Para kay Mama =))

300 1 0
                                    

Bago mo kami isinilang sa mundong ito

Laking hirap ang dinanas mo

Siyam na buwan kami'y dala-dala mo

Walang katumbas ang iyong sakripisyo

Para sa ami'y gagawin ang lahat

Walang paki-alam kahit magkasugat

O gumaspang man ang iyong balat

Kahit katawan mo ay pumayat

Sa kabila ng aming katamaran at kasutilan

Andiyan ka para kami'y pagsabihan

Kami'y hindi mo pinapabayaan

At palagi mong ginagabayan

Pagmamahal mo'y palagi mong pinaparamdam

Mga halik at yakap ng isang ina

Na halos lahat ng bata ito'y inaasam

Sa ami'y lagi mong pinapadama

Anumang problemang iyong kaharapin

Ika'y hindi pa rin sumusuko sa amin

Laking pasasalamat at nandiyan ka pa rin

Hindi nawawala sa tabi namin

Hindi man namin masabi ng harapan

Ito'y idadaan na lamang sa ganitong paraan

Pagmamahal namin sa iyo sana'y maramdaman

Sapagkat sa puso namin ika'y nag-iisa lamang

Para kay nanay, pagmamahal na tunay

Ipaparamdam sa iyo ng walang humpay

Magkaroon ng isang tulad mo'y tagumpay

Pahahalagahan at aalagaan ka ng habambuhay

Aming man hindi masabi ng diretso

Pero ito'y mula sa aming puso

Ipaparamdam namin sa'yo ng buong-buo

Isigaw man sa buong mundo

Sa araw-araw nating magkasama

Hindi man masabi ng diretso sa iyong mga mata

Ito'y sana iyong laging pagkakatandaan

"Mahal ka namin, Mama!"

Para kay Mama =))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon