mga ala-ala na hindi niya
kayang mawala kaya——tatanggapin niya ang
pagiging TANGA.Sa kanyang pagiging tanga, naapakan niya ang natutulog na binata. "Asar." ang naging tugon nito at inutusan siyang humingi ng sorry sa ginawang mali. Pero hindi niya kaya dahil unang-una si Deanne ang nang-iwan at siya itong luhaan.
TANGA NA NGA TALAGA.
Ang utak wala sa realidad.
Nandoon sa mga
ala-ala ng kahapon
nakakahon.#-Jarzin's
Adnara Aciamaj-
YOU ARE READING
Ink Hand Stories
Short StoryAng kuwadernong ito ay naglalaman ng mga salitang bigla-bigla nalang naiisip ng utak ko kaysa sa assignments.