Companion

789 13 4
                                    

Inigo's POV

*Kriiiiiiiing* tunog ng school Bell. It's already time, break time is over, kung kaya naman nagsipasukan na ang lahat ng estudyante, maging ako. Nang makarating ako sa Classroom ay umupo naman agad ako sa aking upuan at inintay na lamang maayos ang lahat at ang pagdating ng susunond naming teacher.

Pagkatapos ng lahat ay nagsimula nang magturo ang teacher namin, nang biglang pumasok si Maris sa Classroom. And something is wrong. Nakikita ko sa mukha nya malungkot at pugto ang kaniyang mga mata.

"Ms. Racal, you're 7 minutes late!" puna ng aming Teacher.

"Sorry po, Sir" pagpapasensya na lamang niya. at naupo na sya sa harap ko kung saan sya nakaupo.

Alam kong may nangyari nanaman sa kanila ng kanyang Boyfriend, its either nag-away or nag-break nanaman sila. Lahat kami ay sanay na sa ganitong problema nila kung kaya't di na ito bago samin. Di rin ako nakatiis at kinulit ko na sya sa kalagitnaan ng klase namin.

"psst, ano na? nag-away at nagbreak nanaman ba kayo ni Nathan?(BF nya)" tanong ko ng pabulong. Mahirap ng mapagalitan ano.

"Oo na Inigs, nahuli ko sya, at niloko nya ko, and this time ako na yung nakipaghiwalay sakanya for real" sagot nya.

"Oh, mabuti naman at ikaw na nakipaghiwalay sakanya, at nainiwala ka na samin na hindi sya makakabuti sayo" pangaral ko sakanya.

"Oo na, nakipaghiwalay na nga diba?" siya.

"Mamaya usap tayo ng Tropa, Naku! Siguradong Matutuwa pa yung mga yon sa ibabalita natin sa kanila" inirapan nya naman ako kaya Natawa na lang ako. Nakinig na lang ako sa Discussion pero etong si Maris nakatulala lang sa bintana buong lesson. Buti na lang di sya napapansin ni Sir.

LUNCH

Eto kami ngayong buong Barkada sa Rooftop kung saan kami laging naglulunch. Naikwento na rin ni Maris yung nangyari kaninang Recess. At tulad nga ng inaasahan ko, hindi sila nalungkot para kay Maris, they even greet and Congratulate Maris dahil nakipaghiwalay na nga ito dun sa gagong Nathan na yon.

"Napakasama nyo talaga sakin ano? Alam ko namang ayaw nyo kay Nathan, pero ayan talaga? Imbes na i-comfort nyo ko, sinabihan nyo pa ko ng Congratulations, nakakainis talaga kayo hayst" pagdradrama nya

"Ano ka ba naman bestie, syempre nakakalungkot pa rin kasi nagkaka-ganyan ka pero, happy pa rin kami kasi nga nauntog ka na HAHAHA" sabi ni Loisa

"Oo nga Mariskie, ikaw naman kasi e, naghahanap ka pa sa malayo, mayroon naman dyan sa tabi-tabi na handa na saluhin ka, diba Inigs? HAHAHA" pang-aalaska nanaman ni Ronnie

"Tsk, ayan? eh halos lait-laitin nyo na lang akong dalwa araw-araw" reklamo ni Maris

Nanahimik na lang ako sa sinabi ni Maris, dahil totoo namang lagi ko syang inaasar. pero naging paraan ko na rin sigiro kasi yon para mapalapit lalo at kahit papano pansinin sya pa rin ako kahit umamin ako sakanya noon.

Maris' POV

tahimik lang si Inigo, pero matagal ko nanamang alam na may gusto sa sakin dahil umamin na rin sya sakin noon pero tinanggihan ko ito. ang dahilan ko kasi noon ay ayokong masira friendship namin, pero si Inigo kasi yung tipong hindi mahirap mahalin, dahil mabait naman sya, matalino, talented, gwapo, at masayang kasama kahit na ubod ng kulit at mapang-asar.

"Oh sya sigi Ingo, Maris. Alis na kami ah, marami pa kaming gagawin eh" pagpapaalam nila loisa at Ronnie saamin.

Nung time na umalis sila Ronnie at Loisa naging awkward yung paligid para sa amin ni Inigo. Parehas kaming tahimik at tila parang walang gustong maunang magsalita. Ng biglang...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MarNigo One-shot 101Where stories live. Discover now