Tindahan

528 26 13
                                    

Summer na.

- Mainit na naman

- Wala na namang baong pera

- Maghihirap na naman ako

- Wala namang summer job sa edad ko

- Mahina na naman ang internet connection

- Nakakababoy

- Kokonte na naman ang sale sa mall

- Utos dito, utos doon na naman

- Laging blackout sa amin

- Tutunganga na naman ako sa bahay

- Tigbantay pusa na naman ako ni Ate

- Di ko na naman makikita si Crush

- Wala na ang iba kong katropa next school year. Mamimiss ko sila.

Ano pa bang mga negatives ang meron sa summer? Hay nako.

"Fhe, maghugas ka na ng pinagkainan!", sigaw ni mama mula sa baba. Hay nako, utos na naman?!

"E mama! Di naman ako kumain ah?", e totoo naman ah? Di na nga ako kumain para di ako ang maghuhugas ng plato tapos ngayon ako pa rin? Hustisya?!

At dahil walang hustisya ang mundong 'to, ako pa rin ang pinahugas ng plato ni mama. Araw-araw akong ganito, paulit-ulit nalang ang lifestyle ko. Wala na bang magbabago?!

Pero dinadaan ko nalang sa pagkanta ang lahat ng sama ng loob ko, hihihihi. Oo! Sama ng loob talaga! Grabe! Napawi ito nang bumisita si lola sa bahay! Yay! Banzai!

"Lola!", masayang sigaw ko sabay yakap sa kanya. Mahal na mahal ko 'tong si lola e. Spoiled grand daughter ako nito.

"Ahahaha, apo ko, kamusta ka na?"

Nagpout effect naman ako, "Lola! Sama niyo naman ako dun sa inyo, please! Wala rin naman akong ginagawa rito! Kahit anong trabaho, okay lang? Basta lola! May sweldo!", sabi ko sabay kindat at pakyot. Hihihihi.

"Ahy. Nakong bata ka, siguro tinatamad ka na rito sa bahay niyo no?"

"Hay nako nay, wag niyo ng pansinin yan si Fheona...", sumaybet naman si mama habang nagsasampay ng mga damit. Tsk.

"Ahehe, apo ko. May trabaho pang natira dun sa bahay gusto mong ikaw ng magasikaso nun?", sabi ni lola! Yupeee!

"Talaga lola?!"

"Oo naman!"

"Nay naman...", pag-alalang sabi ni mama. Bleh! Hihihihi.

At dahil sinuwerte ako sa araw na yun, walang nagawa si mama para pigilan akong lumisan muna... Andyan si lola e! At saka, pumayag din naman si papa kaya no choice talaga si mama! BWAHAHAHA! Ang sama ko naman.

Kinabukasan, pumunta agad kami sa tirahan ni lola. As always, di pa rin naman nagbabago... Malinis pa rin katulad ng dati, si lolo naman, bedridden pa rin at inaalagaan ng caretaker.

By the way, napagusapan na pala namin ni lola na magiging tigbantay ako ng tindahan nila kasi magpapahinga raw muna si lola hanggang sa simula na naman ng pasukan.

"Tao po"

"May tao, kitang nakaupo lang dito e", yah! Ganyan ako ka-pilosopa sa tindahang 'to. Lahat sila talbog e, pati lasing, walang kaya sakin sa bangayan! "Oh? Anong sa'yo?", pagtataray ko. Wala naman kasing choice ang mga tao rito e, kasi dalawa lang ang may tindahan sa lugar na 'to at kina lola yung mura so, dito talaga bibili ang mga tao.

TindahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon