ONE-SHOT

6 0 0
                                    

"Wala ka talagang modo na bata ka! Ano bang ginawa namin at nagkaganyan ka? Hindi ko alam kung kanino ka nagmana at naging ganyan ang ugali mo. Ma----" hindi pa man natatapos ang ama sa kanyang lintaya ay lumakad na si Crystal palayo. Napabuntong hininga ng marahas ang ama sabay hilot sa kanyang noo at umiling iling.

Patuloy sa paglalakad si Crystal di alintana ang mga matang pumupukol sakanya ng masasamang tingin at ang mga bulungang tungkol sa kanya. Taas noo at walang emosyon syang naglakad patungo sa una nyang klase. Pabagsak syang umupo sa kanyang upuan sabay suot sa dalawang tenga nya ng kanyang earphone. Maya-maya pa ay dumating ang kanyang guro kaya tamad na tinanggal nya ang kanyang earphone.
"How many times do I ha----" hindi na pinatapos ni Crystal ang guro. "Again,I don't know." sagot agad ni Crystal sa gurong itatanong nanaman kung ilang beses na syang pinagbawalan sa pag gamit ng cellphone sa loob ng paaralan. Walang emosyon nyang tinignan ang guro na nakatingin din sakanya. Ilang minuto pa at ang guro na mismo ang unang sumuko. Napailing nalang ito at nag-umpisa na sa pagtuturo.
"Kababaeng tao walang modo,bastos." dinig nyang bulong ng babaeng nasa gilid nya.
"Sinabi mo pa,balita ko pati sa magulang nya ganyan rin sya." sagot naman ng katabi nito. Malamig nyang tinapunan ng tingin ang mga ito kaya nanlaki ang mga nito at nag kunwaring nakikinig nalang sa kanilang guro.

Uwian na nang makaramdaman si Crystal ng kakaiba. Para bang minamartilyo ang utak nya. Napakapit sya sa upuan. Umiikot ang paningin nya at parang nagdidilim. Pinakalma nya muna ang sarili at ibinalik ang walang emosyong mukha. Lumabas na sya ng silid na parang walang nangyari. Lingid sa kaalaman nya na may isang taong kanina pa sya pinagmamasdan.

                  -------------------------

Nagtaka si Crystal nang makitang kulay puti ang ceiling ng kwarto nya. Inilibot nya ang paningin nya at mas nagtaka nang mapagtantong nasa ospital sya. Aalis na sana sya nang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaking doctor na sa tingin nya ay hindi pa ganun ka tanda.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Anong masakit sayo? Ma-----" pinutol nya agad ang sasabihin ng Doctor.
"Uuwi na 'ko." tatanggalin nya na sana ang swero pero pinigilan sya ng Doctor,kunot noo at malamig nya itong tinapunan ng tingin.
"Hindi pa maaari,iha. Pasensya na pero kailangan ko munang makausap ang mga magulang mo. Sabi kasi ng lalaking naghatid sayo dito ay hindi nya alam kung saan ka nakatira nakita ka lang daw nya sa daan." paliwanag ng Doctor. Mas kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ng Doctor. "Wala akong magulang." sabi nya sabay iwas ng tingin. Mula sa gilid ay napansin nya ang sumibol na ngiti sa labi ng Doctor kaya kunot noo at malamig nya ulit itong tinapunan ng tingin. "Eh sino yung pangalan na nakasulat sa I.D mo?" tanong ng Doctor na may maliit na ngiti sa labi.
"Maituturi ko pa rin ba silang magulang at maituturing pa ba nila akong anak?" malamig nyang tanong. Nawala ang maliit na ngiti sa labi ng Doctor,ramdam nya ang awa nito sakanya kaya nilihis nya ang usapan.
"Mamamatay na ba ako?" malamig at diretso nyang tanong. Ilang saglit pa syang tinitigan ng Doctor saka bumuntong hininga, "Nakapabata mo pa pero pakiramdam ko sobrang bigat na ng iyong dinadala. Maaari mo akong ka----" pinutol nya ulit ang sasabihin ng Doctor. "Mamamatay na ho ba ako?" ulit nya na may pagdidiin sa ho. Muli ay bumuntong hininga ang Doctor, "You have a Tumor Lysis Syndrome. Kailangang magamot sa lalong madaling panahon upang malunasan. Kaya nga iha,kailangan kong makausap ang mga magulang mo." paliwanag ng Doctor. Tinitigan nya lang ang Doctor at tuluyan ng tinanggal ang swero. Wala nang nagawa ang Doctor kung hindi hayaan sya.

Habang naglalakad si Crystal ay sinusuklay nya ang buhok nya gamit ang kamay nya. Nang maramdaman ulit ang sakit ng ulo ay tumigil sya sa isang tabi. Walang emosyon nyang tinitigan ang kalangitan. Hindi nya alam kung gaano katagal na nyang tinitigan ang kalangitan,hanggang sa maramdaman nyang may tumabi sakanya. Kunot noo at malamig nya itong tinignan. Ngumiti ito sakanya ng bahagya at inabot ang panyo. Mas lalong kumunot ang kanyang noo,na agad namang napansin ng lalaki. "Ipunas mo sa mukha mo,kanina pa umaagos ang luha mo. Wag kang mag-alala malinis pa sa malinis yan." pabirong sabi ng lalaki. Hinawakan nya ang pisngi nya at napagtantong basa nga ito ng mga luha nya. Ibinalik nya ang tingin sa kalangitan. Gabi na kaya maraming bituin at masarap ang simoy ng hangin. Ipinikit nya ang mata nya at malakas na pinakawalan ang buntong hininga. "Nakakapagod na." saad nya at muling idinilat ang matang nanlalabo na sabay tingin ulit sa kalangitan. Nagulat sya nang maramdaman ang lambot ng isang bagay. Bumaling sya sa katabi nya at nakitang naruruon pa rin ang lalaki at ito na ang nagpunas ng mga luha nya para sakanya. Hindi na nya napigilan ang emosyon na lumukob sa kanya at napahikbi na sya. Pilit nyang pinakakalma ang sarili habang nakatingala upang pigilan ang pagdaloy ng masasagana nyang luha.
"Wag! Wag mong iparamdam na naaawa ka dahil pakiramdam ko nakahanap na ako ng kakampi ko dito sa mundong ito." mahinang sabi nya habang nakatingin pa rin sa kalangitan. Unti-unti nyang tinignan ang lalaki habang patuloy sa pagdaloy ang luha nya. Lihim syang napabuntong hininga,'bakit sa kanya pa lumabas ang emosyong matagal ko nang pinakatatago' tanong nya sa kanyang isipan. "Ayokong kaawaan mo 'ko kaya pwede umalis kana." mahinang pakiusap nya pero imbis na sundin sya nito ay tinitigan lamang sya nito. "Sige tutal huling araw ko na rin siguro 'to sasabihin ko na sayo tutal ikaw lang rin naman ang mapagsasabihan ko ngayon." bahagya syang ngumiti at tumingin ulit sa mabituing kalangitan. "Kasalanan ko ba talaga ang lahat? Kung bakit namatay sya? Ano bang alam ko nang mga panahon na 'yon? Ako lang ba ang dapat sisihin? Kasalanan ko ba na tatanga tanga ako na imbis na humingi ako ng tulong ay napatulala nalang ako sa nangyari? Sabihin mo namang hindi. Kasi nakakapagod na! Nakakapagod yung paulit-ulit kang sinisisi sa bagay na kahit ikaw sarili mo rin mismo ang sinisisi mo. Sinisisi mo rin ang sarili mo kung bakit ang tanga tanga mo at kung bakit hindi ka humingi ng tulong. Ang tanga tanga ko kasi! Sana ako nalang yung nawala para kahit papaano masaya sila ngayon. Sana ako nalang kasi wala naman akong kwenta! Bastos ako at walang modo! Bastarda ako at qaqo! Anak ako sa labas at pasakit ako sa buhay nila. Sana nga ako nalang yung namatay,edi sana kasama ko na si Mama at masaya kaming dalawa. Edi sana masaya si Papa kasama ang tunay at ang pinaka mamahal nyang pamilya." lumakas ang hikbi nya kaya tinakpan nya ang bibig nya gamit ang kanang kamay nya at pinangtakip naman nya sa mata nya ang kaliwang braso nya.
"Nabuhay nga ako pero kung sisihin nila ako pakiramdam ko patay na rin ako. Kasi bukod sa paninisi nila hanggang ngayon patuloy akong nakokonsensya. Kaya masaya ako at bilang nalang ang oras ko. Magiging payapa na ang buhay ko at makakasama ko pa ang Mama ko. Sobrang saya ko dahil sa wakas natupad na ang matagal ko nang hiniling sakanya." tignan nya ang lalaki na patuloy pa rin ang pag titig sakanya at ginawaran nya ito nang ngiting sa kanyang Ina nya lang ibinibigay. Malakas syang bumuntong hininga. Kahit pugto ang mata ay masaya sya. Dahil sa wakas ay nasabi nya na ang matagal nang nakadagan sa damdamin nya. Akala kasi ng lahat masamang tao sya. Maaaring oo,dahil wala syang nagawa upang tulungan ang kapatid nya. Kung hindi sana sya natulala at nagulat sa mga pangyayari edi sana buhay pa ito. Hindi nya rin naman kasalanan ang ganoong asal nya sa kanyang ama. Dahil simula't sapul hindi sila nagkasundong dalawa. Dahil nung mga panahong iniintindi nya pa ang mga ito ay mas masahol pa sa inaasal nya ngayon ang ginawa ng mga ito sakanya. Kaya kung tutuusin wala itong karapatang sabihan sya ng masasakit na salita. Dahil ama nya nga ito,pero hindi naman ito nagpakaama sakanya. At ang tao kapag napagod wag mong asahang katulad pa rin ng dati ang pakikitungo nya. Dahil hindi sa lahat ng oras may makakaintindi at magpapasensya sayo. At hindi sa lahat ng oras patuloy kang iintindi at patuloy kang magpapasensya.

Bumalik sya sa reyalidad nang maramdaman nyang niyakap sya ng lalaki. Kahit naiilang ay napayakap na rin sya dito at naging komportable na rin.

                   --------------------------

Habang tumatagal ay mas nanghihina na si Crystal. At kahit na nasasaktan sya ay hindi pa rin mabura ang ngiti sa labi nya. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pintuan at nakita nya ang kanyang ama. Pumasok ito habang may nangingilid na luha.
"Anak, patawarin mo ako kung nagkulang ako sayo at hindi ko nagawa ang tungkulin ko bilang ama mo. Patawarin mo ako sa mga masasakit na nasabi ko sayo. Patawarin mo ako kung naging ganun ang trato namin sayo. Pero anak kahit na ganun wag mong kalilimutan na mahal kita." hinawakan ng ama nya ang kamay nya at napahagulgol na. Umiiyak man ay may ngiti pa rin sa labi ni Crystal. Matagal nya nang gustong marinig ang mga bagay na iyon. Masakit mang isipin na iyon ang una't huling beses na maririnig nya ito galing mismo sakanya ama. Masakit man tanggapin na malalaman mo lang talaga ang halaga ng isang tao kapag wala na ito. Sasabihin mo lang ang mga bagay na dapat matagal mo nang sinabi kung kailan mawawala na ito. At ipaparamdam mo lang ang halaga nito kung kailan nalalabi nalang ang oras nito. Pero kahit ganun pa man ay masaya sya dahil kahit sa kahulihulihang hininga nya ay narinig nya na mahal sya ng kanyang ama.
"Mahal rin po kita,Papa. Pinapatawad na po kita,kayo." hinigpitan nya ang hawak sa kamay ng kanyang ama at ngumiti. Lumapit ang ama nya at hinalikan sya nang matagal sa noo. Sa huling pagkakataon ay nagtinginan sila at nagngitian. Unti-unting ipinikit ni Crystal ang kanyang mata habang may ngiti sa kanyang labi,dahan-dahang nagbitaw ang kanilang kamay hanggang sa tuluyan na itong maghiwalay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

G O N EWhere stories live. Discover now