Tiktilaok3x...
Haaarrrrrrpppp (hikab) inaantok pa ako haisssttt nakakatamad pa bumangon pero no choice ako kailangan kong bumangon para makaluto na ako ng ititinda ko mamaya sabado ngayon siguradong marami akong mabebenta kasi walang pasok.
Btw ako nga pala si Nat2x 16 years old na ako ang totoo ko palang name ay Kristal Nathalie Joyce Rosales ang haba diba Ewan ko ba sa mga magulang ko kung bakit ganyan kahaba ang pinangalan nila sa akin panganay nga pala ako bale apat kaming magkakapatid. Mahirap lang kami at paglalabada at paglalako ng puto ang ikinabubuhay ng pamilya namin wala na kaming tatay kasi wala nawala siya ehh sumama sa ibang babae ang galing niya nga ehhh masyado niya talagang ginalingan. Tama na nga muna ang kadramahan ko makabangon na nga at ng makaluto na kami ni mama ng puto.
Bumangon ako at nagtali ng buhok ko tapos lumabas na ako naabutan ko si mama sa may kusina na nagninidnid ng kamoteng kahoy alam niyo ba yun?
Sa mga nakakaalam okay sa mga Hindi naman okay pa rin hehe..
Pagdating ko sa kusina hinugasan ko agad ang mga putuhan at pinatuyo ito. Habang si mama naman patuloy pa rin sa pagninidnid kunti na lang at matatapos na rin siya mas maaga kasi siyang nagising kesa sa akin ehh...Inday timplahan mo nga ako ng kape si mama yan Inday yung tawag niya sa akin haha lakas maka probinsiyana noh?
Sige po nay at ipinagtimpla ko na siya ng kape at syempre dahil Hindi pa ako nagkakape simahan ko na rin ang sarili ko sa pagtimpla pagtapos ko magtimpla ay inabot ko na kay mama yung kape at ako umupo ako sa Bangko or upuan at nagkape na...
Hindi rin nagtagal ay naubos ko na rin ang kape ko at sakto naman na tapos na rin si mama sa pagninidnid ng kamote kinuha ko yung nyog na nakalagay sa malaking planggana na kinudkod ko kagabi grabe sobrang sakit talaga ng likod ko kagabi sa sobrang dami...pero okay na na kaya ko naman ehh
Nay pipigaan ko na po ba yung nyog ng gata? Tanong ko kay mama
Sige Inday pigaan mo ng maaga tayo matapos at maaga kang nakalako sabi naman ni nanay at ayun nga pinigaan ko na at ilang minuto lang ay natapos na ako ang sakit sa kamay pero okay lang sanay naman na ako. Sinalang ko na yung kawali para makagawa na kami ng bukayo para pang palaman sa puto...