"Oh? Break na naman kayo ng syota mo? Ilang syota mo na ba tol ang dinala mo dito sa club?"
Alam kong naaasar na si Dave sa ginagawa ko. Naiirita kasi ako sa kanya. Buwang buwan na lang ay may dinadalang babae dito sa
Club.
Club. Hindi inuman. Tambayan ng aming tropa.
Nakakairita lang dahil sa tuwing magagawi dito ang lalakeng ito, iba iba ang kasamang babae.
Hindi na iginalang ang tambayan
ng tropa.
"Pakialam mo ba? Yang ka-tomboyan mo ang pakialaman mo." sagot nito sa akin na iritadongirirtado.
Tomboy. Palagi na lang akong tomboy.
"Excuse me, hindi ako tomboy. Hindi lang ako sanay mag-lugay ng buhok at mas komportable ako sa mga jerseys. Nangingialam ka na naman.
Maganda naman ako ah. Psh. MAs maganda pa nga ako kaysa sa mga babaeng dinadala niya dito sa Club. Kaasar.
"Tomboy ka."
"Tse! Pangit ka. Kaya walang babaeng tumatagal sa'yo."
Dala ng sinabi ko ay nagalit ito at umalis sa harap ko.
Totoo naman ah. Pangit sya. Kasi kung hindi, bakit palagi na lang silang nagbibreak ng mga girlfriends niya?
***
"Oh? Panibagong girlfriend na naman iyong dala mo?" salubong ko agad sa kanya nang pumasok siya sa loob ng club na may dala na namang babae.
"Oo, tapos tarayan mo na naman gara ng lagi mong ginagawa." iritadong sagot nito sa akin.
Psh. "Psh. Ang pangit."
"sige, laitin mo pa."
"Eh pangit naman talaga."
"Oo, ikaw na ang maganda." Iyon lang ang sinabi niya at umalis na sa harapan ko. Muli itong tumabi sa kasama nito.
Psh. Mukhang paa.
Mula dito sa maliit na kitchen ng Club ay pasimpleng tinititigan ko ang dalawa.
"Oy, ang leeg mo." wika ni Adie, isa sa mga tropa namin.
"Maputol yan. Kung curious ka sa pinag-uusapan ng dalawa, lapitan mo. HAHAHA."
"Tigilan mo nga ako. Ipagpatuloy mo na lang iyang pagluluto mo." pagtataray ko dito.
Nakita kong nagtatawanan sina at Dave at ang kasama nito.
Psh. Ang lalandi.
Nakaakbay pa si Dave at tila ahas naman kung makadikit itong babae.
Pshh. Kung alam mo lang, pang-ilan ka na sa mga babae niyan!
Pero teka? Bakit parang apektado pa ako masyado?
"Oh, hatiran mo ng juice yung dalawa." utos sa akin ni Adie.
"Bakit ako? Ayoko nga.""Umayos ka nga. Ihatid mo na yan."
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa bruha. Wala eh,. kaibigan.
Kaya ayun, naglakad ako papalapit sa dalawa at hinatiran ang mga ito ng juice pero hindi sinasadyang natapilok ako.
Hindi talaga sinasadya,promise!
"Chris! Ano ba naman yan!"
"My dress! Oh my gosh!" sigaw naman ng kasama ni Dave.
"Oh, Im sorry. Hindi ko naman sinasadya. Sorry." wika ko.
Hindi ko naman talaga sinasadya.
"Let's go, Dave. She's hopeless. I swear."