Kabanata VI

137 24 5
                                    

"Binibining Corazon, nahimatay ang babae..."

Agad na nilingon ng babae na nagngangalang Corazon ang isang alipin na sumisigaw. Sigaw na sobrang lakas na ikakatakot ng sobra.

Nagmamadaling nilingon ni Corazon ang alipin at ang pwestong kinatatayuan ni Ursula kanina. Agad na nanlaki ang mata ni Corazon sa nakita. Lupasay ang pagod na katawan ni Ursula sa madahon na lupa.

"Leonora, tulungan mo ako sa pagbubuhat ng madala natin ito sa loob ng mansyon."

Puno ng pangamba ang bawat salitang binibitawan ni Corazon. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng nawalan ng malay at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Sa palagay niya, isa itong dayuhan sapagkat ngayon lang niya nasilayan ang mukha ng babae. Iyon ay si Ursula.

Nagtawag ng ibang kasamahang alipin si Leonora at agad binuhat nila ang walang malay na katawan ni Ursula sa silid ni Corazon.

Si Corazon El Mundo o kilala bilang Corazon ay isang mayamang babae sa bayan ng Calamba, Laguna. Nasa trenta mahigit ang edad nito. Madaling nawalan ng asawa dahil sa isang digmaang naganap. Hindi nabibiyayaan ng anak dahil sa sakit nito sa matres. Buong buhay niya ay nangarap siyang magka-anak ngunit hindi iyon natupad dahil sa sakit at maagang pagkawala ng kabiyak sa buhay. Lungkot ang naramdaman niya sa t'wing sasapit ang kapaskuhan at bagong taon. Tanging mag-isa lamang siya sa mansyon niya dahil ang mga alipin niya ay uuwi sa kani-kanilang pamilya.

Bawat pamilya na matitingnan niya sa bayan na masayang magkasama sa pamimili sa palengke, pamilyang magkasamang nag-aani sa kanilang malawak na maisan at sa pamilyang magkakasamang naliligo sa ilog, lungkot at pagka-inggit ang naramdaman niya. Wala siyang magagawa kundi umiiyak na lamang.

Isang beses ay nagtangka siyang magpatiwakal ngunit agad itong nakita ng isang alipin na sobrang malapit na sa kanya. Iyon ay si Leonora. Naging alipin niya ito ng mahigit sampung taon. Bawat pagtatangka niyang kitilin ang buhay niya ay may bagay na nag-udyok sa kaniya na pipigil.

Doon niya nalaman na mahalaga pala talaga ang buhay para sa Diyos. Kung hindi mo pa oras, mararanasan mo kung ano ang tunay na buhay. Iyon ang kalungkutan at kasiyahan.

"Mommy..."

Wika ni Ursula na tila ba'y naalimpungatan. Nakahiga siya sa isang malambot at malaki na higaan.

Hindi man maintindihan ni Corazon ang wikang sinasabi ni Ursula ngunit napapagaan niya ang kalooban nito. Naging makahulugan ang salitang ito upang mawalan at maibsan ang kalungkutan na bumabalot sa buong pagkatao niya.

"Leonora, kumuha ka ng tubig at makakain. Mukhang magiging na ang aking anak."

"Anak? Pa-paano naging anak niyo ang isang dayuhang naligaw sa bayang ito? Hindi sa nangingi-alam ako Senyora Corazon ngunit hindi natin alam kung saan at ano ang pinanggalingan ng babaeng iyan".

"Ang paningin ay hindi nakaka-alam ngunit ang puso ay ang siyang nagdidikta at nakaka-alam ng lahat. Naramdaman ko ang tunay na kaligayahan sa t'wing nasisilayan ko ang maamo niyang mukha. Sa una pa lang na pagtatagpo namin ay naramdaman ko na ang saya sa pakiramdam."

"Nasaan ako? Sino kayo? Anong gagawin niyo sa'kin?"

Agad na natigil ang pag-uusap nina Corazon at Leonora nang magising si Ursula. Puno ng takot at pangamba ang dalagang napunta sa nakalipas na panahon.

"Binibini, huminahon ka lang. Hindi kami masamang tao kagaya ng iniisip mo. Nawalan ka ng malay kanina nung napadpad ka sa harap ng mansyon ko at nagtanong kung anong araw ngayon."

Mahinahong paliwanag ni Corazon sa kagigising na si Ursula.

"Sorry!"

"Leonora, kumuha ka na ng tubig."

Utos ni Corazon sa alipin at agad namang tumalima si Leonora. Nilapitan ni Corazon ang bagong-gising na si Ursula.

"Okay ka lang ba, binibini?"

Puno na pangamba ngunit may halong pagmamahal at pag-aalalang tanong ni Corazon ni Ursula.

"Binibini, ayos lang bang magtanong ako tungkol sa personal mo'ng buhay?"

Nahihiya man ngunit nag-pasiya si Senyora Corazon na tanungin si Ursula upang malaman ang personal na buhay nito.

"Isa lang akong masipag at matalinong estudyante na nag-aaral sa isang pampublikong paaralan. Sabi ng iba, maldita at competitive raw ako pagdating sa klase. Aaminin ko, totoo naman iyon lahat ng sinabi nila. Gusto ko kasing ipag-malaki ako ng mga magulang. Gusto ko'ng maging proud sila sa'kin sa kabila ng pangit kong pag-uugali."

Hindi man naiintindihan lahat ng mga sinabi ni Ursula ni Corazon ngunit alam ramdam niya ang pinagdadaanan ng babaeng ligaw. Alam niyang may pinagdadadaanan ito kung kaya't nagawa niyang maging isang hindi kanais-nais na pag-uugali.

"Anong kahulugan ng salitang mal-deta, parowd at kom-petetib ?"

"A! Pasensya ka na, ganyan kasi ang mga salita sa makabagong panahon. Bibihira na ang Tagalog, kadalasan Taglish na at 'yong iba ay English talaga. Dahilan kasi iyon sa mga bagong asignatura na itinuturo ng mga guro. Mas pinagtutuunan na ng pansin karamihan ang wikang Ingles dahil iyon ang pandaigdigang wika o linggwahe."

Salaysay ni Ursula batay sa kaniyang mga karanasan at nalalaman sa panahong pinanggalingan niya.

"Bibihira na ang mga makata na salitang Filipino sa panahon namin, kung ikukumpara ito hindi nangangalahati ang gumagamit nito kaysa sa wikang Ingles. Isang salik din ang makabagong teknolohiya na karamihang ginagamit ng mga tao. Kadalasang gumagamit roon ay ang mga kabataan na kasing-edad ko. Mas binibigyan nila iyon ng panahon kaya nagiging mas malawak at marami ang gumagamit ng wikang Ingles. At ito pa, ginagamit din kasi iyon sa pakikipagtalastasan at pakiki-komunikasyon sa ibang bansa upang maging konektado at magkakaintindihan ang bawat panig." Mahabang lintana ni Ursula.

"A! Ano nga ba ang salitang binanggit mo kanina?"

" Iyong  pa-rowd o proud ay nangangahulugang 'saludo' o maging 'bilib sa aking kakayahan', ang mal-deta o maldita ay isang ugali na pinaghalong 'maarte' at pagka-inis sa isang bagay o pangyayari na hindi naaayon sa panlasa o kagustuhan mo. Ang kom-petitib naman ay may bilib sa sarili na kaya mo lahat ng problema. Palaban sa madaling salita."

"Iyon pala ang mga kahulugan ng mga salitang iyong binanggit kanina. Ibang-iba pala talaga ang wika ko sa wika mo."

Napagtanto ni Corazon na totoo ngang naligaw si Ursula sa bayan nila. Ang kasuotan at pananalita nito ay ibang-iba sa panahon niya. Nais niyang tuklasin ang dahilan kung bakit napadpad ang babaeng ito sa bayan nila. Pero, hindi pa ngayon ang panahon para sa bagay na iyon. Mas gusto niya munang makilala nang lubusan ang babaeng nagpapagaan ng kalooban niya.

Ursula's Quest (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon