Two

21 0 1
                                    

S K Y L E R ' S POV

Pagdating ko sa bahay tiningnan ko yung payong na naiwan ni maxelle kanina. At dahil basa patutuyuin ko muna sa fans ko hahaha! Hindi dyok lang (_ _)v nung binuksan ko may nakalawit na papel tapos naka tali at tinahi sa payong. pagtingin ko nakasulat yung address at pangalan pala ni maxelle at may school at section pang nakasulat

O________O

Parehas kami ng school at section pero bakit parang di ko naman sya nakikita sa school o kaya sa room? Okno. Hindi kaya may powers sya na nagiging imbisibol tapos free syang makaka-kopya pag may exam or test hala! Baka naisahan na ko nun paktay ㅠㅡㅠ

Pero mukha naman syang matino, kiniss pa nga ako eh. Makapag spazz na nga lang.

While i'm spazzin' naisipan kong hanapin fb ni maxelle for sure namang meron sya kasi tinanong nya ako kanina eh.

Nung nakita ko na isa lang nasabi ko.

"WOW!" Oo wow hindi words of wisdom. Wow talaga, grabity to the galakshi! Ang ganda nya! Nakaka-inlove pero syempre bawal ako mag taksil kay krystal. Yung bias ko sa epeks ay f(x) pala. Pero totoo. Parang walang filter lagi yung mga pictures nya. Tanong ko kaya sa kanya pag pumunta ako sa kanila? Hindi kasi sya tulad nung ibang babae na oa mag lagay ng filter yung naka retrica ka na nga dadagdagan mo pa ng effects sa camera360 sya hindi eh. 'iL4W LünGszx Xs4phA44T nÜhhh' oo tama ganyan sya. ilaw at camera lang kahit wala ng effects or filter okay na. Pero ako bihira lang din ako mag filter eh hahaha! Cute kasi ako okay? Okay.

Bigla may pumasok sa kwarto ko nagulat tuloy ako pero syempre yung mga dugyuting mga kaibigan ko lang naman ang papasok sa kwarto ko ng walang katok katok. Kaya hindi na ako nagtataka pero ewan nagulat ako bigla.

"Oh? Bat nagulat ka? Nanunuod kang porn no?" Sabi ni jeremy sabay bato ng chichirya sa kama ko tyaka sya nagdive at kumain.

Si jeremy, sya ang pinaka feel at home saming apat pero pag nandyan tatay ko ang tino tino naman.

"Hindi mo man lang kami niyaya ganyan ka na ba sky ahuhuhu fafa sky naman eh ahuhuhu!" Muntanga si Nica. -_- si Nica naman sya lang babae saming apat na magkakabarkada. Na-amber ang gender nyan eh pero maganda naman ayaw lang umayos. Di ko namalayan nandito na pala si Nico sa harap ng computer ko at ano pa nga bang sasabihin nyan?

"Wow ang ganda! Chiks mo?" Yep. Ganyan sya pag nakakakita ng magandang babae na kasama namin or pag nakikita nya kami na tumitingin ng pictures. Kambal 'daw' sila ni nica eh hindi naman magkamukha may ganun ba? Kung meron. . . . EDI MERON!

"Pwede isa isa lang tanong? Una, hindi ako nanunuod ng porn may tinitingnan lang ako pangalawa, kung manunuod man ako hindi ko talaga kayo yayayain at pangatlo, hindi ko yan chiks classmate natin yan." Paliwanag ko sa kanila. Syempre di papatalo si nico ang playboy na matanungin sa barkada alam kong may itatanong pa yan. "anong pangalan nya? Bat di ko sya nakikita? Invisible ba sya? Kaninong payong yan? Bakla ka ba? Bakit pink yung payong?" Odiba? Kakasabi ko lang wag maraming tanong -_- grabe dugyutin na nga sila ulyanin pa kakasabi ko lang kanina nakalimutan agad.

"Una sa lahat hindi ko sasabihin pangalan nya! Ako lang pwede makaalam noh!" Sabi ko sabay belat kay nico "weh? Alam na nga namin eh" sabi ni nica sabay pakita sakin nung papel na nakasabit sa tali na nakatahi sa payong "edi alam nyo."

"Yat..chie Max...elle Lim ah so yun pala pangalan nya. Sya ba yan?" Tanong ni nica sabay nguso duon sa picture na kanina pa ata pinagnanasaan nung kambal nya. Tumango naman ako tapos tinanong nanaman nila ako kung bakit daw di nila nakikita si maxelle sa school sa classroom sa canteen o kaya sa library, eh pano nila makikita sa library at canteen kung ang alam lang nilang gawin pag nasa library ay kunwari magbabasa pero matutulog, pag sa canteen naman syempre andaming students isa pa nasa pagkain lang ang atensyon nila pag nasa canteen kami mga pg kasi sila dejoke! Hahahahaha. Habang kinukwento ko sa kanila yung nangyari kanina may narinigbkaming umuungol na babae? Huh? Sabay kaming napatingin nila nico kay jeremy.

Nanunuod nanaman sya ng ALAM NA DIS! YOU KNOW GUYS THINGS YUNG MGA ANO AY BASTA. he just smiled awkwardly to us at binatukan naming tatlo hahahaha ansaya triple pa masarap yun! Lalo na pag si nica ang nambatok ang bigat kasi ng kamay.

Kumain na kami sa baba at nagkwentuhan pa more tapos bigla nalang namin naging topic si yatchie. Ewan ko pero parang bigla akong natahimik? Ay ewan! Tapos nung pagabi na makikitulog nalang daw sila samin syempre bawal na tumanggi makakatanggap kasi ako ng triple kaltok ayaw ko pa naman magkabukol dahil lang sa kaltok ni nica! Natulog nalang agad kami kasya naman kasi kami sa kwarto ko pero dahil babae si nica sya lang mag isa sa kama ko -___-

Y A T C H I E ' S POV

WAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!! Di ako makatulog! Dahil ba hinalikan ko si sky oh dahil sa payong kong naiwan ko sa kanya?mahalaga kasi sakin yung payong na yun. Bigay sakin yun ni kuya max lagot ako pag sinabi kong naiwan ko kay skyler! Baka hindi nya ako patulugin sa kwarto ko baka patulugin nya ako sa kwarto nya o kaya sa living room ayokooo!!!! JUSEYOOO ANG O.A KO PALA DI KO NAMALAYAN hihi sarreh sarreh sarreh sarreh~ sasabihin ko nalang sa kanya pinapatuyo ko tapos andun sa cr ko! Hahahaha aym so jinyus! ~.~ /flips hair/

And oo nga pala di ko pa nasasabi sa inyo na classmate ko yun si Skyler. Oo matagal ko na syang classmate pero di ko sya crush ah! Always remember that i already have my bias my future husband Kim Jongin! BOOM SUNOG!!!! Anyway kaya hindi ako nakikita hindi dahil may powers ako invisible lang talaga ako sa mata ng mga estudyante sa school namin lalo na sa mga babae, masyado daw akong hinahangaan kesyo malandi daw ako mang-aagaw ng boyfriend echetera echetera. Eh bakit? Kasalanan ko bang maging cute? Kasalanan ko ba na mas maganda ako sa inyo? Kasalanan ko ba na hinahabol ako ng boypren nyo? Okay ah hangin na diba... Matutulog na nga ako! Gusto ko kasi ako lagi nauuna sa classroom para hindi na nila ako pag initan pa. Sayang naman kasi yung gising nila, umagang umaga bubungad ang mala dyosang cute sa harap nila nakakahiya eh sobra (_ _)

Pinatay ko na yung laptop ko tapos biglang nag patay sindi yung ilaw. No no no! Ganito yung mga nangyayari sa mga horror movies eh! Walaaaaa nooooo! Takot ako sa multo kaya naman tumalon ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot hanggang sa ulo ko nanginginig yung binti at braso ko sa sobrang takot di ko namalayan umiiyak na pala ako. Nung feel ko na hindi na nagpapatay sindi yung ilaw sumilip ako ng konti tapos nakita ko si kuya max kulang nalang gumulong sa sahig nung kwarto ko kakatawa.

Pero kung iniisip nya na nakakatuwa pwes hindi. Hindi nakakatuwa alam naman nya kasing may trauma ako sa ganyan eh bat nya pa gagawin diba! Sa sobrang inis ko binato ko sa kanya yung libro na nasa beside table ko tumigil naman sya sa kakatawa tapos lumapit sakin, tiningnan ko lang sya ng masama tapos niyakap nya ako.

"Okay, okay, sorry na okay? Di ko na uulitin sorry sorry sorry~" at dahil di pa ako nakaka move on sa ginawa nya pinaghahampas ko sya sa dibdib nya habang umiiyak parin. Niyakap nya pa ako ng mas mahigpit tapos pinahiga sa kama ko. Niyakap ko nalang sya pabalik tapos nakatulog na pala ako.

Fanboy and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon