PA-KOPYA

37 1 0
                                    

May quiz kami ngayon sa science kaya naman nag handa talaga ako dahil gusto kong ako ang makakuha ng mataas na score ngayon. Pagdating ko sa classroom ay nakita kong nagkukumpulan ang mga kaklase ko sa gitna.

"Uy si Pres!" Sigaw nang isa kong kaklase ng makita akong naka-kunot ang noo habang pinagmamasdan sila.

Agad namang lumayo ang iba't bumalik sa kanilang upuan. Napansin ko naman na tila para bang may nakatingin sa'kin kaya lumingon ako. Si Gio, isa sa mga kaklase kong bully.

"Baka magsusumbong ka na naman." Sabi nito at kinuha ang maliit na papel na nasa desk niya.

Kodigo 'yon. Sanay na ako sa mga kaklase kong hindi nag-aaral kaya minsan hinahayaan ko nalang.

"Uso naman kasing mag-review." Pabalang na sambit ko't umupo.

"Biglaan naman 'yong pagsabi ni Mr. Antonio na may quiz. Hindi kami sing talino mo, Badette. 20 pages 'yon. 150 items ang quiz." Ganti niya kaya tumahimik na lamang ako.

Dumating si Mr. Antonio at binigay sa'min ang test papers. Nakakabigla 'no? Kasi 150 items ang quiz namin. Well, nasanay na kami sa kanya dahil gusto niya handa lagi. Kailangan nakapag advanced reading na.

"May 2 hours kayo para sagutan 'yan. No cheating. Walang gagamit ng kahit anong bagay tanging ballpen lang ang ilalabas niyo, naintindihan?" Sabi ni Mr. Antonio kaya sabay sabay kaming tumango.

Narinig naming nag-ring ang phone ni Mr. Antonio kaya naman tuwang-tuwa ang iba. Tumayo si Mr. Antonio habang may kausap sa kanyang cellphone tiningnan nito kaming lahat bago lumabas ng classroom.

"Anong sagot sa 23?" 

"Uy paano i-solve 'to? Bakit sa science kailangan mag-solve?" 

"Bakit kasi 150 items 'to?"

Kung ano-ano ang naririnig kong sinasabi nila ngunit hindi ko nalang pinansin. Okay lang naman sa'kin na mag-tanungan sila 'wag lang gumamit ng kodigo. 

Busy ako sa pagsasagot nang mapansin kong may tumabi sa'kin kaya naman lumingon ako para makita kong sino.

"Pa-kopya." Sabi nito.

"Sige lang." Nahihiya kong sabi.

Close kami ni Gio dati pero simula 'nong nagalit ako dahil nangongodigo siya ay naging mailap na siya sa'kin. Dahil kasi sa pangongodigo niya ay nataasan niya ako. Ang babaw 'no? Pero ang unfair kasi sa'kin. Nag-aaral ako ng mabuti pero sila hindi. Umaasa lang sila sa kodigo.

Pinakita niya ang likod ng test paper niya. Namangha ako 'nong makita kong marami siyang nasagutan.

"Nag kodigo ka?" Tanong ko agad naman siyang umiling.

"Nag-aral ako." Nakangiti nitong sagot, "Sorry pala ha. Namiss kita." Dagdag niya.

Agad naman akong namula. Alam niyang since pre-school ay crush ko na siya kaya nga kami naging close dahil lagi akong tinutukso sa kanya.

"Namiss mo rin ba 'ko, baby?" Pang-aasar pa niya.

Hinampas ko naman ito habang siya nama'y tumatawa.

"Uyyy!!!!!" Sigaw ng mga kaklase namin kaya napatigil kaming dalawa.

"Girlfriend ko na siya." Anunsyo niya't may abot tengang ngiti.

"Wooooh. Naks, pare! Sa wakas umamin ka rin akala ko hahayaan mo na na mapunta sa iba si Bernadette." Pang-aasar sa kanya ng mga barkada niya.
___

One-shot lang 'to dahil hindi ako makapag-isip ng magandang plot para sa isang story. Sana na-enjoy niyo 'to kahit ang lame hahahaha.

PA-KOPYA (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon