Spur
ฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯฯ
"Ano Lia, may something o wala?" tumingin ako sa tinutukoy ng kaklase kong mapang-asar at pilit na ngumiti.
"Meron. Obvious naman e." sinabayan ko ang pagtawa niya nang kinikilig.
"Meron nga kasi!" I nodded and continued writing.
"Danielle ketchup ka ba?" bahagya akong tumigil sa pagsusulat para pakinggan ang sunod niyang sasabihin.
"Ano na naman yan, Kyle?"
"Magbakit ka nalang kasi!"
"Demanding mo! Oh bakit?"
"Lagi ka kasing hinahanap ng hotdog ko." as much as I don't want to laugh because it would only mean that I'm eavesdropping, I just can't! Napatawa ako nang mahina at napatingin sa kanya. Halos lahat ng nakarinig sa sinabi niya ang natawa. Grabe. Ang lakas talaga niyang makapagpasaya. Tell me again how can I not like this person? He's so jolly and a happy-go-lucky, never did I know that I'd like him for that, actually.
Napatigil ako sa pagtawa nang magtama ang tingin namin. Nakangiti siyang napatingin sa gawi ko pero kaagad ding umiwas. I was shocked, kasi hindi ko naman talaga inaasahang mapapatingin siya, to think na nakangiti pa! And hey, why would he look at me?
Napasadahan ka lang. Malisyosa.
Oh please.
Yumuko na lang ako ulit para hindi niya mahalata ang ngiti ko. Kainis! Ang lakas talaga ng epekto niya sakin.
"Lia! Ano, hindi magrerecess?" she sarcastically asked me. Kinuha ko ang wallet ko sa bag tsaka tumayo at lumapit sa kanya. Lumabas na kami ng room.
"I saw that."
"Alin?" ngumiti siya nang pang-asar. "Ano nga!" natatawa kong tanong kasi alam ko namang pareho naming alam kung ano ang tinutukoy niya.
She put her arm around me and whispered, "Ang landian moment niyo."
"Hey!" hahampasin ko na sana siya pero nakalayo agad siya. Well, it was expected from me that I would hit her. She's used to it as much as I am used to her being so hopeless romantic to the point na kahit maliliit na bagay ay nilalagyan niya ng meaning.
"What? Nagkatinginan kayo, with wide smile on both of your faces! Hindi ka ba kinikilig?!" I rolled my eyes.
"Paano ako kikiligin e alam naman natin pareho kung sino? Kung sino yung lagi niyang kakulitan, kung sino yung lagi niyang nilalapitan." and now it's her turn to roll eyes.
"Lia, masyado ka kasing focused sa idea nilang dalawa kaya hindi mo napapansin na may kakaiba rin sa pagitan niyong dalawa."
"Aleja, masyado ka kasing malisyosa to realize that you're just assuming over nonsense things." magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na. "Anong bibilhin mo?"
"Pizza na lang. Bahala ka na sa iba." tumango na lang ako bago siya humanap ng mauupuan.
"Walang vacant?"
"Meron ka bang nakikita?" tinalikuran ko siya.