Chapter 4

49 2 0
                                    

Blake's POV

Grabe di ako makapaniwala na si Stella Claire na yun yun naging kaibigan namin ni Nathan nun Kaso ang taray nga ngayon di tulad ng dati iba na yung Stella Claire na nakilala ko . Sya na nga kasi itong nakabanga sya pa itong may ganang mainis sakin. Sayang maganda nga sya kaso panget naman ang ugali. Ako ang isa sa Hearttrob at Badboy dito sa school namin pero wala syang pakealam kahit gawapo o badboy pa hindi daw sya magkakagusto sakin. Humanda ka Stella Claire hindi magiging masaya ang College mo dito sa Saint Gabriel Joseph Univeristy

"Uy Blake bakit ka naman tulala dyan?" Agad na tanong ni Nathan na ngayon ay tapos ng magparegister para sa enrollment namin

"Ah wala lang toh may iniisip lang ako" sabi ko kay Nathan 

"Sure ka Blake baka iniisip mo parin yung pagiiwan sayo ni Tiffany?"tanong ulit ni Nathan. Maliban kay Kuya Vince si Nathan pa yung isa kung bestfriend sabay kaming tumanda kaya alam nya lahat about sakin

"Oo nga sure ako tsaka wag mo ngang mabanggit bangit yung pangalan nya"sabi ko kay Nathan dahil ayaw kong naririnig yung pangalan nya

"Ok sabi mo eh"ani Nathan sabay tapik ng likod ko at sabay lakad sumunod na rin ako sa kanya para umuwi. Si Tiffany ay yung Ex ko ay iniwan ako para sumama sa ibang bansa kaya simula nun naging bad boy na ako si Nathan naman sumunod nalang sakin may pagkabadboy din sya pero sa iba matulungin sya kaya pinapagalitan ko sya

Claire's POV

"Kuya mabait ba yung Blake na yun?"agad na tanong ko kay kuya ng makasakay na kami ng kotse

"Oo naman sobrang bait nun at bakit mo tinatanong ha? crush mo noh?" asar sakin ni kuya Vince habang nagmamaneho si Ate at narinig ata ang pinaguusapan namin kaya sumabat sya samin

"Anong Crush ang sinasabi ng kuya Vince mo Claire?" tanong ni ate na halatang galit. Si Ate Kariss ay ayaw na magkaboyfriend ako o crush man lang dahil pagaaral muna daw baka masira daw pagaaral ko kapag nagkagusto ako

"Ate Kariss wala akong Crush inaasar ako ni kuya Vince na tanong ko lang kasi sa kanya si Blake yung kaibigan nya kasi nabangga ko tapos nagsorry na ako galit pa" paliwanag ko kay Ate Kariss

"Ok buti at nagkakaintindihan tayo na wag munang lalaki ang atupagin pagaaral muna"ani ate Kariss

"Ate alam ko naman yun"sabi ko kay ate at tumatango sya sakin at tumingin kayu kuya Vince

"At ikaw Vince wag mo ngang laging inaasar si Claire ikaw ang mas matanda sa kanya kaya maging mabait ka sa kanya at sino itong Blake na inaasar mo sa kapatid mo ha?" ani Ate Kariss kay kuya Vince

"Ate nakalimutan mona ba yung kaibigan ko na si Blake Buenaventura at Nathan Santiago?" tanong ni kuya Vince kay ate Kariss don't tell me na pati si ate kilala yung bwesit na lalaki na yun

"Si Blake  yung lagi mong kasama sa bahay nun?" tanong ni ate Kariss

"Oo ate"agad na sabi ni kuya Vince

"Oo naalala ko pa nagkita kayo?"tanong ni ate Kariss. What kilala sya ni ate bakit ako hindi wala akong maalala na naging kasama ni kuya dati

"Oo ate nagkita kami ni Blake pero si Nathan  hindi dahil nagpaparegister sya si Blake yung nabangga ni Claire hindi rin ako nga makapaniwala ate kasi hindi man nya ako nakilala ang laki narin ng pinagbago nya lalo syang gumwapo" ani Kuya Vince

"Ganun ba diba dun sa kabila lang yung bahay nila?" tanong ni ate Kariss

"Oo ate bakit?" tanong ni kuya Vince

"Sabihin mo sa kanila i want to meet them para makapagkwentohan tayo namiss ko na rin yung dalawa na yun sabihin mo magdinner tayo Bukas ng Gabi kung available sila"ani Ate Kariss kaya napasiagw ako sa gulat sa sinabi ni ate Kariss

"What!!!! Ate sino ba talag sila bakit nyo sila kilala bakit ako hindi?" gulat na tanong ko kna kuya at ate

"Claire nakalimutan mo na ba naging kaibigan mo rin si Blake at Nathan nun?"takang tanong ni ate Kariss sakin

"Ate wala. wala akong maalala hindiko sila kilala tsak ano itong dinner wag nyo nalang akong isama i don't want to see that man face" galit na sabi ko kay Ate Kariss

"Claire!! What's happening to you kaibigan natin sina Blake at Nathan kaya sa ayaw at gusto mo sasama ka samin"sigaw ni ate sakin kaya wala na akong nagawa kundi tumahimik. Hanggang sa nakarating kami ng Bahay wala kaming kibuan dahil galit ako sa kanila dahil nakaya nila akong sigawan narinig ko nalang si kuya Vince na pupunta sa bahay ng mga Kaibigan daw namin hindiko pinansin at nagkulong na ako sa kwarto ko kumakatok si ate pero hindi ko binubuksan ganun ako hanggang sa makatulog ako.

Blake's POV

Nakauwi na rin kami galing school nasa bahay na kami kasama ko parin si Nathan sa bahay ko laging dito na natutulog si Nathan pero ok langkina mommy kasi parang kapatid ko na rin si Natahn. Ilang minuto lang ang nakalipas ay may nagdoorbell sa bahay ko ng buksan ko ay nakita ko si kuya Vince

"Kuya Vince anong ginagawa mo dito?" takang tanopng ko narinig ata ni Nathan ang pangalan ni kuya Vince kaya lumabas sya

"Kuya Vince long time no see kamusta na?" bati ni Nathan kay kuya Vince

" ok lang ako gusto kasi ni ate Kariss na magdinner daw bukas kasama kayo bukas ng gabi kung pwede daw kayo" ani kuya Vince magsasalita na sana ako ng sumabat si Nathan

"Oo kuya Vince available kami bukas what time ba?" tanong  ni Nathan

"7 pm ng gabi dun Restaurant namin dito" ani kuya Vince

"ah cge kuya Vince makakarating kami" ani Nathan

"ah Cge salamat Cge alis na ako aamohin pa namin si Claire nagalit kasi samin ni ate kariss kaya yun nagkulong nanaman sya sa kwarto nya" ani kuya Vince nagalit si Claire bakit kaya dahil ba yun sakin 

"Ah ganun ba kuya Vince cge salamat ulit sa pagimbita samin" ani Nathan at nagpaalam na si kuya Vince samin at kami at sinara nanamin ang pinto at agad nagsalita si Nathan pagkapasok namin

"Grabe excited na akong makita ulit si Claire" agad na sabi ni Nathan sakin

"excited ka na makita yung mataray na yun" inis na sabi ko

"Nagkita na kayo ni Claire bakit hindi mo sinabi. Lalo ba syang gumanda?" tanong ni Nathan at nahahalata ko na parang may gusto sya kay Claire

"Oo nagkita na kami lalo nga syang gumanda kaso ang Panget ng ugali nya sya na nga itong nakabangga sya pa itong may ganang mainis" sabi ko kay Nathan

"Hahaha Blake ganun talaga yun pero mabait yun" ani Nathan mabait daw yung  bwesit na babae na yun

"anong mabait. Nathan hindi natin sya bibigyan ng magandang College dito satin" sabi ko kay Nathan

"Bakit si Claire pa?" tanong ni Nathan na parang ayaw na paglaruan namin si Claire

"Basta wag ka na ngang umangal dyan wag kang magiging mabit dun ibubully natin sya naiintindihan mo" inis na sabi ko kay Nathan

"ok sabi mo eh" ani Nathan na halatang ayaw na paglaruan namin si Claire pero pinabayaan  ko nalang sumusunod naman si Nathan sakin


The Two bad boys fell in love with me ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon