Chapter 1: Ang simula ng Kwento
Ang istorya kong ito ay nag simula ng hapon sa may kalsada. Naglalaro kami ng aking mga kaibigan ng habulan. May napansin akong isang lalaki na tila baga nagmamasid sa amin doon sa hindi kalayuang lumang bahay na malapit sa aming pinag-lalaruan. Habang ako ay naging taya sa laro, nagtanong ako sa isa kong kasama na kalaro kung ano ba ang meron sa lumang bahay na iyon. Dali-dali niya akong sinagot na "sabi sa akin ng tatay, ko wala daw tao sa bahay na yan. dahil ang mga nakatira daw dun ay mga maligno at aswang. kaya walang pumupunta diyan.." Nang kami ay natapos maglaro at nag-aya ng magsipag uwian, naisip kong puntahan ang bahay na iyon dahil gusto ko din makita kung totoo nga talaga ang sinasabi ng kaibingan ko at gusto ko din makita yung lalaking nag mamasid sa amin kanina.
Chapter 2: Sa loob ng bahay
Nang pumasok na ako sa bahay, wala naman akong nakitang bagay na kakaiba, kundi ang isang upuang kahoy at wala din doon ang lalaking hinahanap ko. kaya naisip ko na din na umuwi. Sa aking pag talikod, may boses akong narinig na parang tinatawag ang aking pangalan. kaya ako ay napalingon at laking gulat ko, na biglang may matanda na nakaupo sa silyang kanina'y walang laman. Ako ay nagulat sa akin nakita, at sinabing "sino ka? paano ka naka punta diyan." Sa akin pagka-taranta, nagmadali akong tumakbo, subalit sa aking kakatakbo papalayo sa matanda lagi akong napapahinto sa lugar kung nasaan siya. Bigla siyang nagsalita at ako ay napahinto sa kanyang sinabi, "isa akong salamangkero sa nakaraan, na napadpad sa panahon ninyo. At may kapangyarihan akong makita angbkapangyarihan sa hinaharap." Ako ay napa upo at unti-unting nakinig sa kanyang mga sinabi..
Chapter 3: Makinig at mamangha
Ang dami niyang na ikwento sa akin, Gaya nang mga naglalakihang gusali na "triple" pa ang laki sa aming mga kubong bahay at sa simbahan sa aming kapitolyo, at singhaba ng aming pamayanan. Sa sobrang laki daw nito, malulula ka daw kapag ikaw ay nasa tuktok. "Hay.. ang sarap sigurong mabuhay sa panahong iyon.." meron din daw mga malalaking sasakyan, gaya ng karwahing bakal na kung saan sing bilis nito ang sampung kabayong nagtatakbuhan. Mahahaba at naglalakihang hugis uod na gawa sa asero na nasa himpapawid na may sinusundang daanan at animo'y ibong sobrang laki na pwedeng sumakay ang mga tao kahit ilan pa ang mga ito. Mayroon din sing laki ng balyenang gawa sa bakal na kung umugong daw ay nakakabingi. pwede din itong sakyan sa tiyan at magpunta sa ilalim ng dagat-dagatan. May mga kamangha-mangha din daw silang mga bagay na iyong makikita at mahahawakan, gaya ng isang malaking "pisara" kung saan para ka daw naka dungaw sa bintana at makikita mo ang mga nangyayari sa ibat-ibang lugar kahit hindi ka umaalis sa iyong kinalalagyan. Tapos, ang mga tao daw doon ay parang mga baliw na nagsasalita mag-isa, na parang may kausap na tiga ibang planeta. Minsan naman daw, may hawak silang maliit na dalaming hugis parihaba, at ito ang madalas nilang tinititigan at kinakausap. Mayroon din silang maliliit na kagamitan na sing liit ng "posporo" na sa liit nito, kaya nitong magbigay tunog sa mga makakabitan nitong mga bagay. Tawa ako ng tawa kasi, parang nasisiraan na ng utak ang mga tao sa panahon ng hinaharap. Pero namamangha padin ako kung sakaling mangyari man ito. Sabi din ng matandang "Salamangkero", ang mga kinakain daw nila doon madali mo lang makukuha. Hindi mo na daw kaylangang maghintay ng isang oras na pag luluto para makakain, sa panahon daw nila, kakausapin mo lang ang isang kahong nagsasalita na nagtatanong ng nais mong makain ora'mismo, makakain mo na ang mga ito. Meron din silang maliliit na bato na kapag iyong iinumin, mawawala ang iyong nararamdamang sakit. "Grabe, ang galing talaga ng matanda, hindi kapani-paniwala ang sinasabi pero sa kanyang pananalita o pag kwento ay sobra ka naman mamamangha" Maiisip mo tuloy, na tunay ang kanyang nga sinasabi.
Chapter 4: Ipakita at malaman
Sa pag kaalam ko ng mga nangyayari sa panahong iyon, ang dami tuloy pumasok sa isipan ko. siguro, ang sayang manirahan sa panahong iyon. kasi biruin mo, ang lahat ay nakakabilib, ang lahat ay napapabilis at napapadali. Sabi ko tuloy sa matanda "gusto kong makita yun at doon na tumira" at ako ay kanyang sinagot, "wag mo ng pangarapin at makuntento ko sa anong meron ka ngayon." Nagtaka ako kung bakit naging ganoon ang reaksyon nang matanda. natanong ko tuloy siya "bakit sa mga nakwento mo parang ang saya, madali, magaan at maganda ang bawat gawain ng mga tao doon, subalit taliwas ito sa mga sinasabi mo ngayon?" pinipilit ko ang matanda na dalhin niya ako sa panahong iyon. Sabay sabi sa akin "gusto mo ba talagang makita ang iba pang nakita ko sa kinabukasan?" Di ako nag paligoy-ligoy pa at ito ay aking sinang ayunan agad. Sabay sabing "sige, bibigyan kita ng kaunti nang aking PANGITAIN sa hinaharap at pag isipan mong mabuti kung gusto mong manirahan sa panahong iyon." pinapikit niya ako dala ang kasabikan na makita ang kanyang nakikita sa hinaharap at hinawakan niya ang aking ulo. Maya-maya ay may nakita akong liwanag sa aking maitim na pag pikit.
BINABASA MO ANG
Pangitain (Vision)
Mystery / ThrillerIsang tipikal na batang lalaki na nabuhay sa panahon noon at kanyang nilahaf ang kanyang mga naranasan at nakita.