Its too late na nga ba...Yah its too late!!! alas otso na 7:30 ang first class ko. Tsk
Bwisit na strike yan, wala akong nasakyang jeep kaya no choice tumakbo ako mula bahay hanggang school Imagine from Eastwood to Greenfields district tinakbo ko lang my ghad kulang nalang atakihin ako sa pagod
Ako pala si jacob isang third year Engineering student sa Hope University. Hindi ako mayaman, Isa akong Athlete kaya nakakuha ako ng scholarship. Hindi ko naman pinag mamayabang na sa isa akong magandang unibersidad sa pilipinas kasi alam ko naman sa sarili ko na mahirap lang kami
Wala akong binabayarang tuition fee, at tito ko ang nagtutustos sa mga gastusin ko, allowance ko, at bayad sa bahay na pinag stayan ko dito sa manila
Anyway nasa tapat nako ng school at nakikita kong mabagal na sinasara ng guard ang main gate ng school
"Kuyaaaaaaaaaa antaaaaaaaaaay" Sigaw ko sa guard habang tumatakbo, sh*t hindi nako makakapasok kapag sinarado na ang gate
Ganto kasi dito, once na nag 8:30 na hindi na pwedeng pumasok o lumabas ang mga estudyante, ang susunod na bukas ng gate ay 3pm na which is start naman ng klase ng mga pang hapon
"Kuya please, last na talaga promise" Pagmamakaawa ko sa guard, bago pa man nya maisara ng tuluyan ang gate naiharang ko ang kamay ko and goodthing hindi ako naipit ngayon ah
"Parang yan din sinabi mo sa akin kahapon boi ah" Sabi ni manong guard
"Sir please papasukin mo na ko, malelate nako sa first class ko, kapag hindi ako nakapasok baka bumagsak ako, scholar lang ako pag bumagsak ako hindi ako makakapag aral mahira-"
"Sige na pumasok kana! kanina pa nakabukas ang gate" sabi ni kuya guard, yes sabi na e di ako matitiis nito hahaha
Hahaha di naman ako palaging late, minsan lang naman kada two days ewan ko ba bat di ako nagigising ng maaga sira ata alam clock ko e.
Takbo* Akyat dito* Lakad
Nasa hallway nako at nadidinig ko na ang boses ni Mrs. Monte sh*t paktay nanaman ako neto" Mr. Ramirez, why are you late... Again?"
"Ahm, sorry M-"
"Pumasok kana, Im tired of listening sa mga palusot mo!"
"Thankyou po" Bow with peace sign.
Sabi ko na e he he he susungit sungit lang to pero loves na loves ako ni Ms. Monte
"San ka nanaman nanggaling?" Tanong ni france, bestfriend ko
"Tinanghali lang ako ng gising, 10pm na kasi natapos practice namin kagabi" Isa pala akong Sports Dance athlete. Medyo busy dahil may preliminary competition next month at sa pag tuturo sa mga juniors
"Men. baka pwede ka mamaya birthday ni cindy, crush mo yun diba? baka eto na yung time mo para maka score ha ha!" pabirong sabi ni france
"Loko ka talaga!" Highschool pa lang ako gusto ko na si cindy, sa totoo lang siya talaga ang rason kung bakit ko nagtry ang athletic scholarship. Ang ganda niya, ang puti, ang bait niya, masiyahin, lahat na ata ng katangian na maganda sa isang babae nasa kanya pero... may boyfriend na siya at bagay sila, parehong mayaman at may itsura masasabi talagang kabaliwan na kung mapapasakin pa siya
"Loving someone does'nt ask for Love in return" Tama naman diba? pag nagmahal ka hindi mo kailangang humingi ng kapalit
Dahil una sa lahat ikaw ang nagmahal.
Hindi maganda yung mahal ka nya kasi mahal mo sya... e paano kung hindi nya alam na mahal mo siya edi dedma?
Magulo ba? sorry naman heheh hindi ako magaling magpaliwanag e basta ang alam ko mahal ko sya
*Natapos ang morning class ko ng walang ginawa kung hindi mag drawing ng kung anu ano sa likod ng notebook ko
Eto ako ngayon naglalakad sa field nag iisip ng pwedeng kainin
"Hi"-Cindy
*** Hi guys! ryuga hideki here, first time ko nagsulat ng story pasensya na... gagawin ko talaga lahat para mapaganda ang story na to.
Ang gusto kong theme ay dalawang straight guy na nagkakainisan, nagkaaway, nagkagagohan pero bandang huli sila pala
Any suggestions guys salamat***

BINABASA MO ANG
When Sh*t Happens
RomanceWarning: This story contains Men to Men relationship, Explicit sex and foul language. Paalala lang mga men His name is jacob, 3rd year college student who found love in a sh*t way. See his story :)