JRA

18 0 0
                                    

Para sa mga lalakeng manloloko
Hindi marunong tumupad ng pangako
Hindi marunong magmahal ng totoo
Hindi marunong magseryoso
At hindi marunong makuntento
 
Paano naman ako?
Paano naman ako, na tapat at totoo
Paano naman ako, na naghihintay sayo
Naghihintay na mahalin mo
Naghihintay na mapansin mo
Naghihintay na masulian mo ang pagmamahal ko
Paano naman ako?
Na umaasa sa isang bagay na "wala na"
Umaasang may pag asa pa
Umaasang isang araw, maging akin ka na
Pero bakit nga ba ako umaasa?
Dahil ba sa mahal kita?
O sadyang pinanganak lang akong tanga?
Dahil ba sa mga salitang "gusto kita"
O dahil pinaramdam mong ako'y mahalaga?
Na kasinungalingan lang pala

Una tayong nagkakilala, sa social media
Hindi ko akalaing kaklase pala kita
Sa unang kita, mata mo'y napakaganda
Napakaamo, ngunit tila maraming problema

Tayo'y naging matalik na magkaibigan,
Naging tapat at ang isa't-isa ay inaalagaan.
Samahan ay hindi pa masyadong nagtatagal,
Ngunit sa isang iglap, nabuo ang isang pagmamahal
Pagmamahal na higit pa sa kaibigan
Ito kaya ay ating makakayanan?
Ako'y naguguluhan,
Kung ikaw ba ay tatanggapin o tatanggihan.

Nagpasya akong ika'y tanggapin
At pagmamahal mo ay suklian
Minahal kita kahit walang kasiguraduhan
Minahal kita kahit ako'y may pagaalinlangan
Minahal kita kahit pa alam kong sa huli, ako'y masasaktan

Sinakripisyo ko ang puso ko para sayo
Hindi ko pinakinggan ang mga kaibigan ko
Nagpakatanga ako
Maging isipan ko, nakasentro sayo
Pero yun pala, sasaktan mo lang ako
Yun pala, ika'y manloloko
Yun pala, iba ang mahal mo

Sabi mo dati "mahal kita"
Dalawang salita, siyam na letra
Pero putangina, napaasa ako sa wala
Dalawang salita
Pero nakakasakit ng sobra
Lalo na't kasinungalingan lang pala

Sa isang iglap, bigla kang nagbago
Sa isang iglap, biglang hindi na ako
Sa isang iglap, hindi na ako ang nagpapasaya sayo
Hindi na ako ang hinahatid mo
Hindi na ako ang tinatawagan mo
Hindi na ako ang mahal mo
Hindi na ako

Binalikan mo siya,
Iniwan mo akong magisa
Iniwan mo akong umaasa
Pinagmukha mo akong tanga
Ako'y naging kawawa
Naging kontrabida sa mata ng iba
Pafall ka; Putang ina ka

Paano naman ako?
Ni minsan ba, naisip mo ang kapakanan ko?
Naisip mo ba na napaasa mo ako?
Naisip mo ba na nasasaktan ako?
Sobrang nasaktan mo ako
Puro sarili mo lang iniisip mo
Puro lang kaligayahan mo
Kaya, paano naman ako?

Tuwing makikita ko kayong masaya
Tuwing nakikita ko kayong magkasama
Yung puso ko, pinapatay mo na
Yung puso ko, sobrang nasasaktan na
Tapos pinagmamalaki mo pa siya
Eh puta di hamak naman na mas maganda ako sa kanya

Mahal na mahal kita
Pero sobrang sakit na
At kahit sobrang sakit na, minamahal pa rin kita
Ang martyr ko diba?
Kahit may iba ka na,
Narito pa rin ako nagpapakatanga
Umaasa, minamahal ka
Iniisip kung kamusta ka na,
Umaasang ang dating tayo ay maibabalik pa

Ang dami kong pinagsisihan
Sana hindi ko na dinugtungan
Sana matagal na kitang kinalimutan
Sana hindi na mabuo itong pagmamahalan
Pagmamahalan kung saan magisa akong lumalaban
Pagmamahalan na punong puno ng kasinungalingan
Pagmamahalang walang katotohanan
At pagmamahalang walang kasiguraduhan

Mahal kita
Pero may mahal kang iba
Tayo'y pinagtagpo ngunit hindi itinadhana
Mahal kita pero bakit hindi mo madama
Bakit ka pa naghanap ng iba
Bakit binalikan mo pa siya
Mahal kita pero bakit siya?

Siya na walang pakealam sayo
Siya na ilang beses ka ng ginago
Siya na hindi ka mahal tulad ng pagmamahal ko
Siya! Siya at siya pa rin ang pinili mo
 Eh paano naman ako?
Kahit masakit, tinanggap ko
Kahit masakit, kinakaya ko
Kinakaya kong mabuhay ng wala ka sa tabi ko
Kinakayang mabuhay kahit pinabayaan mo
Kahit iniwan mo, ginago mo, niloko mo
Pinaglaruan mo

Ni minsan hindi ako naging priority mo
Kase, option mo lang ako
Ni minsan hindi naman talaga ako ang minahal mo
Kase, reserba mo lang ako
At ni minsan hindi ako ang pipiliin mo
Dahil una palang, hindi naman talaga ako para sa iyo
Dahil una palang, binalaan mo na ako
Na wag akong mafofall sayo
Pero hindi ko napigilan ang puso ko
Dahil sa mga pinakita mo
Dahil sinabi mo na mahal mo ako
Dahil kahit sa maikling panahon, pinaramdam mo
Pinaramdam mo ang isang bagay na hindi totoo
Pinaramdam mong mahal mo ako
Pinaramdam mong importante ako
Pero hindi naman pala totoo
At ako si tanga, nagpaloko

Paano naman ako?
Ngayon, tatanungin kita,
Babebibobu, kapalit palit ba ako?
Kasuko suko ba ako?
Sumuko ka ng hindi lumalaban
Sumuko ka sa hindi malamang dahilan
Sumuko ka...kahit alam mong mahal kita

Sana naman sinuklian mo ang pagmamahal ko
Sana ako nalang ang pinili mo
Sana ako nalang ang mahal mo
Kasi kung ako, kung ako lang,
Mamahalin kita ng todo
Tulad ng ginawa ko kahit walang tayo

Alam kong may iba ka na
Alam kong mahal na mahal mo siya
Pero andito pa rin ako, umaasa
Na sana maging tayo pa
Na sana balang araw, ako naman ang iyong sinisinta

Narealize ko na ang bobo bobo mo
Para balewalain at saktan ako
Ang tanga tanga mo
Sobrang gago mo
TANGINA MO
AMPANGIT MO😂

Kaya ngayon pinapalaya na kita,
Kasi sobrang sakit na
Pero paano naman ako?
Kung maiisipan mong bumalik, tatanggapin kita
Nakahanda ulit akong magpakatanga
Para lang mapasaya ka
Pero sana maisip mo
Tao rin ako
Hindi ako manhid katulad mo.

Ngayon pinapalaya na kita,
Kasi ako'y pagod na.
Basta lagi mong tandaan na mahal na mahal kita
Mahal na mahal kita, JRA.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paano naman ako?Where stories live. Discover now