21

56 4 2
                                    


Tinawanan mo ako
nang sinabi kong:
"marami na akong lugar na napuntahan."
sinabi mong sinungaling ako
dahil "hindi ka naman lumalabas ng bahay niyo."
tinawanan mo ako
nang ipahiram ko
ang gamit ko sa paglalakbay ko;
tumawa ako noong bumalik kang masaya bitbit ang mga libro.

100 Tula: Habang Nag-iisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon