Prologue

10 0 0
                                    

Ang gubat sa tabi ng Sitio Marilag ang pinaka kinatatakutan ng lahat ng tao sa Villa Verde. Usap-usapan sa buong bayan na may nakatira raw na masamang engkanto rito. Pero may isang tao na hindi natatakot sa lugar na 'to— at iyon ay si Spencer.

Alas dose na ng gabi at walang hirap na naglalakad si Spencer sa madilim na gubat sa tulong ng liwanag ng buwan. Pero kahit lakarin pa ni Spencer ang gubat na 'to ng nakapikit, hindi pa rin siya mahihirapan dahil sanay na sanay na siya rito.

He's wearing his usual outfit. A plain white shirt, black jeans, black sneakers, and a black leather jacket. The typical bad boy look. But he's more than that. He's not just bad, he's evil.

Simula noong bata pa siya, naging matigas na ang puso niya. His family was massacred in front of his eyes when he was 10 years old. Kung hindi siya tinago ng mommy niya, siguro ay patay na rin siya ngayon.

Alam niya kung sino ang gumawa nito sa pamilya niya at sila ang dahilan kung bakit siya naging masama. Napuno ng galit at paghihiganti ang dating malambot niyang puso.

Tumigil si Spencer sa isang abandonadong malaki at lumang bahay. Tumingin muna siya sa paligid para siguraduhin na walang nakasunod sa kanya. Nang masiguradong wala nga nakasunod sa kanya, binuksan na niya ang kadenang nakakandado sa sirang pintuan.

Hindi alam ni Spencer kung sino ang may-ari ng bahay na ito. Hindi niya rin alam kung alam ba ng mga tao sa Villa Verde na may ganitong bahay sa gitna ng gubat na kinatatakutan nila. Kahit siya ay nagtataka kung bakit may ganitong bahay sa loob ng isang gubat pero hindi na niya binigyang pansin pa ang bagay na 'to.

Ang bahay ay kulay puti at may dalawang palapag. Luma na ang disenyo nito pero hindi kasing-luma ng mga nasunog na bahay sa Sitio Marilag, ang sitio na nasunog almost 50 years ago dahil daw sa isang masamang engkanto ayon sa kwento ng mga nakatatanda. Hindi naman naniniwala si Spencer doon at wala siyang takot kahit totoo pa ang kwentong iyon.

Umakyat siya sa ikalawang palapag at pumasok sa pinaka dulong kwarto. Ito lang naman ang tanging kwarto na ginagamit niya sa bahay na 'to.

Pagbukas niya ng pinto, sumalubong agad sa kanya ang mga nakadikit na litrato ng Meliora clan sa pader, pati ang mga tao na malapit sa buhay nila. Sila ang pumatay sa pamilya niya.

Kumuha siya ng dart at tinaga iyon sa picture ni Roberto Meliora. Spencer smirked dahil tumama yung dart sa ulo ng pinaka matandang Meliora.

Si Roberto Meliora ang congressman ng Villa Verde. Nang mamatay ang lolo ni Spencer na dating governor dahil sa massacre, si Roberto ang pumalit sa pwesto hanggang sa maging congressman ito ngayon.

"Bull's-eye!" sabi ni Spencer at kumuha ng isa pang dart para sa susunod na target— si Jaime Meliora. Siya ang governor ng Villa Verde na anak ni Roberto. At, siya ang pumalit sa pwesto bilang mayor nang mamatay ang daddy ni Spencer na dating mayor.

Sa madaling salita, pinatay ng mag-amang Meliora ang pamilya ni Spencer para makuha ang pwesto at kapangyarihan sa Villa Verde.

"Bull's-eye!" tugon niya ulit nang tumama ang dart sa ulo naman ni Jaime.

Lumipat ang mga mata niya sa mga katabing pictures nina Roberto at Jaime— ang mga asawa nilang sina Matilda at Janina Meliora. Sila ang mga babaeng minaliit ang mommy niya. Kumuha uli siya ng dart, pero ngayon ay dalawa na at sabay niya itong tinaga sa picture ng dalawang babae na tumama naman sa mga leeg nila.

Lumapit si Spencer sa mga picture na nakadikit sa pader. Tinanggal niya ang lumang picture ni Danilo Meliora at pinalitan ito ng bago, yung picture niya noong nanunumpa siya bilang bagong mayor ng Villa Verde.

Si Danilo ang panganay na anak ni Jaime at Janina. He followed the footsteps of his father and grand father in politics. Siya ngayon ang pinaka bago at pinaka batang mayor ng Villa Verde.

Sikat si Danilo sa mga dalaga ng lugar dahil wala pa itong asawa. Most of all, he's handsome and tall. Pwede siyang pagkamalan na artista o model kung hindi lang siya naging mayor. Aside from his features, matalino at mabait din siya. Pero, kahit inosente si Danilo sa krimen ng pamilya niya, maghihiganti pa rin si Spencer sa kanya.

Nilukot ni Spencer ang lumang picture ni Danilo at tinapon ito sa basurahan na malapit sa kanya.

"You're a saint... as of now. But your glory won't last long dahil mahahanap ko rin ang dumi mo. I'm sure you're also a sinner like your father and grand father," pakikipag-usap ni Spencer sa picture ni Danilo.

Sunod naman lumipat ang tingin ni Spencer sa picture ni Danica Meliora. Siya ang bunsong anak ni Jaime at Janina. Siya ang prinsesa ng mga Meliora dahil siya ang nag-iisang babaeng apo ni Roberto.

Pinagmasdan ni Spencer ang mukha ni Danica. Nobody could deny that she's such a beauty. She has a pair of beautiful round eyes with long and delicate eyelashes, a tall, pointed nose, and thin lips. Dati, mahaba ang buhok niya pero ginupitan niya ito hanggang balikat na mas lalong nag-highlight ng features ng mukha niya.

Pero kung si Danilo ay isang santo, si Danica naman ay nagsasanto-santohan lang. Alam ni Spencer iyon dahil matagal na niyang pinag-aaralan ang pamilya nila.

"Tss...," Spencer smirked. "Isa ka pa. Akala mo anghel, may tinatago palang sungay at buntot."

Kinuha ni Spencer ang picture ni Danica at dinikit ito sa kabilang pader na walang mga picture. Tanging picture lang ni Danica ang nandoon.

"The princess, huh?" Spencer laughed sarcastically. "Since you're the princess, I'm gonna start destroying you first."

Matagal din naghintay si Spencer para gawin ang plano niya. Pero ngayon, nararamdaman niyang ito na ang tamang panahon at magsisimula siya kay Danica.

Kumuha uli ng dart si Spencer at tinaga ito sa picture ni Danica at tumama naman ito sa puso niya.

"Bull's-eye."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Body ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon