Chapter 1

30 0 0
                                    

~Chapter 1~

[Riella's POV]

'Kapagod magshopping!' Sabi ko sa isip ko. Baka namaya kung sinabi ko talaga yan, masabihan pa ko ng baliw. Wala kaya ako kasama. Di kasi ako sinamahan ni Sicily. Kaloka yun! Padate date pang nalalaman. -__-

OH-EM-GEE!!

Nakalimutan ko! May bibilin pa nga pala akong libro.

Aish! Sana may available pa! Mabenta pa naman yun. Tsk!

Tumakbo agad ako sa NBS. O baka naman di nyo alam yung NBS?! National bookstore!

"Waaaaah! OH-EM-GEE! MERON PA!" Sigaw ko kahit alam kong makakaagaw pansin. Pero wala akong pakialam kahit pagtinginan pa ko ng mga tao. Kahit sabihan pa nila ko ng baliw. Totoo naman kasi at tanggap ko na I'M THE CRAZY GODDESS.

Saktong paghawak ko, may humawak ding isa pang kamay. -_-

"ANO BA?! Nauna ko dito!" sigaw ko sabay hila sa book pero di pa rin nya ito binibitawan.

"Miss, akong nauna dito! Kaya pwede ba?! Ikaw ang bumitaw!" sigaw din nya. Marami na ring nakakapansin samin. -___-

Chineck ko kung may iba pa bang ganitong book. Pero wala na talaga. Badtrip!

"Hindi! Akin to! Ako nauna! Ikaw ang bumitaw!" Hindi ko pa rin binibitawan yung libro.

"Ahmm. Ma'am, Sir, wag na po kayong mag—" hindi natuloy ni Ateng NBS (yung mga nag-aayos ng book, yun kasi tawag ko sa kanila eh) yung sasabihin nya ng icut sya ni Kuyang Mang-aagaw. Yeah, lalaki yung kaagaw ko. Buti na lang malakas ako kaya di nya nakukuha. :)

"WHAT?! Sasabihin mong wag mag-agawan sa libro eh iisa na nga lang to." hindi pa rin binibitawan ni Kuyang Mang-aagaw yung libro. Tinry ko din hilahin pero malakas talaga sya. Aish!

"Patapusin nyo po muna kasi ako, Sir. Ang sinasabi ko lang naman po eh wag kayong mag-agawan dyan sa libro dahil may isa pa po kami nyan. Nakakaagaw din po kasi kayo ng pansin ng ibang costumer." mahinahong paliwanag naman ni Ateng NBS.

"Eh may isa pa naman pala, ate, eh! Bakit hindi mo nilagay dito para di na ko nagpakahirap sigawan tong si Kuya!" sigaw ko naman kay Ate. Nakakaasar lang kasi. May isa pa pala, tinatago pa nila. Nakakabadtrip. -___-

~~~~~

Sa Bahay...

"ARGH! Nakakainis, Sis!" kwento ko kay Sicily, yung bestfriend ko. Magkasama lang kami sa isang bahay. Nakaupo kami dito sa sofa. Foodtrip lang.

"Sis, kalma. Aminin mo, gwapo noh?" Asar nya sabay kiliti sa tagliran ko.

"Hindi noh!" napaisip naman ako dun. Well, gwapo naman si Kuyang Mang-aagaw. Maputi, matangkad, ma-appeal. Gwapo nga kaya lang di man lang maibigay yung libro sakin. Huh! Libro lang yun ha! Sinigawan pa ko. Baklush! -__-

"Weeeh?! Bulataw ka naman, Dariella! Sabi mo kaninang kinukwento mo, gwapo." nakapoker face pa sya nyan ha. Baliw din talaga tong kaibigan ko. -_-

"May sinabi ba kong ganun?! Baka hindi ako yun! Hala! Minumulto ka, Sis!" wala talaga akong matandaan na may sinabi akong gwapo yun. -__-

"Sis, wag mo kong pinagloloko ha!" sabay irap nito. Turuy!

"Oo na nga lang! Isipin mo na kung anong gusto mong isipin." sabi ko sabay kain ng pizza.

"Sus! Palusot ka pa, nagwapuhan ka naman talaga. Gusto ko tuloy yan makilala!" sabi nya at umakto pang  nagdedaydream. Loko tong babaeng to. -__-

"Ayoko ng makita ulit yun! Baka mabadtrip lang ako." -___-

~~~~

A/n: Sorry walang prologue. Di ako marunong gumawa. xD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon